KABANATA 12

173 8 3
                                    

Napapikit na lamang ako at napahilot ng sintido nang maalala ko ulit ang naging away namin ni Daniel kagabi. Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Maximo ay hindi na ulit siya umimik. Natahimik na lamang siya at parang durog na durog. He cried in pain. I saw it.

Hindi na rin ako nag-salita pa. Hindi na rin ako nanumbat dahil alam kong sapat na ang mga sinabi ko para maintindihan niya lahat. At para masaktan siya.

Akala ko gagaan ang loob ko kapag naramdaman niya rin ang nararamdaman ko. Kapag naranasan niya rin ang sakit ng isang magulang na nawalan ng anak. Ang bigat din pala sa loob. Seeing his pain is too much. Parang bumalik ulit lahat ng sakit na naranasan ko noon.

"Corraine?"

Nagulat ako nang biglang tumayo si Sir Anton sa harap ng table ko at kunot noong nakatingin sa'kin.

Napatayo ako. "S-Sir?" Tanging bulalas ko.

"Are you okay?" Kunot noong tanong niya. "Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo? Mukhang wala ata sa opisina ang diwa mo? Are you tired? You want to go home? Pwede naman." He said.

Pilit akong ngumiti. "I'm fine, Sir. Pasensiya na po. Problema lang sa bahay. Uhmm do you need anything, sir?" Sabi ko.

"Oh yes! Gusto ko sanang makita ang bagong design mo ng mga sofa?"

"Uhm natapos ko na po. I'll just send it to your email."

Tumango siya. "Okay. Send it to me now." Aniya bago tumalikod at bumalik sa loob ng opisina niya.

Pabagsak naman akong umupo ulit at napahilamos ng mukha. Focus, Corraine! You have some works to do!

I sighed heavily. I started opening my email para isend ang mga designs ko kay Sir anton. May mga bagong client si Sir kaya kailangan niya ng bagong design. Sakto namang may mga nagawa ako kaya 'yon ang ipo-propose ko. Approval nalang niya ang kailangan para madala na sa production.

Nang ma-send na kay ang mga designs ko, inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagbuo ng mga bagong design. Kailangan may pagkaabalahan ako ngayon para hindi na ako makapag-isip ng tiyak na ikaka-distract ko.

Sinubukan kong mag-design ng Kabinet, kaya lang hanggang outline lang ako. Wala kasing pumapasok na magandang ideya sa utak ko. Kainis!

Frustrated akong napasuklay ng buhok at inis na sumandal sa upuan ko. Ano na, Corraine? Focus!

Napabuga na lamang ako ng hangin. Nilingon ko ang table ni Jack. Abala pa rin siya sa computer niya at paminsan-minsang mga phone calls. Kaming dalawa lang ang nandito kaya kapag busy siya, wala akong makausap, tulad ngayon.

Nagkibit balikat na lamang ako. At akmang babalik na sa trabaho nang tumunog ang phone ko. Mabilis ko 'yong inabot at sinagot nang makitang si Georgia ang tumatawag.

"Geor—"

"—Corraine! S–Si Maxine....May n–nangyare kay M–Maxine! Corr—"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya. Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko. Nanginig ang mga kamay ko at napupuno ng takot ang puso ko. Oh God! Please....not her.

"Corraine?" Gulat na baling ni Jack sa'kin.

Puno ng takot ang mga matang tiningnan ko siya. "E-Emergency! I—I have to g–go!" Natatarantang sabi ko bago tumakbo paalis. Hindi ko na pinagtuonan nang pansin ang mga nakatingin sa'kin, maski ang mga bumabate! Kailangan ako ng anak ko!

Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa ospital. Ni hindi ko nga maalala kung paano ako nag-drive papunta dito. I'm worried and scared. Mas lalo pa akong kinabahan nang i-text ni Georgia ang address ng ospital.

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon