Chapter 8

18.5K 427 11
                                    

"What was your idea about the SLA or Second Language Acquisition class? Do you think its possible to fully acquire the second language when you already have your first language?" Tanong ko sa mga estudyante ko.

Highschool pa lamang sila pero advance na ang gustong ituro ng eskwelahan na ito sa kanila, para daw hindi na sila masyadong mahirapan pagtuntong sa kolehiyo. My point naman sila kaya, i agreed and willingly teach them.

Nagsisi-taasan ng kamay ang ilang estudyante para sana sumagot ng kumatok ang kasamahan kong guro at tila nagpa-panic,

"Excuse me class" paalam ko sandali sa mga estudyante ko.

Agad akong lumabas at nagtanong.

"Oh napano ka? Parang hindi makatae ah." Pang-aasar ko pa rito.

"Ano ka ba Mystie, tigilan mo muna ang pag-jo-joke at sumama ka sakin." Sabay hinila ako nito.

Nagtataka man ay nagpati-anod na lang din ako, mukang importante kasi.

Mas lalong nangunot ang noo ko at halos maging isa ang kilay ng makita ko kung saan kami patungo, lalo pa at halos lahat ata ng guro at iba pang personnel ay nanduon sa gate, tila may hinaharang.

"A-anong nangyayari?" Taka kong tanong. Naguguluhan.

"Jusko hindi ko din alam at ikaw ang hinahanap. Halos nandiyan lahat ng representative na reporter ng bawat news station at ikaw ang hanap." Hindi mapakaling aniya at mas binilisan ang paghila sa akin.

Ng makalapit ay agad akong pinaharap sa maraming reporter na kasalukuyang hinaharang ng mga security guard para hindi makapasok sa loob.

Nagkikislapan ang kanilang kamera at halos wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila ng biglang mangibabaw ang isang boses,

"Totoo po ba na ikaw ang huling kasama ng namatay na si Mayor Miguel bago mangyari ang insidente?!" Malakas na pagkaka-sabi nito kaya halos lahat ng tao roon ay nanahimik at hinihintay ang sagot ko.

Pinagpawisan tuloy ako ng malapot at sumabay na tumambol ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba, nangangatal ang labi at nahihirapang magsalita. Hinihiling na sana ay higupin ako ng lupa ngayon din.

Natatakot ako, pano nila ako nahanap? Kanino nila nalaman na ako ang huling kasama ng alkalde? Papatayin na ba nila ako? O ikukulong?

Halos lahat ng iyon ay pumasok sa isip ko at nag-uunahan waring gustong humingi ng kasagutan.

"Totoo po ba?!" Pag-uulit ng ilan na gustong kumpirmahin kung totoo ba ng wala silang mahintay na sagot mula sakin.

"Ano ba?! Anong kaguluhan ito at nanggugulo kayo?!" Malakas na singhal ng aming BUTIHING principal sa mga reporter.

Tumahimik ang ilan ngunit hindi papapigil.

Akmang hahawakan ni Arries ang kamay ko para alisin roon ng magsalita ako.

"O-oo. A-ako nga." Nauutal na pag-amin ko.

Humugot ako ng napakaraming lakas ng loob para masabi lamang iyon at ngayon nga ay mas lalong sumidhi ang kaba ko, tila lalabas ang puso ko sa sobrang kaba, isang malalim na buntong hininga ang nailabas ko pagkatapos.

Mas lalong nagwala ang mga tao roon, at pati mga kasamahan ko ay nagbulong-bulungan, waring nagtataka, ganoon din si Arries na nakakunot ang noo at tila nagtatanong.

"Nakita niyo po ba kung sino ang bumaril sa kanya? May alam po ba kayo? O kasabwat kayo sa pagpatay?" Dire-diretsung tanong nila. Pare-pareho ng tanong.

Mas lalo tuloy akong natakot magsalita dahil sa mga tanong nila at tila pati ako ay ikinokonsidera bilang suspect.

Pero naisip ko din na baka pag hindi ko sinabi ang totoo ay mas lalo silang magtaka at sabihin pang kasabwat nga ako kaya nakakahiya man ay aaminin ko na.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now