KABANATA 05

249 10 0
                                    

Hate

Bumagal ang paglalakad ko patungo sa kusina nang makitang hindi lamang si georgia ang naroon. Napatingin ako sa wristwatch ko. Bakit nandito pa 'to? Hindi pa ba 'to uuwi?

Lumingon siya sakin at dahan dahang binaba ang hawak niyang tasa. "G-Goodmorning, Corraine." Balisang bati niya.

Nagtaas lamang ako ng kilay. Mabuti naman at hindi na asawa tawag sa akin nito. Kung nagkataon baka kaladkarin ko siya palabas ng bahay ko.

"Morning." Malamig kong bati kay georgia na kasalukuyang ginagawa ang sandwich ko. Tiningnan ko ang mga pagkain sa counter table. "Doon mo na pakainin si Maxine sa kwarto niya hanggat hindi pa umaalis 'yang bisita."

"Tumawag na ang mama niya. Maya maya lang ay susunduin na 'yan." Aniya.

Napatango ako. "Buti naman." Kinuha ko ang inabot niyang tasa ng kape. "Thank you."

Tumikhim si Daniel. Hindi ko siya nilingon. "Hmm hindi ka ba muna kakain? Nasabi nga pala sa 'kin ni g-georgia na hindi ako kilala ni Maxine...ahm don't worry wala akong sasabihin sa kaniya.."

Napatingin ako kay georgia. "Naturuan ko na 'yan. Kapag may ginawang hindi maganda ako mismo ang magpapalayas." Bulong niya sa akin.

Hindi ko na pinansin si Daniel. Ayoko siyang kausapin, ni tingnan ay ayokong gawin. Hindi ko masikmurang makita ang pagmumukha niya.

Hindi ko na inubos ang kape ko. "Alis na ako, georgia." Kinuha ko ang sandwich na gawa niya. "Ikaw na ang bahala kay Maxine." Kinuha ko ang bag na pinatong ko lang sa taas ng counter table.

"Ingat sa pagmamaneho." Sabi ni georgia.

Tumango lang ako at dire-diretsong umalis. Hindi ko na pinansin si Daniel na mukhang may gusto pang sabihin.

Sana lang ay umalis na ito bago pa magising si Maxine. Ayokong makita at makilala siya ng anak ko. Wala na rin naman siyang karapatan.

Naabutan ko si karen na nagdidilig ng mga halaman sa maliit naming garden. Kaagad nitong iniwan ang ginagawa para pagbuksan ako ng gate.

Nilagay ko naman ang bag ko sa likod. "Karen, ikaw na ang bahala kay Maxine. Iyong gamot niya siguraduhin mong maiinom niya sa tamang oras." Walang sawang paalala ko sa kaniya.

"Opo ate.." Tugon niya.

Tinanguan ko na lamang siya at sumakay na sa kotse. Mabigat ang loob kong nagmaneho paalis.

Ayokong iwan kasi sana si Maxine doon ngayon kaya lang kailangan ako sa opisina. May meeting kami ni sir anton sa possible client and investor namin.

Nag-email siya sa akin kagabi at pinaalam na kailangan niya ako ngayon. Hindi niya na sinabi ang iba pang detalye pero base sa excitement at saya sa boses niya ay mukhang makukuha na namin ang matagal na naming goal na pag-angat. Kung pagbibigyan kami ng pagkakataon ay hindi lamang sa buong Cebu makikilala ang kumpaniya at ang mga gawa namin kundi pati na rin sa mundo.

Malapit na ako sa opisina nang mag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jack. Kaagad ko itong sinagot at ni-loudspeaker.

"Good morning, Miss corraine." Bati nito sa kabilang linya.

"Good morning, Jack. Bakit ka napatawag? Malapit na ako sa office." Sabi ko habang naka-focus sa daan. Mabuti na lang at hindi masyadong ma-traffic kapag ganito kaaga.

"Huwag ka na daw tumuloy sa opisina. Dumiretso ka na daw sa restaurant. Maaga daw kasi ang meeting ninyo ngayon ni Sir anton with the client." Sabi niya. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko atsaka sa likod. Nang makitang wala namang kotseng malapit sa akin, kaagad akong nag-u turn pagkatapos kong mag-signal light.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now