Chapter 47

10K 244 29
                                    

ALLESTAIR POV

Pagkatapos ng bangayan namin ni King ay nasasaktan akong tinungo ang hagdan pataas, bigla ay nawalan ako ng ganang kumain, bahala na sila doong linisin iyong naging kalat ng nabasag kong mangkok. Si King naman ay hindi ko alam, hindi na ako lumingon pa dahil baka masaktan ulit ako sa makita kong hindi niya ako sinundan para sa mga bagong pamilya niya.

Habang pataas ay nakaramdam ako ng pananakit ng puson, bigla ay kinabahan ako,

"No, no, please." Mahina kong sabi ng mas lumala pa ang sakit na nararamdaman ko dahilan para mapahinto sa gitnang bahagi ng hagdan.

Wag naman sana jusko, wag ang mga anak ko, sila nalang ang natitirang lakas ko para ipaglaban ang karapatan ko. Mahinang usal ko ng dalangin sa isip.

Wala akong ibang karamay ngayon sa bahay na ito kundi ang mga anak ko at ang sarili ko lang, si Blight ay wala dahil nasa ibang bansa kasama ang mga magulang nila ni King na kailan man ay hindi ko nakilala. Mapait na ngiti ang umukit sa labi ko ng maisip na wala ako halos alam kay King, na hindi man lang niya ako nagawang ipakilala sa ibang mga mahal niya sa buhay kung importante ako sa kanya.

Habang ang lima niyang kaibigan ay madalang na lang kung maparito dahil sa busy sila sa kanya kanyang trabaho at pagma-manage ng business.

Nakapikit ako habag iniinda ang papawala ng sakit ng may kamay ng hindi ko alam kung sino ang humawak sa braso ko.

"Okay ka lang iha?" Nag-aalalang tingin ni Adriano ang bumungad sa akin.

"Ah o-okay lang po. M-medyo sumakit lang po ang p-puson ko." Nakangiwing saad ko.

"Dadalhin na ba kita sa ospital o tatawag na ako ng doctor?" Aniya at ikinapit ang buong kamay sa braso ko para kung sakaling matumba ako ay hawak niya pa din ako at walang mangyaring masama.

"Ah h-hindi na po kailangan. P-pahinga lang po sapat na." Sagot kong mapait ang boses.

Parang tatay ko na si Adriano at malaking pasasalamat ko dahil meron ako ng katulad niya. Tatay na maaasahan sa oras na kailangan, hindi tulad ng mga pamilya kong pera lang ang importante sa kanila, kaya hindi ako sumama dahil kahit naman nasa iisang bubong kami ay ganon pa din, hindi ko pa din sila makakasama, dahil busy sila sa pagpaparami ng pera.

Inalalayan niya ako hanggang sa kwarto namin ni King pero umangal ako.

"Ahm p-pwede mo ba akong d-dalhin sa ibang kwarto? Yung kwartong pinagamit niyo noon sakin?" Nangungusap ang mga mata niya ng sinabi ko iyon. Bumuntong hininga siya at saka linagpasan ang kwarto namin ni King.

"Tingkol ba ito kay Midelle at sinasabi nilang anak nila iha?" Malungkot nitong sabi.

Hindi ako nakaimik. Pero ilang sandali lang ay sumagot din.

"Alam mo Adriano, okay naman na lahat samin dati simula nung gabing iyon, nag-away lang kami kaninang umaga and it turns out to be like this, hindi ko alam kung dahil ba sa inaway ko siya kaya niya nagawa iyon o sadyang matagal na niyang alam at may balak na talaga siyang patirahin sila simula't sapul palang." Naiiyak kong sabi pero pinigilan ko.

"Hindi naman sa pagiging madamot Adriano dahil bata iyon, may karapatan siya sa ama niya, Pero hindi ko maiwasang magselos para sa mga anak ko dahil hindi pa man sila nailalabas may kahati na sila, natatakot din akong baka nga, baka nga mahal pa ni King si Midelle at ang dahilan kaya hindi niya pa ako pinapaalis ay dahil nasa sinapupunan ko pa ang mga anak namin at kung sakaling nailuwal ko na sila ay mawawalan na ako ng saysay sa kanya at itaboy na niya lamang. Ayokong mangyari iyon dahil mahal na mahal na mahal ko si King. Pagiging martyr na ba ang mahalin siya despite the fact na sinasaktan niya ako ng paulit-ulit? Hindi ba pwedeng gusto ko lang siyang intindihin ng intindihin para isalba ang meron kami? Hindi ko na alam ang tama Adriano basta ang alam ko lang mahal ko si King at ayaw ko siyang mawala sa akin ng hindi siya pinaglalaban, pero nakakatawa lang, ano nga bang laban ko sa nakaraan na una niyang minahal?" Wika kong nagtitimpi ng iyak, pagod na akong umiyak.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt