Chapter 42

9.4K 250 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa labas ng magarang building ay nag-antay si Mystie, 30 minutes of waiting for King inside the restaurant is still okay and she was hoping she could wait for more for another 30 minutes, iniiwasan niyang hindi maluha habang nakatingin sa mga nagsisilabasang tao at mga kotse sa harapan niya ngunit taksil ang nga mata niya.

Sunod-sunod ang patak niyon na tila hindi maubos ubos, habang siya ay pilit pinupunasan ang tanda ng sakit ng puso niya sa pag-iwan ni King.

"Ano ba Mystie, okay lang yan. Tigil na, makakasama sayo yan. At saka isa pa, baka kakilala lang ni King iyon, babalik siya para sayo, mahal ka niya remember?" Pilit niyang pagpapa-intindi sa sarili.

But it's no use, alam niya sa sarili niyang excuse lamang iyon.

"Mahal nga ba?" Kunwa'y tanong niya ulit.

Dahil sa tanong na iyon mas lalo pang bumuhos na parang ulan sa pisngi niya ang mga luha, nasasaktan sa katotohanang baka nga, hindi siya mahal ni King, na baka nga, ginawa lang siyang panakip butas.

Iniangat niya ang mukha para tumingin sa kalangitan, sa paraang iyon sa tingin niya ay mapipigil niya ang pag-iyak pero mas lalo lamang siyang nakaramdam ng lungkot ng makitang tila nakikisimpatiya sa kanya ang kalangitan.

Maitim ang mga ulap at tinatakpan nito ang sinag ng buwan, pati mga bituin ay wala din, sa tingin niya'y uulan.

Hindi niya binago ang tingin, nasa ganoon pa din siyang sitwasyon, pilit hinihiling na sana dumating na si King, na sana nandun siya para siguraduhin sa kanyang siya lang, na hindi siya panakip butas, na mahal siya nito, na walang magbabago pagkatapos masaksihan ang pagtalikod nito sa kanya para lamang habulin ang babaeng hindi niya alam kung may koneksyon sa buhay ni King dati pa at magpahanggang ngayon.

Huminga siya ng malalim at saka yumuko, tatlong beses niyang ginawa iyon para luwagan ang bumibigat niyang dibdib at pakiramdam.

"Ganyan nga Mystie, okay lang iyan, kaya pa naman nating maghintay eh, kahit sampung minuto nalang, baka nadelay lang ang hari natin." Kausap niya sa sarili, nagmumukha siyang tanga sa ginagawa pero mas tanga siya kung bigla bigla na lang siyang mag-jump in conclusion, mas tamang hintayin si King.

Dahil sa naninigas na ang mga binti at tuhod niya sa kakatayo, naglakad lakad siya at pilit inaliw ang sarili.

Sa hindi kalayuan sa pwesto niya ay nakita niya ang lalaking valet na siyang nagparking sa kotse nila, agad niya itong pinuntahan sa pwesto, gusto niya itong tanungin.

"Ahm sir, pwede po bang magtanong." Umaasang tanong niya, kinakabahan siya sa itatanong at baka sagutin nito sa hindi inaasahang sagot.

"Ah hello po ma'am? What can i do for you?" Masiglang tanong nito.

Ngumiti siya pabalik bago nagtanong.

"Umalis na ba yung kasama ko kanina? Hindi kasi nagpa-alam pero hindi ko na mahintay eh." Nagbabaka sakaling aniya.

"Ah si Sir Vinomous po ba? Umalis na po ma'am kanina pa pero nakita ko po kanina nakaparking lang po sa may side diyan ma'am." Hindi nawala ang mga ngiti nito habang itinuturo ang parte ng kalsada sa may gilid ng building.

Habang siya ay unti-unting napawi ang ngiti sa nalaman, halos matumba siya sa narinig pero pilit ina-absorba ang lahat.

Kahit pala roon ay kilala ang lalaki.

"Sa-salamat." Paalam niya dito.

Mahigpit ang hawak sa sling bag na nakasabit sa balikat niya, mabibigat ang mga hakbang ng paang tinungo niya ang parteng tinuro ng lalaki, pinipilit niya ang sariling magpakatatag sa kung ano mang makikita niya pagkatapos.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant