KABANATA 04

264 11 0
                                    

Everything you did

Maaga akong nakarating sa opisina. Halos hindi pa puno ang mga cubicles. Ang mga maagang dumating naman katulad ko ay nagkakape at umiidlip muna. Sabagay may 30 minutes pa naman kami para gawin lahat ng hindi namin nagagawa sa bahay.

"Miss corraine,"

Nag-angat ako ng tingin sa secretary ni Sir anton, ang may may-ari ng kumpaniya. By the way, ang kumpaniya pala na ito ay nagde-desenyo at gumagawa ng iba't ibang furniture. Isa ako sa mga designer at kung minsan kasama ako sa gumagawa.

"Yes, jack?" Nginitian ko siya.

"Pinapasabi pala ni sir anton na approved na daw iyong sinend mong design last last week. Tapos iyong sinend mo kahapon ay pag-aaralan daw muna niya. Masyado daw kasing costly." Sabi niya.

Tumango ako. Alam kong costly, mahal kasi ang mga materyales na nilagay ko pero nasisiguro ko naman na magugustuhan 'yon ng mga future clients namin.

Iyong last last week na design ay furniture 'yon para sa mga kwarto. Nakabatay ang design na 'yon sa mga pamilyang tamang tama lang ang kita para makabili ng kumpletong furniture para sa mga silid nila.

Iyong pinagpuyatan ko namang presentation ay tungkol sa mga furniture sa sala. Detailed ang design doon at totoong mahal siya. Naisip ko kasi na may mga mayayamang handang gumastos ng mahal para magkaroon ng magandang furniture. Marami na rin kasi kasing mga desenyo na mura lang at bihira lang ang mga mahal kaya iyon ang ginawa ko ng ilang araw.

Medyo nahihirapan lang kami sa production. Hindi naman kasi masyadong malaki ang kumpaniya pero kilala naman ito sa buong Cebu. Hindi nga lang kami makapag-expand dahil wala pang nahahanap na investors. Hopefully, this year meron na.

"Miss corraine, uuwi na po ba kayo?" Tanong sa akin ni Justin, isa sa mga intern namin. Masipag siya at magaling kaya nire-recommend ko siya kay sir anton. Mabilis kasi itong turuan at maraming idea na nagugustuhan ko.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Oo justin. Susunduin ko pa kasi ang anak ko." Sagot ko habang nagliligpit ng gamit.

"Ingat po kayo.." Aniya na tinanguan ko lamang. Nagpaalam muna ako sa iba bago umalis roon.

Ang maganda sa trabaho ko, pwede akong half day lang at sa bahay na lamang ituloy ang trabaho. Pumapasok lang naman kasi ako para magturo ng mga intern at makipag-meeting. Minsan lang ako nago-overtime kapag may mga designs na kailangang tapusin sa opisina o kaya ay magbabantay ako sa paggawa ng detailed na furniture.

Magaling ang mga gumagawa sa amin pero minsan kailangan nila ng gagabay sa kanila lalo na kung hindi basta basta ang mga designs at materyales.

"Ingat po, Miss corraine." Ngumiti ako kay mang dany nang pagbuksan niya ako ng pinto. Siya ang isa sa matagal na naming guard dito kaya kilala na niya ako. Mabait ito at masipag kaya maski si sir anton mabait dito.

"Thank you po." Ngiti ko sa kaniya.

Tumingin ako sa wristwatch ko atsaka nagmamadaling tinungo ang kotse ko na naka-park lang malapit sa entrance ng kumpaniya. Nilagay ko sa likod ang gamit ko bago ako sumakay.

Tinguan ko lang si mang dany nang sumaludo ito sa akin. Mabilis akong umalis doon. 12:20 na, sana walang traffic ngayon.

Sinubukan kong tawagan si georgia na nasa bahay lang ngayon. Online ang trabaho nito kaya siya lang ang parating nasa bahay. Isang beses lang ako tumatawag kapag hindi niya nasasagot ibig sabihin busy siya at may ginagawa.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now