Chapter 20

16.3K 387 31
                                    

ALLESTAIR POV

"Oh bakit? Sino yung mga yon?" Nagpapanggap kong tanong.

Nakakunot pa ang noo ko para kapanipaniwala.

"Ah yung may-ari ng school na to. Hindi mo siguro alam, kasi naman ngayon lang siya nagpunta rito." Nakangiting aniya.

"Siya nga pala, tinawag kita kasi gusto ka daw makausap ni Mr. Vinomous. Hindi ko lang alam kung bakit pero pinapatawag ka niya sakin." Madaldal nitong sabi.

"So ako nga hanap niya?" Sabi ko sa isip.

"Huh? Ano yun Mystie?" Tanong ni Arries.

Wag mong sabihing lumabas nanaman sa bibig ko ang sa isip ko lang dapat?

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong niya ng marahil ay narinig ang sinabi ko kanina.

"Ah h-hindi. Pano ko naman makikilala ang ganyang kayamang tao. Hindi." Tanggi ko pa, isinabay ko pa ang pag-iling at kaway ng kamay, tuloy ay para akong guilty.

Ngumiti lang ito pabalik at saka ay iginiya niya ako papunta sa may opisina niya.

Pagkarating namin sa may labas ay bumungad sa amin ang apat na nakaitim na suot na lalaki, nakabantay sa may pintuan, tila may binabantayang napaka-importanteng tao.

Ng makita kami ay sila na mismo ang nagbukas ng pinto para sa amin.

Pagkapasok ay nagtatawanang Adriel at Adam and bumungad sa amin, at seryosong King ang diretsong nakatingin sa amin.

"Ito na po siya Sir." Magalang na saad ni Arries.

Ako naman ay imbes na bumati, inirapan ko nalang. May kasalanan pa ang lalaking ito sa akin.

"You may leave. You two. You stay." Baling nito kay Arries at saka sa dalawang kaibigan na noo'y naputol ang tawanan at biglang naging seryoso. Para namang hari ito ng ituro ako para mag-stay.

Nakakainis talaga ang lalaking ito. Malapit na niyang sagarin ang pasensya ko, baka hindi ko na to matantya pag umulit pa.

Nagtataka man si Arries ay agad ding sumunod bago ang dalawa na nagawa pang ngumiti at kumaway sa akin bago lumabas.

Ng kami na lamang dalawa ang naroon ay katahimikan ang bumalot sa amin.

Narinig ko muna itong tumikhim bago nagsalita.

"Sit." Utos nito sa akin, sa malumanay ngunit malamig na boses.

"Nyenyenye!" Angil ko nalang rito bago umupo.

Ayoko talaga kapag inuutusan ako.

Nakita ko naman ang mas lumalim na pag-kunot noo nito, tiyak hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"I am here because of something you took from me." Panimula nito, nakangisi.

Ako naman ngayon ang napakunot noo. Halos maging isa ang kilay ko sa narinig.

Sa tuwing ganyan ang itsurang pinapakita niya ay kinakabahan talaga ako, hindi ko gusto ang lalabas sa bibig niya panigurado. Mapaglaro ang ngiti niya na kinaiinisan ko.

"At ano naman ang kinuha ko mula sayo?" Nakataas ang kanang kilay na ani ko.

"Your condition, remember?"

Bigla ay kinabahan ako ng ipaalala niya sa akin ang kundisyon na ipinangako ko, ngunit marahas kong iginawi sa kanya ang tingin ng may maalala ako.

"Pero wala ka namang ginawa di ba? Kinuha mo lang siya sa Mafia mo, yun lang." Singhal ko dito.

Mas lalo siyang ngumisi at itinaas din ang kilay,

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin