Chapter 59

10.2K 199 3
                                    

THIRD PERSON POV

Nasa malalim na pag-iisip si Mystie kung saang bansa pwede siyang magtago kasama ang mga anak, pumasok sa isip niya na magtungo sa bansang Amerika dahilan sa nandoon naman ang pamilya ngunit may agam agam siya.

May pagitan sa relasyon nila ng pamilya at alam niyang imbes na salubungin ng matatamis na ngiti ay baka isumbat pa sa kanya ang daang pinili niyang tahakin.

Simula't sapul ay walang naging magandang pag-uusap sa pagitan nila dahil sa mata ng magulang ay napakababa niyang mangarap , na wala man lang planong umunlad ang buhay, at ayaw makipag-sapalaran sa bansang Amerika.

Into the deepest part of her heart, he missed them a lot. She want their cares and hug and made her sure everything's gonna be alright, that everything will fall on its rightful place.

But she just can't, sa sitwasyon niya ngayong gulong gulo siya ay ayaw na niyang idamay pa ang nga anak. Ayaw niyang gulo ang sumalubong sa kasisilang lang sa mundo na mga anak. Baka sa dami na ng problema at isipin niya ay magbigti nalang siya sa sobrang hirap at ayaw niya iyong mangyari lalo pa't may mga anak na siyang umaasa sa kanya.

"Hey. Are you alright? Everything's ready, we just have to go on deck." Ani Klein na hindi niya man lang namalayan na pumasok.

"Y-yeah. I'm alright." Aniyang hindi maiwasan ang napabuntong hininga.

"I know it's hard Mystie but be strong for your kids if you want them by your side." Anitong lumapit pa sa kanya at tinapik ng marahan ang balikat.

ALLESTAIR POV

"Thank you Klein. Hindi ko alam kung anong ibabayad ko kapalit ng pagtulong mo sa akin. Nadamay ka pa sa problema ko sa buhay, pasensya ka na talaga. Ikaw nalang kasi ang natitirang taong pwede kong hingan ng tulong." I said with sincerity.

"No worry. Alagaan mo lang ang sarili mo ay sapat na iyon." Aniyang nakangiti at ginulo pa ang buhok ko na parang bata.

Ngumiti lang ako at hindi na umimik. Ilang sandali lang ay may pumasok na nurse at inasikaso ako.

Ibinilin ang mga dapat at hindi dapat gawin. Lininisan ang sugat ko at inayos ang pagkakabenda sa tiyan kong malaki pa rin. Inalis din niya ang suwero na nakakabit sa kamay ko saka nagpa-alam at lumabas.

"P-paano ang mga anak ko Klein? Okay lang bang i-byahe silang ganoon ang lagay?" Tanong ko kay Klein na halos sunod-sunod ang ginawang pagtawag sa mga kakilala niyang pwedeng makatulong.

Halos hindi ko na narinig ang mga usapan nila dahil lumilipad sa malayo ang isip ko.

"Kinausap ko ang doctor na nagpa-anak sayo, he said it's okay as long as they're inside the incubator at kailangan lang nating siguraduhin na gumagana iyon. Wag kang mag-alala dahil kumuha ako ng apat na doctor at apat na nurse na a-assist sa atin habang nasa himpapawid. Hindi kasi pwedeng sa sasakyan tayo dahil nakaharang na ang mga tauhan ni King, gumamit siya ng koneksyong wala dapat makalabas sa Lugar na to hangga't hindi ka niya nahahanap at nakukuha sa iyo ang mga bata." anitong aligaga at seryoso.

"Si-sige." Maikling sagot ko habang pinipigilan ang sariling magwala nanaman.

Punong puno na ako at ayokong magpadalos dalos ng desisyon na pwedeng pagsisihan ko sa huli.

"Tayo na?" Tanong nito ng matapos na ang lahat na pwedeng asikasuhin.

"Yung mga anak ko? Pano sila dadalhin sa taas?" Nag-aalala kong sabi.

Ni hindi ko man lang sila mahawakan, mayakap o mahagkan man lang.

Kapit lang mga anak ha? Kailangan lang kayong protektahan ng mommy laban sa demonyo niyong ama. Kausap ko sa mga anak ko sa isip.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Where stories live. Discover now