Chapter 17

16K 381 21
                                    

ALLESTAIR POV

Nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa hindi ko alam, basta ang gusto ko ay umuwi sa bahay pero dahil malaking hunghang ang demonyong gwapong lalaking ito ay sugurado hindi sa bahay ang punta namin.

Nakabusangot ako habang nakatingin sa may gilid ko, ayoko siyang pansinin, bahala siya diyan, mas masaya pang tignan ang mga punong kahoy at ilang kabahayang nadadaanan namin kesa sa pagmumukha niya.

"Hindi ko naman alam na mahilig pala ito sa pokpok" sabi ko sa isip.

Nagulat nalang ako ng,

"What are you talking there woman? And please, stop sprouting bad words! It doesn't suit you!" Angil nito.

Bigla ay nangunot ang noo ko, bakit ano bang sinabi ko at nainis nanaman ito? Wika ko sa isip.

"Sinasabi mo?" Singhal ko dito.

Naku-naku, wag ako ang pinagloloko nito at baka mapatay kong wala sa oras.

Hindi na siya nagsalita pa at ganoon din naman ako, tahimik naming tinahak ang daan papunta sa mansyon niya. Parehong walang kibuan.

Pagkarating namin sa may garahe, ay biglang may tumawag rito.

"Yes? Hello?" Panimula niya.

Ng akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse para lumabas ay pinigilan niya ako.

"Yeah! I'll be there, dont worry! Im coming. I miss you too." Narinig kong aniya sa kausap.

Tuloy ay nadagdagan nanaman ang inis ko.

At sino nanaman kayang walang hiya ang kausap niya para sabihan niya ng I miss you?!

Alam ko wala kaming kahit ano mang koneksyon sa isa't-isa, na wala akong karapatang magalit at magselos, pero hindi ko alam kung paano pipigilan ang nararamdaman ko, lalo pa at pinakitaan niya ako ng maganda kahit pa kadalasan ay masungit siya.

Ng lumabas siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ay inunahan ko na siya at nagpati-unang pumasok sa mansyon niya na akala mo'y pag-aari ko kung umasta.

Parang girlfriend na nagtatampo ang peg ko ngayon, bahala na.

Medyo malayo pa ang linakad ko bago makapasok sa main door kaya naman ay inilibot ko ang tingin sa paligid, doon ay nakita ko ang mga kalalakihang nagbabantay sa iba't-ibang sulok ng mansiyon, puro silang armado at nakaitim ng damit.

Akala mo namatayan e.

Ngunit napukaw ang atensyon ko sa kanila ng may tumikhim sa tabi ko, Pero hindi ko siya pinansin, ayaw ko siyang pansinin kaya mas binilisan ko pa ang lakad.

Pinakiramdaman ko ang sarili, kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, bakit naiinis ako? Bakit galit ako sa kanya sa pagkuha kay Mika sa mafia niya? Sa taong sinabihan niya ng I miss you? Gusto ko na ba siya? Pero kasi, kakagaling ko lang sa break up imposibleng ma-fall agad ako sa kanya at saka minahal ko naman si Arries kahit papaano kaya imposibleng mawala ng ganoon kadali ang nararamdaman ko para rito.

Napahawak tuloy ako sa dibdib, posible kayang mabura lahat ng sakit at galit sa taong minahal mo ng ganoon katagal ng ilang araw lamang?

"P-posible nga kayang m-may gusto na ako sa kanya?" Wala sa sariling tanong ko, walang kaalam alam na naibulalas ko nanaman ito palabas sa isip.

"Sinong gusto mo?" Tanong ni Cyver, hindi ko namamalayang nasa sala na pala ako at nakaupo sa mahabang itim na sofa.

"Uwaaaaahhhhhhhh" malakas na tili ko. Nabigla dahil sa sobrang lapit ng mukha ng lalaki.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon