Chapter 6

20K 458 32
                                    

MYSTIE POV

Today is monday, and yes gustohin ko man o hindi ay magki-kita at magki-kita kami ni Arries.

Ikatlong araw na din ngayon simula ng may mangyari sa bar, aminin ko man o hindi ay apektado pa din ako sa kaganapang iyon, yung pakiramdam na kailangan kong magtago kahit wala naman akong dapat pagtaguan. Magmula ng mangyari iyon ay hindi ako kailan man lumabas ng bahay. Nagkulong lang ako, gumawa ng lesson plans at chineck ang mga quizes ng mga estudyante ko. Mabuti na lamang at halos pang-isang buwan ang stock ko, hindi din naman kasi ako masyadong kumakain lalo na pag mag-isa.

Matapos mag-ayos ng sarili at maihanda ang mga dadalhin kong gamit sa school ay umalis na ako. Gusto kong magpa-late para sana hindi mag-krus ang landas namin ng walang hiyang lalaking iyon pero napag-isip-isip kong wala naman akong kasalanan, bakit ako ang iiwas d ba? Kung meron man ay siya dapat iyon.

Taas noo kong tinahak ang eskwelahang pinagta-trabahuhan ko ng batiin ako ng guard.

"Good morning po ma'am. Mabuti naman po at maayos na kayo ngayon?" May ngiti sa labing ani kuyang guard.

"Good morning din po manong. At saka, palagi naman po akong maayos ha?" Balik sagot ko rito, nagtataka.

"Hahaha sabagay po maam. Pero po kasi nakita ko kayo last week umiiyak kaya nag-alala po ako kung anong nangyari." Paliwanag nito, napansin siguro ang nagtatanong kong itsura.

Natigil ako saglit, oo nga pala.

"Ah. Haha yun po ba? May nangyari lang po. Sige po manong." Paalam ko rito, umiiwas. Baka kasi masabi ko pa kapag nagtagal ako roon.

Tinahak ko ang mahabang hallway papunta sa office ko ng may makita ako sa malapitan,

Arries and Mika, laughing together. If a stranger saw them, they would assume they were together.

Nabi-bitter nanaman ako at nasasaktan sa ka-sweetan nila. Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa nakikita ko.

"Ang kapal din naman ng mukha ng dalawang ito? At talagang pinangalandakan pa?" Gigil kong sabi, sapat lang para marinig ko.

Hindi pa kami nagbe-break pero kung umasta sila ay parang sila na. Naiiyak tuloy ako na nagagalit.

Ilang dipa lamang ang layo ko sa kanila pero hindi pa din nila ako napapansin, ganoon siguro sila katutok sa isa't-isa.

Sa sitwasyon ko ngayon ay parang ako pa ang nakakasira ng moment nila kung sakaling babatiin ko sila, but at the back of my head, it says there that i have all the right so i should do what i needed to do.

I composed myself and made it looks like kakikita ko lang sa kanila. I walk with demure and wear my very sweet but dangerous smile, i wont let myself look like a loser here.

Binilisan ko ang paglalakad at walang sabi-sabing inangkla ang braso ko sa kamay niya na nooy nakasuot sa bulsa.

"Hey love." Pansin ko rito and kissed his cheeks.

Nandidiri man ay tiniis ko, i wont let you two win.

"Oh Mika, hahaha nakakahiya. But, how are you?" I said with my sweetest and very innocent smile pertaining to the kissed. Tipong nahihiya daw ako kasi nakita niya.

Sa loob-loob ko naman ay bakit ako mahihiya, sila nga ay ginagawa iyon.

"Ah haha ah o-okay lang" tila kinakabahang aniya.

Napangisi tuloy ako, dapat lang na kabahan ka.

Pagkatapos sagutin ako ay tumingin siya kay Arries na noon ay nabigla yata sa pagdating ko at ang biglaan kong paghalik sa kanya, i usually dont do romantic scenes in public.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now