Chapter 16

16.2K 353 1
                                    

"Give them something to learn their lesson!" Ani King, tila isang simpleng bagay lamang ang ipinapagawa sa mga kasamahan.

"K-king, paano yun." Kinakabahang sabi ni Mystie, gamit ang nguso ay itinuro si Mika na ngayon ay hirap na hirap.

"Naah! Let her be, it's your fault anyway." Simpleng sagot nito.

Bigla ay namutla ang dalaga, kahit naman ganoon ay takot pa din siyang makulong. Wala siyang pagpipilian kundi ay humingi ng tulong sa lalaki.

"King, a-alam kong kahit mala-demonyo ka ay may awa ka naman. So please, tulongan mo naman ako?! Ayaw kong makulong." Naiiyak na turan nito.

Hindi siya mapakali, nginangatngat ang kuko sa kanang kamay, ganoon siya kapag hindi alam ang gagawin, kapag kinakabahan.

"Tsk. You should have thought about that first before you pulled the trigger, now your asking for my help?" Nang-iinis na tinig na ani King.

Naaasar man ang dalaga ay wala siyang magawa, kailangan niya ang tulong ng lalaki.

"Sige na oh. Please? Gusto mo ba ng bayad? Magkano ba?" Sulsol niya rito, kinakabahan man kung magkano ang ipapabayad nito sa pagtulong sa kanya ay hindi na niya alintana.

"Tsk. I would probably help you in one condition?" May ngisi sa labing aniya.

"Condition? Anong kondisyon? Sabihin mo bastat kaya ko." Napapalunok na tanong niya.

Bahala na. Wika niya sa isip.

"Im going to think about it first, but don't worry, you can possibly do it." Hindi mabura ang ngising aniya.

"S-sige. Basta promise mo ha?" Pagsisigurado nito.

Tumango naman ang huli, hindi mawala ang nakapaskil na ngisi. Sa loob loob naman ni Mystie ay kinakabahan siya sa kung anong kondisyon iyon sa lalaki. Pero binalewala din niya agad, saka na niya iisipin kung nasa kasalukuyang sitwasyon na siya.

Naputol ang malalim na pag-iisip ng dalaga ng mapanganib na boses ni King ang umalingawngaw sa paligid.

"Join my mafia and i will give you anything you need. I will double your salary, give your family the benefits and your children the chance to secure their future. You only need to give one thing for me, your loyalty. Nothing more, nothing less." Malamig na imporma niya sa mga lalaking naka-armado.

Sa dami nila ay siguradong hindi biro ang gagastusin ni King ngunit kung sabihin nito ay tila barya lamang ang wawaldasin.

"P-paano kung balikan kami ni Gaston?" Natatakot na tanong ng isa sa mga kalalakihan, tinutukoy ang boss nila.

"Hayop ka Vinomous!!! Tigilan mo ang mga tauhan ko!!!!" Labas ang litid na sigaw ng lalaking ngayon ay hawak  pa din ni Lhander.

Siniko ng huli ang likod nito dahilan para mapaluhod ang may katandaang lalaki, patuloy pa din ang pag-agos ng dugo sa binti nito.

Sa kabilang banda ay tila walang narinig si King. Nakangisi lamang ito.

"Dont worry, first thing tomorrow morning will be the downfall of your leaders." Walang emosyon ngunit makahulugan nitong sabi.

Nagtaka man ang lahat ay binalewala din ng makita ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha nito, pati ang awrang lumalabas dito ay kakikitaan ng panganib, alam nilang hindi biro ang kapangyarihang taglay nito dahil ilang oras lang ay napabagsak nito ang apat na pinuno ng kanya kanyang organisasyon, sapat na iyon para katakutan ang lalaki.

"Now, whose willing to join me? Anyone who decline would be meeting satan any minute from now." Banta nito.

Lahat ay nagsilapitan sa kanya, waring lahat ay nakikiisa sa hari.

Sa loob loob ng lahat ay hindi na masama ang mga benepisyong ipinangako nito, hindi katulad sa organisyong kinabibilangan nila na kailangan pang gumawa ng masama at pumatay ng walang alinlangan, mabuhay lamang ang mga mahal sa buhay.

"You will be entering my organization training before you can call yourself venom officially. Dont worry about the money." Paliwanag niya sa lahat.

Nagsitanguan ang lahat. Ngunit may isang taong nababahala, si Mystie.

"King? Paano si Mika?" Tanong niya rito.

Hindi niya alam ngunit tila labag sa loob niya ang isiping magiging kakampi ng lalaki ang babaeng dahilan ng lahat ng sakit niya, nagwawala ang kalooban niyang kapag napasali si Mika sa familia ni King ay tiyak aagawin siya nito sa kanya. Hindi man niya inaangkin ang lalaki ngunit tila may bikig sa lalamunan niyang ayaw mapalapit ang lalaki sa makating higad.

Napatingin si King kay Mystie bago kay Mika, nakita niya ang disgusto sa mga mata ni Mystie kaya naman ay,

"Dont worry, she will never harm you. I wont let her." Baling niya rito,

"And as for you, you can choose whether you want to join my mafia or not." Aniya kay Mika.

Natigilan si Mystie sa narinig, hindi niya inaasahan ang naging desisyon ni King. Ang akala niya ay hindi niya ito hahayaang saktan siya ngunit sa mga salitang binitawan niya ay nasasaktan na siya, yun ang sinabi ng lalaki kanina, ngayon pakiramdam niya ay nawala ang kaisa-isang taong kakampi niya.

Oa na kung oa ngunit iyon ang nararamdaman niya.

Tila nagniningning ang mga matang napaangat ng tingin si Mika sa lalaki pagkatapos ay tumingin kay Mystie,

Lumabas ang mapanlokong ngisi dito.

"I would gladly join you." Sabay mapang-akit nitong sagot.

Ang isip ni Mystie ay napuno ng katanungan,

Kung bakit ganoon na lang hayaan ni King ang babae gayong alam nitong hindi niya ito kasundo.

Gusto niyang maiyak sa sama ng loob, akala pa naman niya ay may gusto na ang lalaki sa kanya ngunit tila nahulog nanaman ito sa makamandag na ganda ng ahas na babae.

Sa sobrang sama ng loob ay sinipa niya sa binti ang nakatalikod na lalaki  sa kanya bago nagdadabog na tinungo ang daan paalis roon.

Napa-igik sa sakit ang lalaki ngunit ng makitang umaalis na ito ay saka niya hinabol, ngunit bago iyon ay isinenyas niya sa mga tauhang sila na ang bahala sa mga natitirang nandoon.

Mabilis niyang hinawakan ang braso ng dalaga para sana tanungin kung anong problema ng marahas na tinanggal nito ang kamay niya,

"Hey! Whats wrong with you woman?!" He frustratedly asked her.

"Wala!" Singhal nito.

"Ano nga?" Nagtatagalog na nitong tanong. He's trying his best to calm himself, not to shout at her.

"Wala nga sabi ang kulit mo! Gusto ko ng umuwi! Siguro naman ay sapat ng walang may nakakakilala sa akin sa mga tao na naroon para pagbintangan mo akong kasama nila kaya kung pwede lang ay gusto ko ng umuwi! May trabaho pa ako bukas!" Galit na galit na singhal nito.

"But, you know that certain woman, he is one from Gaston underlings. Kaya hindi pa ako sigurado kung kabilang ka nga sa kanila o hindi." Nakangisi ngunit hindi iyon nakita ni Mystie.

"Aba! Hindi porke't ganon na lang ang takot ko sayo ay may karapatan ka ng ganyanin ako ikaw hari ka!! Tigil-tigilan mo ako at baka hindi kita matantya!! Nanggigigil ako sayo kaya umayos ka!!"

Sasagot sana ang lalaki ng makita nito ang nakabusangot niyang mukha kaya ay pinili niyang hindi na lamang ituloy, palilipasin niya muna ang init ng ulo nito bago kausapin ulit.

Hindi na siya gumawa pa ng ingay at tahimik na tinungo ang sasakyan.

Pinagbuksan pa niya ito ng pintuan ng kotse ngunit hindi niya iyon tinanggal, inikot niya ang kabilang pinto at saka pinagbuksan ang sarili.

______________________________________

Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. 😊

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon