Chapter 45

10.6K 234 3
                                    

THIRD PERSON POV

Matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa ay balik sa dati ang samahan nila, patuloy si King sa panliligaw kay Mystie na siyang dahilan ng saya ng dalaga. Lumipas ang mga araw na payapa sila, pawang masasayang araw ang lumilipas.

It's too good to be true, iyon ang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ni Mystie. Hindi niya maiwasang makaramdam ng takot dahil pawang lahat ay hindi makatotohanan, okay na sila ni King pero ang isiping nandoon lang din si Midelle sa paligid ligid ay hindi niya magawang makampante.

Ang dating wala pang umbok na tiyan niya ngayon ay parang apat na buwan na sa laki kahit ang totoo niyan ay dalawang buwan pa lamang naman.

Alas sais pa lamang ng umaga at hindi niya pa magawang bumangon dahil sa higpit ng yakap ng asawa niya sa kanya, everytime she tries to free herself from his embrace, the more it become tight.

Nasa likod niya ang asawa na mahimbing ang tulog ngunit kung makayakap ay daig pa ang gising, hinayaan na lamang niya iyon dahil nasasanay na siya, palagi namang ganoon kaya sanay na ang sistema niya.

Maya maya lamang ay gumalaw ang palad ni King patungo sa tiyan niya at masuyong hinimas himas iyon saka mas inilapit pa ang katawan sa kanya bago bumulong.

ALLESTAIR POV

"Good morning wife. I love you." Paos nitong sabi saka marahang ibinangon ang sarili kaunti para bigyan siya ng maliliit na halik.

He showered him kisses all over her face and that's enough sweetness to start a day.

"Ano ba King, nakikiliti na ako. Tigil na. Good morning din and I love you too hari ko." Sagot ko din na pilit iniiwas ang katawan sa kanya.

Ngunit sadyang ipinanganak na sutil si King at hindi siya pinakawalan bago ibinaba ang katawan para naman kamustahin ang mga maliliit na chikiting na nasa loob pa lamang ng tiyan niya.

"Good morning too babies. I love you four. Grow a little faster so mommy and i can play with you already okay? And please, don't make it too hard for mommy understood?" Parang batang kausap nito sa tiyan ko bago halik halikan ulit.

I like the scenery of it, it only shows that King will be a very great father to our babies.

"Daddy gutom na kami?" Umaaktong bata ding sabi ko rito.

Dahil siguro sa apat ang dala dala ko ay mabilis akong magutom, walang pinipiling oras ang bunganga ko pag gutom, kahit pa malalim na ang tulog ko at ni King kapag nagutom ako ay magigising talaga ako at syempre, pati si King, siya palaging nagluluto para sa akin kahit pa pagod na pagod siya galing trabaho.

Naaawa ako sa kanya pero hormones ko mismo sy hindi.

"Okay, let's go. Let me serve you my queen." Aniya pa bago ako inalalayang bumaba sa kama at sabay pa kaming nag-ayos ng sarili bago bumaba.

Nagtataka siguro ang ilan kung bakit kailangang si King pa ang magluto gayong may nga katulong naman kami, well the truth is, si King mismo ang nagsabi sa kanilang siya ang magluluto para sa aming dalawa tuwing umaga, all they have to do is to cooked for themselves and for the other men who is in charge of guarding the mansion.

Bago niya simulan ang pagluluto ay ginawa niya na ang juice exclusively for me only, my favorite since i became pregnant, the sweet and sour chocolate with vinegar juice. Pagkatapos ay inasikaso ang mga ihahandang pagkain namin.

Ilang minuto lamang ang ginugul niya bago matapos ang lahat, nagluto siya ng hotdog and egg pati bacon at ang isa sa pinakapaborito ko sa lahat ay ang hiniwang kamatis na perfect partner ng daing. Heavy eater talaga ako at ganon din naman si King kaya wag ng magtaka.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now