Chapter 24

13.9K 341 14
                                    

ALLESTAIR POV

Gilalas na itinulak ni king ang bata palayo sa kanya kaya naman ay napa-upo ang bata.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, jusko pati yata bata ay pinapatulan niya.

"Hoy ano ka ba?! Pati bata e hindi na pinatawad?!" Singhal ko rito at saka mabilis na linapitan at binangon ang bata na noo'y umiiyak na.

"Sshhh. Tahan na baby." Pagpapatahan ko sa bata, infairness may lahi ata at ang gwapo.

Inakap ko ito at hinaplos-haplos ang likod niya.

"D-daddy hate me tita." Umiiyak nitong sumbong sa akin.

Hindi ko talaga maiwasang hindi magulat sa pinagsasabi ng batang ito. Sasabihin ko sanang nasisiraan ng bait ang kaso, imposible naman, bata pa naman siya.

"Ah baby. H-hindi naman kasi siya ang daddy mo talaga. Baka kamukha niya lang si daddy mo." Malumanay kong ani rito. Pilit pinapa-intindi.

Pero sa gulat ko ay itinulak ako nito at galit na nagsalita. My god! Napaupo tuloy ako.

"No! Daddy ko siya!!! Daddy ko siya!!!" Sigaw nitong nagwawala.

Ng akmang ibabangon ko ang sarili para muli siyang kausapin ay kamay ni King ang umalalay sa akin.

"Hey there young man! I'm not your father okay?! And please, respect my woman here. You shouldn't pushed her! That's rude of you!" Singhal ni King sa bata na siyang ikinaiyak niya lalo.

"I hate you daddy!!! I hate you!!!! You dont love me and mommy anymore!!!" Atungal nito at saka lumapit sa akin, galit na galit.

What's wrong with this kid? Wala naman akong ginagawa sa kanya! Konti nalang talaga at papatulan ko na to.

Nakukuha na namin ang atensyon ng maraming taong naroon. Mapanghusgang mga tingin at naaawa ang makikita sa kanila.

"Ano ba naman klaseng magulang ang mga iyan."

Sorry hindi kami ang magulang ng batang ito. Sagot ko sa chismosa sa isip ko.

"Hindi na naawa, pinaiiyak pa ang bata."

Wala mga kaming ginagawa.

"Hindi na lang sana nag-anak kung ganyan din lang mag-alaga."

Sabi ng hindi namin anak to e. Gagawa palang.

"Dapat sa mga ganyang magulang ay ireport sa DSWD."

Aba aba! E di magreport ka!

Ilan lang yan sa mga komento nilang mapanghusga, kung sana nagtanong e di mas okay pa.
Naiimbyerna talaga ako sa mga chismosang nakiki-usisa.

"I hate you daddy!" Walang tigil na sigaw pa rin ng batang to.

"Aba't ikaw bata ka, hindi nga siya ang daddy mo? Ano ba dun ang hindi mo maintindihan?" Malumanay na sabi ko rito, trying not to be angry, i took a deep breath.

Relaxed Mystie, guro ka, kailangan mo ng maraming pasensya. Wika ko sa isip.

When i was about to get near the kid, King's hand stopped me.

"Dont go near the kid, he might hurt you again." Concern na sabi nito. Bago ibaling ang tingin sa batang nakakunot noo, sa ginagawa niyang iyon ay mas lalo niyang tinatakot ang bata.

"Woy! Wag ka ngang ganyan ka-OA saka yang tingin mong masama, i-iwas mo yan! Matatakot sayo ang bata!" Imbes ay angil ko rito.

Kikiligin sana ako sa sobrang concern niya kaso wala sa lagay e. Tsk!

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now