KABANATA 09

208 9 2
                                    

Tired

At exactly 9 pm nasa bahay na ako. Bukas ang gate kaya dire-diretso ang pasok ng sasakyan ko.

Kinuha ko ang bag ko sa likod bago ako bumaba ng sasakyan. Isasara ko  muna sana ang gate bago ako pumasok sa loob ng may gumawa na no'n para sa akin.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko.

"Hindi kasi ako makatulog." Sagot niya pagkatapos i-lock ang gate.

Tumango ako at pumasok na sa loob. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa kusina.

Kinunotan ko siya ng noo. "Hindi ka pa ba matutulog? Baka lagnatin ka na naman." Binaba ko ang bag sa taas ng counter table.

Umupo na lamang ako sa isang tool dahil binigay niya na lahat ng kailangan ko. Tubig, pinggan, kutsara't tinidor at pagkain. Pagod ako at inaantok na rin kaya hindi muna ako makikipag-talo sa kaniya.

"Nagpahinga ako buong araw kaya siguro hirap din akong makatulog..." Sabi niya. Tumango lang ako at nag-simula nang kumain. "Ahmm kamusta pala ang trabaho mo?" Tanong niya.

"Trabaho pa rin naman." Walang ganang sagot ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

"Tinuraan ko pala si Maxine sa assignment niya kanina. Matalino siyang bata kasi madali niyang natatandaan ang mga tinuturo ko." Kwento niya.

Napairap ako. "Hindi mo trabaho 'yon." Sabi ko lang.

"Alam ko..." Lumunok siya. "Ahm natutuwa lang ako kasi lumaki siyang bibo at maganda ang pananaw sa buhay." Pwede ko bang takpan ang bibig niya para tumahimik muna siya?

"Tumahimik ka muna diyan." Matalim ko siyang nilingon.

Mukha naman siyang natinag sa ginawa ko. "Sorry..." Akala ko wala na siyang sasabihing iba pero hindi pa pala siya tapos. "Masaya lang talaga ako kasi kasama ko na kayo ngayon. Ang saya ko talaga kasi unti unti kong nakikilala si Maxine. Nalaman ko na paborito pala niya ang tinolang manok? Gustong gusto niya ring panoorin ang 'Cedie' iyong cartoon bago siya matulog. Ahmm kanina pala ako ang nagpatulog sa kaniya. Gusto niya—"

Gigil kong binagsak ang kutsara't tinidor dahilan para matigilan siya. Namutla siya. Naging balisa siya nang makitang galit na ako.

"Pasensiya—"

"—shut your mouth! I'm tired, okay? Could you please..." Mariing pakiusap ko. "Give me a break."

Napahilot na lamang ako ng sentido. Lalo lamang sumasama ang pakiramdam ko dito!

Inis kong hinablot ang bag ko sa taas ng counter table at mabilis na iniwan siya do'n. Nakakainis!

"Naka-block pa rin si Lucio sa'yo?" Tanong ni Georgia. "Kanina ka pa daw niya tinatawagan." Sabado ngayon. Wala kaming pasok kaya sabay sabay kaming kumakain ng almusal.

Wala si Karen ngayon hanggang bukas. Nagpaalam ito na kung pwedeng umuwi dahil birthday daw ng tatay niya sa linggo at gustong maghanda sa sabado. Pumayag naman ako agad dahil pwede ko namang alagaan si Maxine. Andito din si Georgia.

Nakita kong nabitin ang pagsubo ni Daniel sa tanong ni Georgia. Napairap ako. "Kaka-unblock ko lang sa kaniya." Sabi ko sabay baba sa cellphone. Nakalimutan ko palang i-umblock 'yon. Buti pinaalala ni Georgia.

Napailing siya at hindi makapaniwalang tinitigan ako. "Grabe..wala na talaga akong masabi.." Ilang ulit siyang umiling bago nagpatuloy sa pagkain.

Ngumisi lang din ako at inasikaso si Maxine. Napansin kong hindi niya pa nagagalaw ang gatas niya kaya inabot ko 'yong baso at tinikman 'yon. Kumunot ang noo ko. Maayos naman ang lasa at hindi masyadong mainit?

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now