Chapter 46

10.2K 250 16
                                    

ALLESTAIR POV

Mabilis akong lumabas ng store na iyon at wala sa sariling mabilis na tinahak ang daan papalabas.

"Mystie, iha, may problema ba?" Nag-aalalang ani Adriano na nakaantabay lang sa likod ko.

Hindi ako nagsalita dahil sunod-sunod ang tanong sa isip ko na maski ako ay gusto ng kasagutan, pero alam kong si King lang ang makakapagbigay niyon.

"Bilis Adriano, uwi na tayo." Halos pumiyok na ang boses ko ng magsalita ako pero ayokong ipahalata iyon sa kanya, mas lalo lamang siyang mag-aalala para sa akin at ayoko ng dagdagan pa ang isipin niya.

Ng makita nitong wala akong planong magsalita ay mabilis nitong pinatunog ang sasakyang dala namin at saka ako pinagbuksan.

Pinaandar niya iyon, tahimik naming tinahak ang daan pauwi, gulong gulo ang isip ko.

Alam na kaya ni King na may anak siya? Kaya ba ito natagalan noon sa usapang CLOSURE nila dahil inamin na ni Midelle na may anak sila?

Punong puno ng katanungan ang isip ko pero ayokong mag-conclude, ayoko ding umiyak, nakakasawa na ang pagiging mahina ko, hindi ko hahayaang paulit-ulit nalang paikutin ni King ang ulo ko, kailangang tanungjn ko siya mismo para maliwanagan ako.

Hindi ko namalayan dahil sa lalim ng pag-iisip ko ay nakarating na pala kami sa mansyon ng asawa ko "kuno". Hindi ko na hinintay pang pagbuksan pa ako ni Adriano at lumabas na lang.

Tinungo ko ang kwarto naming dalawa at noon ko lang napagtantong nasa kumpanya pa pala siya, panigurado mamayang alas-sais pa iyon uuwi.

Hindi ako mapakali, paroo't parito ako sa paglalakad pero maya maya din ay uupo pero dahil mukang sinisilaban ang puwet ko ay tinungo ko ang terrace.

Malamig na samyo ng hangin ang yumakap sa buong pagkatao at nakaka-relax iyon. Dagdag pa ang tanawin ng malawak na mansyon habang napakaraming men in black ang halos hindi gumagalaw sa kanilang puwesto, nagbabantay sa kung ano.

Pinangilidam ako ng luha ng biglang pumasok sa isip ko sina Midelle at ang anak niyang sa pagkaka-alam ko ay Kiyoshie ang pangalan ngunit huminga ako ng malalim para matigil iyon.

"Ano bang dapat kong gawin?" Malungkot na tanong ko habang nakatingin sa langit. Tila doon ay malalaman ko ang sagot.

Kung totoo mang anak iyon ni King, magkakabalikan kaya sila? Paano ako? Pano kami ng mga anak ko? Kailangan bang sa lahat ng bagay may kahati ako? Hindi ba pwedeng sa akin nalang si King? O baka naman nakakagulo na ako sa kanila? Ako ba ang kailangang lumayo?

"Bakit ikaw ang lalayo e ikaw ang asawa? Tandaan mo nakaraan siya at ikaw na ngayon ang mahal niya. Pagsubok lang ito Mystie, magpakatatag ka. Di ba sabi mo ipaglalaban mo ang sa iyo?" Kausap sa akin ng konsensya ko.

"Pero di ba nga, iniwan ka ni King noon. At ang tanging binigay niyang rason ay ang closure nila? Kung closure lang naman ang gusto niya bakit sa mismong araw pa na iyon, bakit sa espesyal na araw pa na iyon, bakit kailangang abutin pa ng mahigit isang oras?" Kontra ulit ng isip ko.

Mababaliw na yata ako, isang buwan palang ang lumilipas ng mag-away kami at heto nanaman. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil kung hindi sana ako nakaisip magpunta sa mall ay wala akong malalaman ngayon na ikakasakit ng puso at ikagugulo ng isip ko.

Napasabunot ako sa buhok. Ayoko ng palaging ganito, gusto ko ng kasagutan. Bahala ng masaktan basta malaman ko ang totoo.

Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng kwarto at nahiga sa kama, pagod na pagod na ang isip pati katawan ko, sa kalagitnaan ng pag-iisip ay naka-idlip ako.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now