KABANATA 13

162 8 5
                                    

Dalawang araw na kaming nasa ospital. Hindi pa magaling si Maxine at hindi pa pwedeng i-discharge kaya nanatili muna kami rito.

Si Georgia na ang umayos sa kaso nang lalaking nakabangga kay Maxine. Nakainom daw 'yon at mabilis ang takbo kaya mga pulis na din ang um-aksiyon. Hindi ko na lang din masyadong pinagtuunan nang pansin kasi naka-focus ako sa lagay ni Maxine.

May iilan nang dumalaw dito, mga kaibigan namin at kasama sa modeling. Si Jared naman tuwing umaga hanggang tanghali dito, umaalis lang kapag pupunta na sa restaurant niya. Nagtataka nga ako kay Daniel, eh. Wala na kasi itong kibo at angal kapag dumadalaw si Jared. Dedma lang gano'n.

Siguro dala na din ng mga nalaman niya at naging pag-uusap namin.

"Nakapagpa-book na ako ng ticket natin." Sabi ni Georgia nang maupo kami sa sofa. Hinayaan na muna namin ang dalawa na manuod ng disney movie sa Ipad. Kasya naman sila sa kama kaya hinayaan ko nang mag-enjoy ang bata. Nakakalimutan kasi nito ang sakit kapag may ginagawa sila ni Daniel.

Tumango ako sa balita ni Georgia. "Napalinis mo na ba ang bahay?" Tukoy ko sa bahay namin sa Maynila. Maayos pa 'yon at sinigurado ko talagang buhay pa dahil 'yon na lamang ang alaala ko kay Nanay at Maximo.

"Tumawag na ako kay Aleng Isme. Nililinis na nila ngayon. Baka bukas umuwi muna ako para maligpit ko ang ibang gamit natin sa bahay."

"Sige. Dalawang araw na lang naman madi-discharge na si Maxine. Doon na lang tayo mag-impake." Sabi ko. Sinilip ko naman ang oras sa relong pambisig. "4:30 na pala," Sabi ko. "Baka padating na sila Sandy."

"Pumayag ka talagang dumalaw sila?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.

"Nag-aalala sila kay Daniel at Maxine kaya hinayaan ko na. 'Tsaka sila lang naman." Hindi naman kasama ang Mommy ni Daniel. Ibang usapan na 'yon.

"Anong sasabihin mo kay Maxine?"

"Mga kaibigan ko." Nilingon ko naman ang anak ko na seryoso sa pinapanuod habang hinahaplos ni Daniel ang buhok niya. "Gusto ko nang makilala ni Maxine ang mga pinsan niya, Georgia. Ayoko nang ipagdamot 'yon sa kaniya. Kaya lang hindi muna siguro ngayon. I need more time."

"What about her father? Balak mo siyang dalhin kay Maximo, bakit hindi mo muna sabihin kay Maxine."

I sighed. "Hanggang ngayon hindi pa ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko, Georgia. Gusto kong sabihin kay Maxine pero...nagda-dalawang isip pa rin talaga ako." Kailangan ko pa talaga ng mas mahabang oras. Tama na muna sigurong nagdesisyon akong dalhin siya kay Maximo.

"Ikaw ang bahala. Basta isipin mo din sana ang anak mo bago mahuli ang lahat." Bulong niya.

Kunot noo ko naman siyang nilingon. Bago mahuli ang lahat? "Anong—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang may kumatok mula sa labas.

Mabilis akong tumayo at binuksan 'yon. Tipid akong ngumiti nang makita si Sandy at ang pamilya niya. Hawak niya ang panganay na anak habang buhat naman ni Ark ang bunso nila. They look good and happy together. Nakaramdam ako ng inggit.

"Pasok kayo." Sabi ko at nilakihan ng bukas ang pinto.

Nauna namang pumasok si Ark at ang dalawang bata. Samantalang naiwan naman sa harap ko Sandy. "Hmm Corraine? Salamat, ha?" Ngiti niya.

"Para saan?" Tanong ko bago sinara ang pinto.

Nilingon ko sila Maxine. Pinapakilala naman na ni Daniel ang pinsan at mga pamangkin sa anak. Friendly si Gabriella at Maxine kaya madali lang silang magkakasundo. Si Gabby naman ay masyado pang bata, at mukhang wala sa mood ngayon dahil ayaw bumitaw sa daddy niya.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now