Chapter 4

25.3K 502 7
                                    

Nakakunot ang noo habang sumisimsim ng alak si king, tila napakalalim ang iniisip kung titignan, habang ang lahat ng kasamahan ay nag-iingat gumawa ng kahit anong ingay, seryoso at nangungusap ang tinginan ng iba.

"Bwahahahaha. Tangna pabuhat kang loko ka. Hindi mo ko maiisahan. Hahaha" Bunghalit ng tawa ng isa sa mga kalalakihang kasama nila at pinutol ang katahimikan,

Lahat ay nakatingin sa lalaking naiiling pa habang dinudutdut ang kanyang Iphone 11 pro, hindi pinapansin ang mga masasamang tinging nakapukol sa kanya.

"Tripple kill!!......

Loko wag ng tumakbo ayan na ko, Savage!!!...

Bwahahaha tangna, takot na takot ah?

Sige lapit pa, sige ayan ayan! Shit wag mo kong agawan mapapatay kita! Ayan sige.

You have slained an enemy!

Maniac!!

An ally has been slained.

Godlike!" Tuwang tuwa nitong sinasabayan ang pakiwari'y nilang isang sikat na online games, ang Mobile Legends.

Napapalatak pa ito sa inis na base sa kanya ay inaagawan siya ng kasamahan sa laro.

Lingid sa kaalaman nito ang mga kanina pang masasamang tingin na ibinabato sa kanya, lalo na ang lalaking walang emosyong naka-upo sa pinakasentrong upuan.

"Marcellus Adriel Hustano, better keep that fucking phone of yours kung ayaw mong kailan man ay hindi ka na makakawak niyan." Malamig at nakakapangilabot nitong saad sa noo'y nanigas sa kabang si adriel, mas kilala sa pangalang marcellus sa larangan ng Interpol.

Isa siyang private agent ng sariling organisasyon, lahat ng misyong nagawa na niya ay purong tagumpay. Wala siyang kinakatakutan maliban na lamang sa kaibigang si king, pinipili nitong banggain ang naglalakihang organisasyon na humahawak sa mga ilegal na gawain.

And dahilan niya ay,

"Nakakabagot iyong mga simpleng misyon, mas gusto kong gawin iyong naglalagay sa isang paa ko sa hukay, mas delikado, mas interesante at  mas masaya."

"Hustano, i know you do your job well  than enough that is why i want you to handle about this organization who are more than brave enough to frame me." Pagkarinig sa sinabi ng kaibigan ay mabilis nitong itinago ang selpon at nagseryoso.

"Sige ba, tingin ko masisiyahan ako sa bagong ito." Nakangising sagot nito, hindi mawala ang nakakalokong ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.

"Do it with thorn, i wont give you the pleasure to solo this case." Bahagya ding ngumising saad ni king.

Wala siyang balak palampasin ang kung sino mang nagbabalak pabagsakin ang mafia niya, madaming pagod at hirap ang ginamit niya mapalawak lamang ito, hindi alam ng karamihan sa kanila ngunit bukod sa ginagamit niya ito para maprotektahan ang negosyo ay inihahanda niya rin ito para maprotektahan ang bubuuin niyang pamilya balang araw, hindi man ngayon ngunit alam niyang darating ang araw, lalo pa at mas lalong lumalawak ang business na pamana pa lamang sa kanya ng mga ninuno.

"Dont give him the chance to finish this alone." Bahagyang turan niya kay thorn na mas kilala bilang Llander sa larangan ng Abogasya.

Thorn Llander Gustavo has his own law firm. Of course, what would you expect to the famous Gustavo family but give him the leisure. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bukod sa pagiging attorney at may iba pa itong business na pinagkaka-abalahan.

Nababagot na tumango lamang ito at saka sumipsip sa basong may lamang alak, pagkatapos ay itinaas ng bahagya ang ulo para namnamin ang pagdaloy ng maanghang at mapait na inumin, nagdulot pa ito ng mainit na pakiramdam sa kanyang lalamunan na mas lalo niyang nagustuhan.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now