Chapter 66

10K 288 67
                                    


ALLESTAIR POV

Sa matagal naming pagkakatitig s isa’t isa ay saka lamang ako natauhan ng magsalita siya. How I missed him calling me wife. That warm feeling started to consume me again, he walked fast near me and was about to grab me but it was too late.

Tumakbo ako ng mabilis, wala ng lingon lingon pa, ang gusto ko ng pagakakataong iyon ay lumayo sa kanya, ang hindi siya makita para hindi makalimutan yung mga sakit na pinagdaanan ko sa haba ng taon na hindi ko siya kasama. Natatakot akong bumalik ulit ako sa dating ako, ang Mystie na uto uto at gustong gustong magpaloko. Ayoko na ulit pagdaanan iyon.

“Wife! Wait!” he shouted.

Alam kong tumakbo din siya para habulin ako pero huli na at nakalabas na ako, hindi na ako nabigla sa presensiya ni Klein na naroon, hindi maipinta ang mukha at tila ba galit na galit, paroo’t parito ang paglalakad na tila kinakabahan na hindi maintindihan.

“Klein tara uwi na tayo, bilis!” may pagmamadaling sabi ko rito, hindi ko na siya hinintay pang mag-salita. Kung kanina ay nagtataka ako at nandito siya para sunduin ako, ngayon ay mas ipinagsasalamat ko pa at sakto ang timing niya.

Pagkabukas ko sa pinto ng sasakyan sa may passenger’s seat ay mabilis kong itinapon ang sarili para umupo at saktong bukas din naman ni Klein.

Hindi siya nagsalita at ganoon din ako, ipinag-papasalamat ko ang katahimikang iyon dahilan sa gusto kong ayusin ang nararamdaman ko na panandaliang nalito pagka-kita ko kay King. Bakit tila napakaliit ng mundo, akala ko ay hindi ko na siya makikita pa, akala ko okay na ako ulit pero bakit ng matitigan ko siya kanina ay iba ang sinasabi ng puso ko sa isip ko?

Bakit tila may pakiramdam sa kailaliman ng puso ko na nag-papasalamat at Nakita ko siya ulit?

“We need to Migrate, again.” Seryoso ang boses na sabi ni Klein. Noon lang pumasok sa isip ko ang kaninang kakaibang inaakto ng lalaki.

“Teka nga? Anong sinasabi mo? B-bakit biglaan naman yata? At saka kanina pa kita hindi maintindihan Klein, ipaliwanag mo nga ng maayos kung bakit ka nagkakaganyan? Nalilito ako.” Hindi maiwasang reklamo ko rito. Sa haba ng panahon na magka-ibigan kami ay ngayon lang kami nagka-iringan ng ganito.

“No need to ask Mystie, basta making ka nalang sa akin dahil para sa ikakabuti mo din ito, niyo ng mga anak mo. Saka ko nalang ipapaliwanag ang lahat pag nasa mismong eroplano na tayo.” Aniyang tila naiinis.

Mas lalo lamang akong naguluhan, mas lalong ayoko siyang sundin. Hindi dahil sa alam kong nandito si King at posibleng hinahanap kami kundi dahil ayokong sirain ang pag-aaral ng mga anak ko at pahirapan ulit sila lalo para mag-adjust sa banyagang lugar na titirhan namin. Okay na kami rito, masaya din ako sa mga natupad na pangarap ko. Masaya ako sa trabaho ko at hindi ko iyon pwedeng iwan ng basta-basta an lamang.

“Sorry Klein pero hindi pwede. Alam kong matagal na tayong mag-kaibigan at napakarami mo ng naitulong sa aming mag-iina at kapakanan lang naming ang iniisip mo pero kasi, hindi ko pwedeng sundin ang sinasabi mo lalo pa at hindi mo masabi ang totoong dahilan. Masaya ako sa trabaho ko at ayokong sirain ang pag-aaral ng mga anak sa mga desisyon mong hindi ko naman alam.” Pilit nagpapaintinding ani ko rito.

Hindi sa ayokong pinapaki-alaman niya ang buhay ko pero kasi kaibigan ko lang siya at hanggang doon nalang iyon, alam ko ang nararamdaman niya sa akin pero ayoko siyang paasahin dahil kung noon pa man pwede na, kung gusto na siya ng puso ko, noon palang ay kami na, pero hindi, hindi ko pwedeng pilitin o turuan ang puso ko.

“You don’t understand! I am doing this for your sake and for your children! Wag nalang kasing matigas ang ulo mo Mystie at makinig ka nalang!” Pasigaw na nitong sabi, tila anwawalan na ng pasensya.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now