Chapter 32

13.3K 298 7
                                    

ALLESTAIR POV

Pauwi na kami ni King ng pagtinginan kami ng nga estudyante at kapwa guro, nagtataka siguro kung bakit ko kasama ang may ari ng school at hawak pa ang pagkadami-daming libro at notebooks.

Umiwas na lang ako sa mga mapanuring tingin nila at mas binilisan pa ang lakad, bahala na kung maiwan ang kasama kong parang nag-mo-model kung maglakad.

"Hey wife! Wait!" Aniya pa pero hindi na ako lumingon pa. Panigurado narinig ng ilan iyon.

Gosh! Itong King na to hindi makaintindi eh. Pinapangalandakan masyado, hindi man lang maintindihan ang sitwasyon ko.

Nagmamadali kong binuksan ang pintuan ng Ferrari ni King at pumasok, siguradong sigurado na ako na bukas pagpasok ko ako na ang usapan.

Naramdaman kong binuksan ni King ang pintuan sa likod at pagkuway umikot para buksan sa may drivers sit.

"Hey! Why too fast?" Aniya at pinaandar ang kotse.

Pero wala ako sa mood para sagutin siya, pinoproblema ko ngayon kung pano ang gagawin ko bukas. Anong rason ang sasabihin ko para wala akong negatibong maririnig mula sa kanila.

Hindi ko tuloy maiwasang napabuntong hininga at ibaling sa labas ang tingin ko, malapit ng gumabi, halos lahat na din ay nakabukas ang ilaw.

Napatingin ako sa rear side mirror, nakuha ang pansin ko ng tatlong motor na nakasunod sa amin. Iwinaksi ko ito sa isip at baka nagkataon lang, pero hindi ko pa din maiwasang kabahan.

"Wife? What did i do? Can you please tell me? Please?" Hindi man nakatingin ay alam kong frustrated siya. Minsan nga ay tumitingin sa may gawi ko pero kadalasan ay tutok ang tingin sa kalsada.

Gusto ko tuloy matawa, OA masyado ng lalaking to e. Patay na patay lang?

"Wala. Problema ko lang kung anong sasabihin ko bukas kung bakit kita kasama? Alangang sabihin kong kasal na tayo eh ang alam nila kami pa ni Arries, ano ang idadahilan ko? Malamang sa mga isip nun gold digger akong babae. Chismosa pa naman ibang kapwa guro ko dun. Ikaw naman kasi eh!!" Maktol ko rito.

Hindi ako makakapag-focus sa pagtuturo kung magkagayon. Nalintikan na dahil sa Kingkong na to eh.

"Just tell them we we're engaged since we're kids and that we're destined to be together. Tell them Arries knows about it since you enter relationship with him." Aniyang parang ang simple simple ng pinapagawa niya.

Isa pang buntong hininga ang ginawa ko.

"Eh may masasabi at masasabi pa rin sila hubby eh. Pano kung sabihin nilang bakit pa ako pumasok sa relasyon na nagtagal ng apat na taon gayong engaged na pala ako sayo." Ani ko rito.

Siya naman ngayon ang bumuntong hininga.

"I love it when you call me hubby. But wife, forget about the gossip people will make, you won't be happy when you give a care about them." Advice niya.

May point nga naman siya.

"Sige, yang sinabi mo nalang ang irarason ko." Ani ko rito at tumingin na sa labas.

Napakunot noo nanaman ako ng makita ko pa ding nakasunod sa amin ang tatlong lalaking nakamotor.

Iba tuloy ang pakiramdam ko.

"Ahm King.." agad ako nitong pinutol

"Hubby wife, hubby." Dagdag niya.

Tsk! Segurista talaga tung lalaking to eh.

"Ahm hubby may..." Pinutol niya ulit ako,

"There. That's better." Komento niya.

Itong lalaking gunggong na to, akala ko ba mafia to? Hindi man lang maramdamang nasa panganib na kami. Inuna pa ang lintik na kilig niya.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now