KABANATA 26

151 7 3
                                    

"I asked m-my friend...uh...s-she's a doctor..." May pag-aalinlangang sambit ni Rhea. "She told me e-exactly what your d-doctor said and I—"

Marahas ko siyang nilingon. Hindi na raw magagamot ng chemo o surgery ang brain tumor ni Daniel, ayon sa doktor namin at mukhang 'yon din ang sabi ng kaibigan niya. Hindi ako naniniwala. "–Mabubuhay siya. Kapag tuloy tuloy ang chemo niya, mas malaki ang tyansang mabubuhay siya." Mariing sambit ko.

"Ikaw na lang ang naniniwalang gagaling pa siya sa chemo, Corraine. Even him, alam na wala nang pag-asa."

Umiling ako. "Stop talking nonsense, Rhea!" Asik ko sa kaniya at tumayo para kumuha ng ilang damit sa closet. Umuwi muna ako at iniwan sila Georgia at Maxine sa ospital. Nandoon din ang parents ni Daniel.

Si Rhea lang ang sumama sa 'kin para samahan ako. Kung alam ko lang na ganito ang mga sasabihin niya, sana hindi ko nalang siya sinama.

"This is not a nonsense. I'm speaking the truth. Wake up, Corraine! He's dying!" Medyo tumaas ang boses niya.

Nagtaas baba ang dibdib ko at hinarap siya. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko. "Rhea!" Sigaw ko. "Bakit ka nagsasalita ng ganiyan?! He will not die! Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa kaniya? Akala ko ba pinapatawad mo na siya? Bakit ngayon hinihiling mo na mamatay ang asawa ko?!"

"Ginigising lang kita sa katotohanan! Kailan mo tatanggapin? Kapag wala na siya? Kapag huli na ang lahat?"

Napatiim bagang ako at hindi na nakatiis. Nilapitan ko siya at sa galit ko ay dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Nagulat ako. Tila natauhan sa ginawa. "R–Rhea..." Nanlaki ang mga mata ko at akmang hahawakan siya nang umatras siya palayo. "I-I'm sorry...hindi k-ko..." sinasadya.

Bakit ko 'yon nagawa?

"I just want to wake you up, Corraine." Nanginig ang boses niya habang sapo ang pisnging nasampal ko. "Mas lalo mo lang pinapahirapan si Daniel. Kung mahal mo talaga siya, hindi lang opinyon mo ang mahalaga. O-Open your eyes..." Tumulo ang mga luha ko kasabay nang pag-garalgal ng boses niya. "....mas lalo lang kayong masasaktan ni Maxine kung ide-deny mo ang katotohanan."

Katotohanan? Bakit nga ba hindi ko matanggap ang katotohanan? Dahil hindi ko siya kayang mawala.

Mahigit isang oras na siguro mula nang umalis si Rhea pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makakilos. Hindi ko kayang gumalaw. Nanghihina ako lalo na't hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.

Lumabas na lamang muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Huminga ako nang malalim bago uminom ng tubig. Umupo na lamang muna ako sa highchair at muli na namang natulala.

"Corraine?" Nagulat ako nang biglang sumulpot ang Mommy ni Daniel. Anong... "Pasensiya na. Bukas kasi ang pinto tapos hindi ka naman sumasagot kaya pumasok na ako. Are you alright? Hindi ka pa kasi bumabalik ng ospital kaya nagpasya na akong sundan ka rito."

Sinundan ko siya hanggang sa maglakad siya papasok ng kusina. Diretso siyang umupo sa tabi ko. "Bakit pa po kayo sumunod? Babalik naman ako sa ospital pagkatapos ko rito." Malamig kong sabi.

Ngumiti siya. "Gusto rin kasi sana kitang makausap."

I sighed. "Kung tungkol 'yan sa nangyari noon, ayoko nang makinig pa." Pagod na ang isip ko para umintindi.

"Please, Iha. Pakinggan mo 'ko kahit ngayon lang. Gusto ko lang malaman mo ang side namin." Malungkot niyang tugon. "Corraine, hindi naman kami masamang tao."

Mariin akong pumikit. "Hindi masamang tao?" Nanginig ang mga labi ko. "Ang mama't papa ko....bata pa lamang sila nagta-trabaho na sila sa pamilya mo. Ang papa ko namatay dahil niligtas niya ang buhay ng asawa mo noon. Naalala mo ba? Nawalan ako ng Ama dahil mas pinili niyang mamatay para sa asawa mo. Hindi kami nagalit o nagtanim ng sama ng loob ni Mama sa inyo dahil ang sabi niya, trabaho raw 'yon ni Papa." Bodyguard at driver kasi ang Papa ko noon. "Nagpatuloy si Mama sa pagta-trabaho sa inyo ng walang reklamo o sumbat man lang. Kaya no'ng pinalayas ninyo kami? Itinaboy na parang aso? Nagalit ako pero si Mama hindi. Natural lang daw 'yon kasi magulang kayo at gusto lang ninyo ay ang mapabuti si Daniel. Kami na lamang daw ang umintindi." Suminghot ako at nagpunas ng luha. "Kahit noong pinapahirapan ni'yo kami. Sinisira ang buhay ng buong pamilya namin! Hindi man lang nagalit si mama! Parati niyang sinasabi na mababait kayo at maiintindihan niyo rin kami pero......pero naging makasarili pa rin kayo hanggang sa huli." Humikbi ako.   Tiningnan ko siya, puno ng sakit at galit. "B–Bakit? Bakit ganoon mo na lamang kami tratuhin? Kahit sarili mong kadugo, ang apo mo, hindi mo nagawang lingunin man lang? Bakit hindi mo kami t-tinulungan? Bakit ang tigas tigas mo? Bakit? B—Bakit?!"  Napatakip ako nang bibig dahil hindi na napigilang mapahagulgol. Huminga ako nang malalim at pinilit na panatiling matatag ang boses ko. "A–Alam kong pinuntahan ka ni Mama bago ako lumuhod at nagmakaawa sa'yo noon p–para sa katiting na dugo na k-kailangan namin para mabuhay si Maximo.....N-Nagmakaawa rin ba siya? Lumuhod? Siguro umiyak ang Mama ko sa harapan mo." Ang sakit isipin na hanggang sa huli, nahihirapan pa rin ang Mama ko. Ni hindi ko man lang siya nakitang masaya bago siya mawala. Ni hindi ko na nga naabutang buhay siya. Kawawa naman ang Mama ko. Naging mabuti siyang tao sa mga paulit ulit siyang binabalewala. "Sinumbatan ka ba niya? H–Hindi 'di ba? Mabuting tao kasi ang Mama ko. Kahit nasasaktan na siya....ibang tao pa rin ang iniisip niya. B–Bakit kayo hindi ni'yo man lang n-naisip ang mga k-kabutihan ni Mama? T-Tulong lang naman at awa ang kailangan namin....kahit konting dugo lang naman sana para sa buhay ng anak ko. Dapat nga hindi na kami nagmamakaawa pa dahil apo ni'yo rin naman si Maximo pero b-bakit kailangan pa naming manlimos ng pesteng dugo ninyo?! Bakit kasi dugo niyo pa ang kailangan ng anak ko?! Bakit sa inyo pa binigay ng diyos ang paraan para mabuhay siya?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw.

"I'm sorry k–kung nakalimutan ko l–lahat ng kabutihan ng M–Mama mo. Sa t–totoo lang tinuring ko rin n–naman siyang kaibigan noon. At h–hanggang ngayon h–hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa nangyari..." Hikbi niya.

Mapait akong ngumiti. "Sorry? Ilang beses ko na bang narinig 'yan? Sana kayang ibalik ng mga luha at sorry mo...lahat ng nawala sa'kin."

"C–Corraine, kasalanan ko talaga. I was so selfish. Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko. I just want what's best for my son. Akala ko kasi pera lang ang habol ninyo. N-Natakot ako na baka maloko ang a-anak ko kaya n-naging kontrabida ako. S-Sorry dahil nasaktan ko kayo at nasira ko ang pamilya ninyo. I was losing my mind that time. Hindi ko matanggap na mahal na mahal ka nang anak ko. You're right." Suminghap siya. "Pumunta nga ang Mama mo sa'kin noon bago mo ako nilapitan. Nakiusap siya....n-nagmakaawa para tulungan k-kayo...pero n-nagbingi-bingihan a-ako. N-Nakalimutan ko lahat ng pinagsamaan namin. I was wrong. Maling mali talaga ako noong pinatabuyan ko s-siya...lalo na ikaw..." Humikbi siya. "Noong nagmakaawa ka sa'kin...w-wala ako sa sarili no'n dahil nag-aagaw buhay din si Daniel that time. K–Kailangan ako nang anak ko kaya naging harsh ako sa'yo...pero maniwala ka s–sinubukan ko pa ring tumulong. Noong maging stable ang kalagayan ni Daniel..p-pumunta kami sa ospital para s-sana ibigay ang tulong na k-kailangan ninyo pero huli na k-kami. Sabay palang nag-agaw buhay si Daniel at Maximo pero...a-anak ko lang ang nakaligtas..."

Hindi na kasi kinaya ng anak ko.

"Walang kapatawaran ang ginawa ko. Inaamin ko na kasalanan ko naman talaga. Kasalanan ko kung bakit namatay ang Mama mo at ang Apo ko. I'm so sorry, Corraine."

Umiling lamang ako at humagulgol. Pakiramdam ko hinahati ang puso ko.    Maximo, humihingi ng tawad ang Lola mo. I can't forgive her, hindi ko alam kung paano. Mama, sorry hindi ko kayang maging ikaw. Matigas po ang puso ko.

I just can't let go.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now