KABANATA 08

203 11 1
                                    

Memories

Hindi ko na naabutan ang anak ko. At ang mas nakadagdag ng sakit na nararamdaman ko ay ang makitang hindi lang isa nawala sa akin.

Nanghihina akong napasandal sa pader nang makapasok ako morgue. Niyakap ko ang tuhod at doon ko nilabas lahat. Iyong tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas dumoble pa nang malamang pati ang nanay, iniwan na din ako.

"C-Corraine..." Naramdaman ko ang yakap ni Georgia sa akin. "Ihahanda ko na ang l-lamay nila..." Durog na durog ang boses niya.

Umiling ako. "H-Hindi na kailangan..." Pinilit kong tumayo. Inalalayan naman niya ako at tinulungang makalapit kay nanay. "I-Ililibing natin sila a-agad...sa t-tabi ni...tatay..." Hagulgol ko atsaka niyakap si nanay.

Ang nanay ko na wala namang ginawa kundi ang mahalin ako at ang mga anak ko. Ang nanay ko na hanggang sa huli ng kaniyang buhay, masama pa rin ang loob sa pamilyang matagal niyang pinagsilbihan.

"K-Kung iyan ang gusto mo..." Sang-ayon na lamang ni Georgia.

Hinaplos ko ang mukha ni nanay. "Hindi natin sila mapapatawad 'nay." Iyak ko habang nakatitig sa kaniya.

Nagtagal pa ako ng ilang sandali kay nanay at sinulit ang huling beses na mayayakap ko pa siya. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko nilapitan si Maximo.

"Mom-ma..." Naalala ko ang unang salitang lumabas sa bibig niya. 'Momma' binigkas niya 'yon habang nakatingin sa akin sabay hagikhik nang halikan ko siya sa pisngi.

"B-Baby ko..." Inabot ko siya at mahigpit na niyakap. Magaan lang siya at maliit kaya halos buhatin ko na siya. "K-Kawawa naman ang baby ko..." hagulgol ko.

"C-Corraine..." Inalalayan ako ni Georgia para hindi kami bumagsak ni Maximo. Inilingan ko lang siya. Kailangan ko 'to. Kailangan kong mayakap ang anak ko ng matagal sa huling pagkakataon para hindi ko makalimutan ang pakiramdam na niyayakap siya.

Gusto kong alalahanin ang mga panahong ngumingiti siya sa akin. Iyong mga pag-iyak niya at hihinto lamang kapag binuhat ko siya at niyakap.

Inalala ko rin kung paano sila maglaro ni Maxine ng magkasama. Palagi kong iniisip at naiimagine na siguradong magiging mabuti siyang kapatid. Makulit si Maxine at si Maximo ang parating magpa-pasensiya. Magiging malapit sila sa isa't isa at ipagtatanggol ang bawat isa.

Inalala ko ang mga pangarap ko para sa kanilang dalawa...ngayon wala na lahat. Wala na ang Maximo ko.

Tanging ang oras na lamang na 'to ang nakikita ko. At ang katotohanang wala na siya ang gumigising sa aking mga gunita.

"Mahal na mahal ka ni momma, M-Maximo..." Bulong ko sa kaniya. "P-Patawarin mo si momma, huh? W-Wala akong nagawa p-para sa'yo..." Hikbi ko.

Hindi ko man lang nagawan ng paraan para mailigtas kita. Sana pala pinuntahan ko nalang lahat ng ospital. Sana pala gumawa nalang ako ng ibang paraas kaysa magmakaawa sa pamilya ng tatay mo. Hindi sana nasayang ang oras ko sa presinto.

"C-Corraine...ginawa mo ang lahat..." Pampalubang loob ni Georgia.

Umiling ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa anak ko. "H-Hindi lahat, eh....kasi kung g-ginawa ko ang l-lahat baka....baka b-buhay pa ang anak ko...." Hagulgol ko.

"C-Corraine..." Hindi na lamang nag-salita pa si Georgia. Umiyak na lamang ito at niyakap kami ni Maximo.

"A-Ano pang silbi ng buhay k-ko?" Wala sa sariling tanong ko sa hangin.

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon