KABANATA 22

118 10 3
                                    


"This is Home....with you and Maxine."

Last night he slept peacefully after our talked. Naging tuloy tuloy rin ang tulog niya hindi tulad ng mga nagdaang gabi na bigla na lamang siyang magigising dahil sumasakit ang ulo niya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong nakapag-pahinga siya ng maayos. Kailangan niya kasi 'yon lalo na't tuloy tuloy na ang chemo niya.

"Let him rest for a while. Babalik ako pag-gising niya." Sabi ng Doktor nang ihatid ko siya sa labas ng private room ni Daniel. Katatapos lang ng chemo ni Daniel, magpapahinga lang siya tapos pwede na raw kaming umuwi muna.

"Thank you po, Doc." Sabi ko 'tsaka siya hinatid ng tingin kasama ang dalawang nurse na umalalay sa'min kanina.

I sighed at akmang papasok na ulit sa kwarto ng may kumuha sa atensiyon ko. "Corraine!" Tawag ng pamilyar na boses.

Tiningnan ko kung sino 'yon at nagulat nang makita siyang naglalakad papalapit sa'kin. "P-Patrick..." Napakurap ako nang tuluyan na siyang tumigil sa harap ko.

Ngumiti siya. "Kamusta na siya? Ikaw? Pasensiya na ngayon lang ako nakadalaw."

"Okay lang." Tumango ako. "Nasa loob siya nagpapahinga. Matutuwa 'yon kapag nakita ka." Binuksan ko nang malaki ang pinto at una siyang pinapasok bago ako sumunod. "Katatapos lang ng chemo niya kaya nanghihina siya at nakatulog." Sabi ko nang lapitan niya si Daniel.

"Sayang naman hindi ko naabutang gising siya..."

Lumapit ako. "Pwede mo namang hintaying magising si Daniel. Nagmamadali ka ba?" Tanong ko. Hindi ko alam kung kailan pa ako naging casual at kalmadong makipag-usap sa kaniya. Basta parang magaan ang loob ko ngayon. Wala na akong nakakapang galit sa kaniya.

He sighed. "May kailangan kasi akong gawin kaya hindi ako pwedeng magtagal. Pakisabi na lang sa kaniya na dumalaw ako." Seryosong sabi niya.

Tumango ako. "Sige. Thank you for coming." Sincere kong sabi.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Salamat sa pag-aalaga sa kaniya at sa pananatili sa tabi niya. Tatanawin ko 'tong isang malaking utang na loob." Aniya.

"Asawa niya ako." Tinitigan ko si Daniel. "Dapat lang na nasa tabi niya ako." For better and for worst.

"Still, thank you..." Malungkot siyang tumingin sa pinsan. "Parehas kayong nahirapan noong magkahiwalay kayo. You both deserve to be happy. Mula noon hanggang ngayon, pinagdarasal ko na sana maging masaya kayo ng magkasama."

"Mabubuhay kami ng masaya at magkasama." I smiled. "He's fighting, Patrick. Naniniwala ako na hindi niya kami iiwan. May awa ang Diyos."

"May awa ang Diyos..." He whispered.  Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na parang may iba sa kaniya ngayon. He look so problemtic. Para bang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Are you okay? May problema ba?" Tanong ko.

Mabilis naman siyang umiling at pilit na ngumiti. "Don't mind me. Mag-focus ka nalang kay Daniel. He'll get better soon." Aniya.

Tinitigan ko lamang siya ng ilang segundo bago unti unting tumango. I sighed heavily. Tama siya, mag-focus na lamang ako kay Daniel.

Hindi talaga siya nagtagal dahil agad rin siyang nagpaalam sa'kin. Hindi niya na nga naantay na gumising si Daniel. Mukha siyang nagmamadali kaya hindi ko na rin pinigilan. Alam ko namang babalik siya para kamustahin ang lagay ng pinsan.

Inayos ko nalang ang kumot ni Daniel at umupo sa upuang nasa tabi lang ng kama niya. Tinawagan ko naman si Georgia para kamustahin sila ni Maxine. Nakauwi na raw sila galing sa school at nag-meryenda na rin. By the way, nasabi ko na bang isa nang guro si Georgia sa school ni Maxine? Grade 5 students ang mga tinuturuan niya ngayon.

"Anong ginagawa ngayon ng anak ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa sala nanunuod ng TV. Hinayaan ko na munang magbabad, hindi kasi ako tinitigilan sa kakatanong kung anong oras kayo uuwi. Bakit ba ang tagal ninyo ata diyan?"

Tinitigan ko si Daniel. "Nanghihina pa kasi siya, Georgia. Hinihintay ko na lang siyang magising tapos kapag kaya niya na, uuwi na rin kami. Ikaw na munang bahala kay Maxine."

"Oo sige. Don't worry hindi ko pababayaan si Maxine."

"Salamat..."

Nagpaalam na rin ako agad sa kaniya. Busy siya sa kusina ngayon kasi hinahanda niya ang mga rekado sa lulutuin niya mamaya sa dinner. Sinabi kong tatawag na lang ako mamaya sa kanila.

Binantayan ko nalang si Daniel at hinantay magising siya. Hinang hina talaga siya pagkatapos ng chemo niya kanina. Mas nakikita ko ring nahihirapan siya.

Nakagat ko ang ibabang labi. Kaya niya pa naman 'di ba? O pinapaniwala ko lang ang sarili ko? Nakikita ko namang pinipilit niyang kayanin lahat pero paano kung traydurin siya ng sakit niya? Paano na siya? Paano na ako?

Inabot ko ang buhok niya at masuyong hinaplos 'yon. Ngunit isang haplos pa lang ay natigilan na ako. Tiningnan ko ang nanginginig ko nang palad.

Napalunok ako. Dumikit kasi sa palad ko ang mga nalalagas niyang buhok. Hindi lang 'yon basta nalalagas dahil kulang nalang ay makalbo na siya. Isa 'yon sa mga nakakatakot na epekto ng chemo.

Mariin kong kinuyom ang kamao at tumayo. Dumiretso ako sa CR at tinapon ang buhok sa basurahan. Naghugas ako ng kamay at naghilamos para mahimasmasan.

Mariin kong tinitigan ang sarili sa salamin. Kaya ko 'to. Kailangan matapang ako at matatag. Normal lang 'yon. Nakakatakot man pero normal lang iyon. Hindi 'yon nakakasama sa kaniya. He'll be fine.

At sinong niloko mo, Corraine? He's not fine! He.is.not.

May tumakas na butil ng luha sa mga mga mata ko hanggang sa hindi ko napigilan at naging hagulgol 'yon. Napatakip ako ng bibig para hindi masyadong makagawa ng ingay na baka marinig niya sa labas.

Nanghihina akong umupo at sumandal sa pader. Sinubukan ko talagang hindi maging emosyonal at iwasang umiyak pero sa pagkakataong ito....wala na akong ibang magawa kung hindi hayaan ang sarili kong madala ng takot at sakit.

Pwede naman akong maging mahina kahit sandali lang 'di ba?

Matagal ako sa loob ng Cr, hindi ko lang alam kung ilang minuto. Hinayaan ko lang munang maging magaan ang pakiramdam ko at inayos ang sarili bago lumabas. Ayokong makita niyang masyado akong naaapektuhan sa nangyari.

Sakto namang gising na siya nang lumabas ako ng banyo. "Hi..." Bati ko sa kaniya at ngumiti. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko nang alalayan ko siyang umupo.

"W–Water..." Mahinang sabi niya.

Dali dali naman akong lumapit sa pitchel ng tubig at nagsalin sa baso. Tinulungan ko muna siyang makaupo bago binigay ang baso sa kaniya.

"Ilang oras akong nakatulog?" Tanong niya pagkatapos uminom.

"Mga anim na oras." Ngumiti ako at nilapag ang baso. "Napagod ang katawan mo sa chemo kaya mas mahaba ang pahinga mo ngayon."

He sighed. "Gano'n ba?" Tinaas niya ang kamay at nilagay sa taas ng ulo. Isang beses niya lang 'yong sinuklay bago binaba ang palad niya at tiningnan ang mga sumamang buhok roon. "Hindi pa ba tayo uuwi?" Mahinang tanong niya.

Umupo ako sa gilid niya. "Bukas na tayo uuwi para mas makapag-pahinga ka." Malumanay kong sabi habang nakamasid sa kaniya.

Nanatili naman siyang nakayuko at matamang nakatitig sa mga nalagas niyang buhok. "Bago tayo umuwi...pwede bang gupitan mo muna ako? Mas lalo kasi akong nanghihina kapag nakikita kong unti unting nawawala ang mga buhok ko dahil sa chemo." Malungkot niyang sabi.

Tumango ako. "Okay..." Inabot ko ang magkabilang pisngi niya at marahang tinaas kapantay ng mukha ko. "Everything will be alright. Pansamantala lang ang mga pagbabagong ito." Malambing kong sambit.

Tipid lang siyang ngumiti.

"You will be alright...." I breathed.

I need you to be alright....happy and alive. Please, Daniel.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now