Chapter 58

10.2K 229 15
                                    

THIRD PERSON POV

Abala ang lahat ngunit nananatiling nakatayo si King sa likod ni Cyver habang abala ito sa pagpipindot ng kung ano ano na hindi niya masundan.

May pakiramdam siyang malapit na niyang makuha ang mag-iina niya, konting kapit na lang.

Simula umupo si Cyver ay hindi na siya umalis o kahit umisang hakbang man lang palayo sa likod ng lalaki, he doesn't want to waste any chances, gusto niyang masiguro siyang unang makaka-alam sa kubg nasaang lugar man ito.

"Uhuh! Huli ka balbon!" Maya maya ay sigaw ni Cyver.

May mainit na kung anong pakiramdam ang namuo sa loonb ni King ng marinig ang pagbubunyi nito.

"So what is it?" Plain na sabi ni King ngunit halata rito ang pagmamadali.

Demonyong ngisi ang ibinigay ni Cyver bago sinagot si King, ngunit pagkakita palang ng huli sa ngiting iyon ay naiintindihan na niya.

"Sigurado na boss. Nasa Baguio nga sila, pero ngayon ay naka-off na ang phone at tingin ko'y itinapon nalang basta, pero ang huling lugar na pinang-gamitan niya rito ay sa isang....." Natigil bigla si Cyver, hindi alam kung itutuloy bang sabihin ang nalaman niya.

"What?! Just fucking tell me!" Nawawalan ng pasensiyang saad ni King.

"Isang ospital boss." Pagkatapos sabihin ay natahimik silang dalawa.

Sa loob loob ni King ay iba ang kutob niya, nag-aalala siya ng wala sa oras lalo pa ng malaman niyang sa ospital ito huling ginamit, posibleng kasama nito ang asawa doon at dalawa lang ang ibig sabihin, pwedeng sinamahan niya ang asawa sa check up nito o nanganak or nanganganak  na ang asawa.

Bago pa siya mawala sa tamang wisyo sa naisip ay nagbilang siya.

"Imposibleng manganak si Mystie gayong wala pa siya sa tamang buwan." Tila wala sa sariling sagot ni King sa mga katanungang namuo sa isip.

"Pero posible daw iyon boss lalo pa at apat ang dala dala ni Mystie." Sagot ni Cyver habang nakatitig sa Google kung saan siya nag-research.

Bigla ay pumasok sa isip niya ang text na pinadala ng bwisit na Klein na iyon, doon siya mas lalong kinabahan.

"Shit! Then let's go. Tell the four to follow us but before that, make sure na hindi makakaalis ang kahit sino man sa Baguio hangga't hindi natin nahahanap ang asawa ko. Sila ng bahalang gumawa ng paraan at kausapin ang Mayor or kahit na sino doon, gamitan ng dahas kung kinakailangan, buy their words if it's needed." Sagot ni King bago mabilis na tinahak ang labas.

Walang pwedeng masayang na oras para kay King dahil buhay ng mag-iina niya ang nakasalalay rito.

Taimtim siyang nagdasal sa isip, na sana ligtas ang asawa't mga anak niya, na sana magkita kita na sila, na sana mapatawad na siya ng asawa at sana bumalik na uli sa dati ang lahat.

Demonyo siyang maituturing pero lingid sa kaalaman ng lahat na may parte ang pagkatao niya na ganito, everytime he felt defeated he pray and pray, and asked for God's forgiveness. Doon lang niya napapanatag ang kalooban.

ALLESTAIR POV

Nagising akong hinang-hina at nauuhaw, i tried to get up but to no avail. I can't.

Hinawakan ko ang tiyan para sana kalmahin ang sarili ng mapalaki ang mata niya ng wala siyang kahit anong makapa. Sa sobrang taranta niya napabangon siyang parang walang iniinda, naramdaman nalang niya  ang sakit ng tiyan ng nakaupo na ito.

She had no choice but to lay her back, ng masigurong medyo okay na ang paghinga niya ay saka niya inilibot ang tingin sa paligid, the room was pure white but the color green curtains complement it, nasisiguro niyang private room ang kinaroroonan niya ngayon dahil na din sa malaking Flat Screen Tv na nasa harap niya pati na din sofa at isang medyo maliit na Refrigerator sa may gilid.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now