Chapter 48

10.1K 235 38
                                    

ALLESTAIR POV

Halos araw-araw ay ginagalit ko si Midelle, mataray o maldita o kahit ano pa man ang sabihin nila tungkol sa akin pero iyon nalang ang tanging paraan ko, dahil siguro kapag nasagad siya aalis siya.

Si King naman ay halos walang magawa at simula tumira ang bagong pamilya niya sa pamamahay niya ay wala na kami halos magandang usapan.

Sa tuwing tinatarayan ko si Midelle, si King ang tagasalo niya at ako ang mas apektado.

Ngayon ay apat na buwan na ang tiyan ko, malaki na ito sa karaniwan at nararamdaman ko na din ang paggalaw nila. My check up ako ngayon and i guess mag-isa akong pupunta, ayoko ng abalahin pa si King at baka ma-stress pa ako, mag-aaway lang kami kapag nagsama kami kaya mas mabuting wag nalang.

Nag-ayos ako at nagsuot ng dress, halos hindi na kasi kasya lahat ng damit ko, laking pasasalamat ko at ganito ang ibinigay na regalo ni Blight sa akin noon ng magbigayan sila lahat ng regalo sa ospital.

Simple lang ang ayos ko pero syempre ayokong natatalbugan ako ni Midelle, kailangang mas maganda pa rin ako sa paningin ni King.

Pagkababa ko ay nadatnan ko ang masayang buong pamilyang nasa sala, as usual, nandoon pa din si Midelle na tahimik lang na nagbabantay sa demonyo niyang anak habang ang mag-ama ay nagkukulitan.

"Wife, where are you going?" Tanong nito ng makitang palabas ako.

"None of your fucking business, asshole!" Masungit na sagot ko.

Ano pa bang bago, parati namang ganito, hindi na ako umiiyak pero naging ganito ang ugali ko, halos wala na din akong pasensya sa lahat ng bagay, ewan kung dala na lang din ng pagdadalang tao ko.

"Allestair." Matigas na banta nito. Oh looks like, someone's protecting his dear child again.

Bagot lang akong tumingin sa may pwesto nila. Matalim ang tingin ni King sa akin, hindi nagustuhan ng loko ang sinabi ko.

Magsasalita na sana ako ng sumabat ang inosenteng bata na nakatingin sa amin.

"Daddy? Aaway po kayo ng wife mo po? Si mommy nalang ang wife mo po daddy para di ka niaaway." Nakangiting sabi ng bata.

Ako naman ay halos manginig sa galit, konting konti nalang yata at mapapatay ko na ang anak ng kung sino mang demonyo na to. Manang mana sa nanay na feeling inosente pero makati din.

"Kiyoshie!" Saway ng ina at hinila siya sa may pwesto ni King at pinagalitan.

"No it's okay Midelle, common son." Aniya, at ng lumapit ang bata ay saka niya ito kinausap.

"You know kiddo, i hope you understand that we are in a very difficult situation right now, i don't love your mommy but i love my wife. I love you son but please understand that i have already a wife, okay? See her baby bump? We will be having a little babies soon, your little brothers or sisters." Aniyang pilit pinapaintindi sa bata.

"Okay po daddy, but in case your wife left you, don't forget that there is my mommy okay?" Pamimilit pa nito.

"You silly boy." Tinawanan nalang ito ni King.

"Tsk! Nonsense!" Ani ko at tatalikod na sana ng magsalita ulit si King.

"Can you please stop it wife? Sinasadya mo ba to o ano?" Matigas ang boses nitong sabi.

"Hmm let me think of it. Sinasadya ko nga ba?" Umakto akong tila nag-iisip.

"Naku ewan din, hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang nasusuka ako pag nakikita ko ang bago mong pamilya, ewan, hindi ako sanay eh, ngayon ko lang kasi na-experience na pwede pa lang magsama ang ASAWA at EX sa iisang bahay. Oh siya, enjou your family bonding, wag niyo akong bwisitin." May sarkasmo sa boses kon sabi.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now