Chapter 41

11.3K 259 11
                                    

ALLESTAIR POV

Mga 20 minutes ang byahe namin ni King bago marating ang napakagarang restaurant. Inalalayan akong bumaba nito bago ibinigay sa lalaking naka-uniporme ang susi saka kami gumayak papasok sa loob.

Sa labas palang ay kitang kita na ang karangyaan ng lugar, there's a touch
of modernized and spanish architecture seen in the building. Nanliliit tuloy ako sa sarili, feeling ko ay gusto ko ng bawiin ang sinasabing date ni King, ngunit mahigpit ang hawak nito sa kamay kong nakaangkla sa braso may niya.

"Good evening ma'am and sir! Welcome to El Grande restaurant." Masayang bati sa amin ng babaeng nakatoka sa may pinto. Kada pumapasok at lumalabas na costumer ay binabati niya.

"Good evening. I reserved for the special room under the name Vinomous." Pormal na bati ni King. Seryoso ang mukha nito, tuloy ay parang natakot ang babae.

Kinurot ko ito at saka bumulong.

"Ano ka ba naman hubby, ngumiti ka nga. Tinatakot mo siya e." Pasimpleng bulong ko para hindi mahalata ng babae.

Wala siyang nagawa kundi sumunod ngunit pilit na ngiti ang lumabas sa labi niya.

"Ahm sorry miss. Ganito lang talaga ang asawa ko pero mabait to, hindi nangangain." Pabiro kong wika.

Ng makita ng babae ang ngiti ko ay bumalik ang komportableng ngiti niya.

"This way ma'am and sir." Saad niya at nagpatiuna ng paglalakad para igawi kami sa pwestong nireserved ni King.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita, napakaganda ng loob kumpara sa labas, kung kanina ay makikita ang karangyaan sa labas, dito naman sa loob ay napaka-garbo. Lahat ng mga taong kumakain roon ay may class, pati pagpunas at pagsubo nila ay napakahinhin, waring babasaging pinggan ang mga hawak. Timplado pati pananalita at pagtawa, wala kang makikitang nakajeans o kahit anong hindi formal.

Pakiramdam ko ay naiiba ako sa lahat. Buti at naisipang kong mag-dress kahit walang sinabi si King, pero kahit ganoon ay tila wala pa rin akong panama sa mga naggagandahang naroon, pati lalaki ay nakasuit na tila nasa isang business meeting.

Magkahalong hiya at panliliit ang nararamdaman ko ng mapanuring tingin ang ibinibigay nila sa amin, o mas tamang sabihing sa akin, ng kada bawat madaanan namin.

"King ganito ba talaga dito? Hindi ba parang naiiba ako masyado? Tignan mo oh, lahat ata ng narito ay mayayaman. Sa ibang lugar nalang kaya tayo hubby?" Nahihiya kong sabi kay King habang nakayuko, pilit tinatago ang mukha sa mga taong nakatingin dahilan sa lahat ay may mapanghusgang mata.

"Don't say that wife. You belong here." King said trying to calm me down.

"Kung bakit kasi dito mo pa napili eh, pwede namang sa fishball lan nalang o di kaya sa karinderya. Muka kang celebrity star dito, mga tinginan nila wagas." Bulong ko rito habang nakayuko pa din.

"I'm a business man wife. It's natural because they know me, i am always on trend." Mababa ang boses na aniya.

"Loosen up wife. Don't be shy, you are my wife and you should be proud." Pagpapalakas ng loob nito sa akin.

Hindi na ako umangal pa pero walang nagbago, hanggang makarating kami sa napakagarang silid ay nakayuko ako.

"Chin up and let's enjoy our date." Nakangiting mukha ni King ang sumalubong sa akin ng iangat niya ang mukha ko.

Ng tumingin ako sa harap ay hindi ko mapigilang mapanganga, there is a table good for two at the center covered with white and red table clothe, two chairs are on both sides facing each other, may mga kubyertos ng nakalagay doon pati wine glass, may isa ding bungkos ng bulaklak sa center table at dalawang magagarang kandila.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon