Chapter 11

18.4K 402 35
                                    

Isang mahabang katahimikan ang lumukob sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan namin ngayon,

Isang mahabang mesa ang naroon at may upuang kakasya ang dalawampu't dalawang katao, para siyang meeting place ng mga bigating tao. May mga computer, projector at iba pang teknolohiya ng ginagamit kapag nag-rereport ka.

Ang lalaking kasama ko kanina para kumain ay naroon, nakaupo sa pinakadulong upuan na parang hari. Nagtataglay ng maitim na aura, walang emosyon at malamig kung tumitig. Pati tuloy pag-hinga ko ay napakabagal sa takot na makalikha ng ingay.

The rooms penetrating aura suffocates me but i cant weep aloud, baka pag umangal ako ay sa isang iglap lang ay papatayin agad ako.

May limang lalaki din ang nakahilerang nakaupo sa kanang bahagi ng lamesa at ako naman ay naka-upo sa ikalawang baitang sa kaliwang bahagi, nakatungo, hindi gumagalaw.

"Ay putang!na!!" Gulat kong bulalas ng tumikhim ang lalaki sa kanan ko.

Nakakahiya pero mas nangibabaw ang takot ko, jusko, para akong hahatulan ng kamatayan sa ayos namin ngayon.

Ang isa sa kanila ay walang alinlangang tumawa ng malakas. Tila hindi natatakot sa lalaking ngayon nga ay naka-kunot noong nakatingin sa akin na para akong isang baliw sa paningin niya.

"Ano ba king, tinatakot mo ang napakagandang binibini." Aniya sa lalaking tinawag niyang king.

King pala ang pangalan niya, bagay na bagay sa kanya. Sa itsura niyang napakagwapo ay hindi maipagkaka-ilang may presensya siyang hindi basta-basta, na parang dapat lahat ng tao ay dapat sumunod sa kung ano mang sabihin niya.

Tumikhim lamang ito at waring walang narinig.

"Nakakasura naman tong lalaking ito" komento ko sa isip. Naiinis ako sa mukha niyang tila hubog ng mga diyos ng griyego.

A drop dead gorgeous greek god kung tawagin.

"By the way miss. Im Marcellus Adriel Hustano, at your service ang pinaka-gwapo sa balat ng lupa." Nakangiting sabi ng lalaking nagpa-kilala.

Natatandaan ko pa ang lalaking ito, isa siya sa nagpakilala sa akin noon sa bahay ko.

"H-hello nice to meet you too." Bati ko din rito. Nakahiya naman kasi pag hindi ako sumagot, gwapo pa naman. Nautal nga lang ako.

"Tumigil ka Allestair! Tandaan mo linoko ka ng hindi kagwapuhan mong ex kaya wag ka ding maniniwala sa ganyan kagwapong mukha." Singhal ng konsensya ko.

"Eh hindi naman siya nanliligaw para hindi maniwala ah?!" Sagot ng isa pang konsensya ko.

My god! Nababaliw na nga yata ako. Natigil ang sagutan ng kapwa konsesya ko ng magpakilala din ang isa.

"Im Xendrix Adam Toloso mi amore. The most hottest man alive and nice to meet you again" Mala playboy namang bati ng lalaki, tumayo pa ito para abutin sana ang kamay ko para halikan ng magsalita si king.

"Naks lakas maka King ah" untag nanaman ng konsensya ko.

"Take your sit Toloso and saved that fucking kiss of yours to your girls" kontra nito sa malamig na boses.

Nakakapangilabot talaga, at pati itong si Adam ay dali-daling umupo.

"Tsk! Seloso" maktol pa nito ng hindi mahalikan ang kamay ko.

Nagtaka naman ako. Bakit siya magse-selos? Bakla ba itong si King at gusto niya si Adam? Gosh! Sayang naman.

Ngunit ngumiti din ang huli, tila may nadiskubreng noon niya lamang nalaman.

"By the way, this is Thorn Lhander Gustavo, the bitter man." Natatawang pakilala niya sa tahimik at tila walang ganang nasa tabi niya.

"We've met before but i guess you dont remember our name." Aniyang nababagot ang boses.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें