KABANATA 28

134 7 4
                                    


"Are you really sure about this? Kapag tinuloy natin ito, mas bibilis ang panghihina ng katawan niya."

Suminghap ako. "T-Tell me, doc." Nanginig ang labi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Wala na ba talaga tayong magagawa? B-Baka may paraan pa?" Pagsusumamo ko.

He sighed. "I'm really sorry." Sincere niyang sagot.

Nag-iwas lamang ako ng tingin at bumuntong hininga. "S-Sa totoo lang...hindi k-ko na rin alam kung dapat ko pa bang ituloy 'to." Mabilis kong pinunasan ang luhang nakatakas sa mga mata ko. "Natatakot lang t-talaga ako. At u-umaasa na b-baka may paraan pa...baka m-maawa ang Diyos sa'min. N-Nakikinig naman S-Siya, 'di ba? A-Ayoko nang mawalan u-ulit, Doc."

Nawala na sa'kin si Maximo, pati ba naman si Daniel? Paano na ako? Paano na si Maxine? Anong mangyayari sa'ming dalawa?

Hindi ako handang mawala siya sa'kin.

"Corraine!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Georgia pagkalabas ko nang opisina ni Doc. "Bakit hinihingal ka?" Tanong ko. Taranta niya akong nilapitan. "M-May nangyari ba?" Kabadong tanong ko. Siya kasi ang iniwanan ko kay Daniel at Maxine.

"N-Nawawala si Daniel at Maxine!" Tarantang sabi niya.

"A-Ano?! Wha—Why? W-What happened?" Mabilis at malalaki ang hakbang ko patungo sa room ni Daniel. "Iniwan ko sila sa'yo, Georgia!" Kinabahan ako. Saan naman sila pupunta? Mahina pa si Daniel at bata pa si Maxine. Saan naman sila pupuntang dalawa? At bakit sila aalis?!

"Nag-Cr lang ako tapos pagbalik ko wala na sila!" Aniya 'tsaka ako hinila sa braso. "Doon tayo sa CCTV room. Nandoon ang parents ni Daniel para malaman kung nasaan ang dalawa." Sabi niya.

"Nasaan naman sila no'ng mawala sila Maxine?" Tanong ko habang pareho kaming lakad takbo.

"Eh nauna na silang lumabas muna bago ako nag-CR. May pinabili kasi si Daniel...'yon pala balak na n-niyang umalis."

"Umalis? Georgia, saan naman siya pupunta?! He's weak!" Mas lalo akong nag-alala. Medyo lumalakas na siya ngayon at kaya na niyang maglakad lakad pero may sakit pa rin siya at delikado para sa kaniya ang umalis ng hospital!

Nang makapasok kami sa CCTV room ay saktong may pinapanuod na silang footage. Kaagad akong lumapit roon. "Sila Daniel! Saan sila papunta?" Nakita kong hawak kamay na naglalakad ang dalawa papunta sa kung saan. Iba ang suot na damit ni Daniel kaya siguro hindi sila naharang. Napapikit ako. Saan naman sila pupunta.

"Palabas na po ito ng ospital, Ma'am." Sabi ng security. "Hindi na ho masusundan ng CCTV kapag tuluyan na silang lumabas ng building."

Saan naman sila pupunta? "Georgia?" Nilingon ko siya. "Subukan mo ngang tawagan si Rhea, baka umuwi sila sa bahay." Tarantang sabi ko. "Aalis muna ako. Tawagan mo 'ko kapag may update na." Sabi ko.

Akmang lalabas na ako ng kwarto nang tawagin ako ng Mommy ni Daniel. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

Malamig ko siyang tiningnan. "Kay Maximo." Sabi ko bago tumakbo palabas.

Kung hindi sila umuwi, siguradong pinuntahan nila si Maximo. Wala naman na silang ibang pupuntahan. At alam kong matagal na ring gustong dalawin ni Daniel ang namatay naming anak.

Mabilis akong dumiretso sa kotse at pinaharorot 'yon paalis. I sighed heavily. Sana ligtas ang mag-ama ko. Sana nakarating sila ng maayos sa pupuntahan nila. At sana hindi umatake ang sakit ni Daniel. Si Maxine lang ang kasama niya, nag-aalala ako na baka may mas malalang mangyari.

Huwag naman sana.

Maximo, sana diyan sila sa'yo pumunta. Kailangan ako ng Daddy mo ngayon. Alam kong naging matigas ako sa kaniya at naging selfish. Tanging gusto ko lang ang masusunod. Tanging sarili ko lang ang pinapakinggan ko. Alam ko, umalis siya kasi pinipilit ko ang gusto kong ituloy ang chemo niya. Mas lalo siyang nahihirapan dahil sa'kin.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now