Chapter 54

10.9K 244 0
                                    

KING LOURD POV

Isang linggo na ang nakalilipas simula ng humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko, sa isang Linggong iyon ay pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas, bawat patak ng oras ay sobrang bagal.

Halos hindi na ako umuuwi sa sarili kong mansyon, ang kinailangan kong dna sample ay ipinakuha ko na kay manang Fe. Kapag kasi pumapasok ako roon ay halos muka ni Mystie ang nakikita ko, bawat sulok at parte ng bahay ay siya ang nakikita ko at sa tuwing ganoon ang nangyayari ay hindi ko maiwasang mag-wala at pahirapan ang sarili ko.

Ngayon nga ay may benda ang kanan kong kamao dahil halos madurog na ang buto sa lakas ng pagkaka suntok ko sa pader ng kwarto naming dalawa, kumuha lang ako saglit ng damit dahil naubusan na ako ng stock dito sa opisina ko pero iyon ang nangyari, dagdag pa si Kiyoshie na hindi matigil ang iyak pagkakita sa akin at si Midelle na hindi ko magawang matignan dahil sa awa o siguro'y sa galit, ewan kung umaakto siya pero mismo yatang katawan niya ang nagpapatunay sa aking may sakit nga siya.

Lalo pa ng makita ko ang sulat na inilagay ni Mystie sa kwarto ko bago umalis, aksidenteng nakita ko ito sa ibaba ng kama, pagkabasa ko sa sulat ay nanlumo ako at nagsimulang magalit sa sarili.

Tulala akong naka-upo dito sa may opisina ko, hinihintay sila Adriel dahil ngayon ang unang update nila sa akin sa ipinapagawa ko sa kanila.

Hindi nga nagtagal ay dumating din sila bitbit ang mga seryoso nilang aura. Kanya kanya sila ng pwesto sa sofa na nasa harap ko at sabay sabay ding inilapag sa mesa ang mga envelope na hawak.

"Zup man?!" Isa isang bati nila, hindi na ako umimik pa at tumango na lamang, saka sinenyasang simulan na.

Si Lhander ang unang gumalaw at inayos ang salamin sa mata bago inilabas ang iilang mga papel galing sa envelope niya.

"I searched who has been with your wife one month after she left, everyone's familiar not with just one." Seryosong saad nito at tumingin sa akin.

Nangunot ang noo ko sa narinig.

"Who?" Matigas kong sabi convincing him to continue talking.

"A guy named Klein was with her, the guy even accompanied your wife to the hospital for her check-up, the doctor there proved she was with someone, so i check their CCTV's and this is what i've found out." Kinalkal niya isa isa ang mga pictures na hawak niya at ng makita ang hinahanap ay agad niyang ibinigay sa akin.

My forehead crease from what i saw, it's the same guy Adriano reported to me not a very long time ago, noon palang ay may iba na akong pakiramdam sa lalaking iyon at heto nga, mukhang malalaman ko na kung sino ang lalaking iyon.

"This guy was the same to the man who helped my wife the night she nearly got crushed by a truck." I said with no visible emotion.

I hate my instinct, it's telling me something.

"The two became friends in a very short time, so i decided to investigate more, i just can't get enough with the information i am holding so i dig in more deeply. And this is what i found out." Like a genius investigator as he is, he showed the same picture of a man together with my wife.

Kita sa picture ang unti unting paglapit ng asawa ko sa sasakyang nakaparada malapit sa likod ng mansyon, maya maya'y nakalabas na ang lalaki sa sumunod na picture, sa sumond naman ay hawak na nito ang bag at ang huli ay inalalayan niyang pumasok ang asawa ko sa driver's sit.

Halos mapunit ko sa pagkakalukot ang larawang hawak ko habang matalim na nakatitig sa larawan.

"So this man help my wife that night?! Kaya siya naglakas loob na umalis noon dahil alam niyang may naghihintay sa kanya ganoon ba?!" Dumagundong ang nakakatakot kong boses sa apat na sulok ng silid ngunit walang natakot, seryoso kaming lahat habang tahimik na nakikinig.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now