Chapter 57

10.4K 238 5
                                    

THIRD PERSON POV

Hindi inaasahan ang panganganak ni Mystie dala na din ng sobrang naramdamang galit kay King. Agad siyang dinala ni Klein sa hospital ng mawalan ito ng malay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Sa kabila ng mga nagawa ni Klein, ang pagdamay sa mga inosente dahil lang sa kagustuhang maging pinakamalakas sa underground organization, ay nakaramdam siya ng awa sa babae. Ang plano niya una palang ay maging malapit rito at kunin ang loob niya pagkatapos ay sirain silang mag-asawa o di kaya ay gawing pain mismo ito kay King para isuko nito ang mafia niya sa kanya.

Iyon ang plano una palang pero nagbago iyon ng mas mapalapit at mas makilala niya ang babae, she is pure as white, kahit sino ay magugustuhan siya dahil sa magandang ugali bukod pa doon ang pisikal na ganda niya.

Sa ngayon nga ay plano niyang sirain sila at akuin ang pagiging ama sa mga anak nito at iyon nga ang ginawa niya, yun nga lang ay masyadong napa-aga at nanganak pa ito ng wala sa oras.

Nasa labas siya ng emergency room nag-aabang ng may lumabas na doctor.

"Kayo po ba ang asawa?" Tanong nitong may pagmamadali.

Hindi siya makasagot agad ngunit ilang sandali din ay nakapagdesisyon siya.

"A-ah y-yeah. Yes, I'm his husband. M-may problema po ba sa asawa ko?" Kinakabahang ani nito.

"To tell you the truth ay mahihirapan kami sa pag-papaanak sa asawa niyo lalo pa at wala siyang malay, isa na din doon ay hindi namin masisigurong ligtas lahat na mailalabas ang mga bata lalo pa at wala sa tamang buwan, kailangan lang po namin ang pirma niyo as an authorization." Aniya at saka ibinigay ang papel.

"G-gawin niyo po lahat mai-ligtas lang ang asawa't mga anak ko doc." Sagot nito sa doctor saka isinauli ang papel matapos pirmahan.

Hindi naman nakaligtas ang ngisi ng lalaki sa doctor ngunit isinawalang bahala nito iyon at saka pumasok sa loob.

Sa isip ni Klein ay he got the luck. Umaayon lahat sa plano niya, pabor sa kanya kung mawala man ang anak ng kalaban niyang si King at pwede niyang ariin ang asawa nito kung sakali na walang kahit anong koneksyon rito.

Pwede siyang tumayong ama pero pwede din mawala nalang ang mga bata sa sinapupunan ni Mystie, ang kaninang litratong ipinakita niya ay totoo yun nga lang ay kuha ito bago pa man lumayas si Mystie.

Habang naghihintay ay tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya.

"What?" Nakakunot ang noo niya ng sagutin ang nasa kabilang linya.

"Boss, malapit na nila kayong mahanap. Hindi na umuubra ang panliliko namin sa kanila, alam na nilang nasa Baguio kayo ngayon pero wala pa silang alam sa saktong lugar." Imporma ng isang tauhan niya, inutusan niya itong iliko ang mga ebidensyang makakapag-patunay na nandito ang asawa ng kalaban niya.

Mas lalong lumalim ang pangungunot noo nito sa narinig.

"Ihanda mo ang mga tauhan natin pati kaalyansang grupo, siguraduhin mong tutulungan tayo. It's not the right timing pero kailangan nating maghanda kung sakaling mahanap nila tayo. Kasalukuyang nanganganak ngayon ang asawa niya at delikado pa ang lagay ng mga anak nila, kung may oras ay ipapadala ko sa ibang bansa ang asawa't mga anak niya pero kung gipit tayo ay pasensyahan nalang kami ng Vinomous na iyan dahil mamamatay sa kamay ko ang mag-iina niya." Parang ibang taong sabi ni Klein.

Walang kahit anong kaide-ideya si Mystie na demonyong klase pala ng tao si Klein, na ginagamit lang siya para makuha ang nais sa asawa, na hindi siya nito tinuring na kaibigan una palang.

Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay ay lumabas ulit ang doctor na kumausap sa kanya kanina.

"Nailabas na po namin ang mga bata at ligtas na ang asawa niyo, may problema nga lang sa apat na bata, kailangan silang ilagay sa incubator dahil kulang sila ng buwan na isinilang, ang huling nailabas ang siyang may pinakamalalang problema dahil sa nipis ng skin nito ay kita ang mga organs nito, hindi pa sila fully developed sir." Anito.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now