Chapter 7

19.4K 412 4
                                    

Dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko kay Arries ay hindi na ako pumasok pa sa klase ko, ibinilin ko na lang ang itinakdang gawain nila at saka ipasa pagkatapos.

Ang rason ko naman sa kapwa manunuro ko ay masakit ang ulo ko. Tingin ko naman sy napaniwala ko sila at hindi ako ginulo sa sariling mesa ko.

Nakadukdok lang ako sa lamesa habang ang kapwa guro ko ay nanunuod, hindi kami kumpleto dahil karaniwan sa kasamahan namin ay may klase kaya kaunti lamang kami rito at walang masyadong gumagawa ng ingay.

Malapit na ang recess ng mga bata kaya naman ay pinili ng mga kasama ko ang manood na lamang.

Pilit kong kinakalma ang sarili dahil magpa-hanggang ngayon ay para akong sasabog sa galit ng biglang nagitla ako sa narinig sa t.v.

"Exclusive! Mayor ng ------- city, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang grupo ng mga kalalakihan sa loob mismo ng bar kung saan ito nakipag-inuman sa mga kaibigan. Batay naman sa ibinigay na impormasyon ng ibang nakakita bago ang insidente ay may kasayaw itong babae, patuloy naman ang paghahanap sa tinutukoy na kasama ng mayor dahil giit ng mga nasa kinauukulan ay posibleng may alam ito sa insidente o di kaya ay nakita nito ang mga salarin. Ilang araw na ang nakalipas simula ng mamatay ang butihing mayor at magpahanggang ngayon ay patuloy ang paghahanap sa mga suspect at sa posibleng witness."

Sa narinig ay linukob ako ng matinding kaba, tumingin ako sa may t.v at nandoon nakalagay ang larawan ng lalaking kasayaw ko noon na ngayon ko lang nalamang mayor pala, hindi naman kasi halata rito ang pagiging isang bigating tao.

"Jusko po" mahinang naibulalas ko sa sarili.

Nanginginig ang mga kamay habang nakalagay sa ibabaw ng mesa. Natatakot para sa sarili, bakit pati ako ay hinahanap.

Posible kayang ang nakita niyang lalaki nuon na nakatutok ang baril sa parteng malapit sa kanya ang salarin? Pero paano kung hindi at kung oo ay posible nga akong maging witness. Tang!na, pano kung bago pa siya mahanap ng mga nasa kinauukulan ay maunahan sila ng lalaking iyon at mga kasamahan niya, papatayin ako nun panigurado.

Ang isiping papatayin ako ay nakakapangilabot at nakakapanghina, bakit ba ganito ang buhay ko. Nasaktan lang naman ako kaya pinili kong magliwaliw ngunit ito ang nangyari, nasali pa ako sa isang mabigat na gulo.

Hindi ko tuloy maiwasang sabunutan ang sarili, kaya lamang ay itinigil ko iyon ng mapansin kong nakatingin sa akin si Laica Faith Tayso, ang malapit kong kaibigan na kapwa ko guro sa eskwelahang ito.

"O-okay ka lang?" Concern na tanong niya sakin ng makalapit siya.

"O-oo naman. Me-medyo masakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ko saka iniiwas ang tingin.

"Sigurado ka?" Mahina niyang sabi, naniniguro.

Hindi ko tuloy maiwasang tignan siya sa mata, may something kasi sa boses niya na hindi ko mawari at maaaring ang mga mata niya ang sumagot niyon para sa akin.

Ilang sandali lang ay,

"May gusto ka bang sabihin sa akin faith?" Tanong ko ng makita ko ang mata niyang nagtatanong, tila may gustong sabihin.

Tumitig ito sakin ng ilang sandali at saka ibinuka ang bibig.

"Okay pa ba kayo ni Arries?" Mababa ang tonong tanong niya.

Nagulat ako bigla dahil hindi naman siya yung tipong nagtatanong na lang basta-basta, may alam kaya siya?

"Ah o-oo naman." Nauutal kong sagot, kaibigan ko siya oo pero hanggat maaari, hanggat kaya ko gusto kong ilihim sa kanila ang tunay na nangyayari sa pagitan namin ni Arries.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now