KABANATA 33

122 9 4
                                    

"I'm so sorry, Corraine. I hope you're ready for this." Malungkot na bungad sa'kin ng Doktor.

Nang magkaroon ako ng lakas na pumasok sa private room kung nasaan si Daniel ay naabutan ko siya at ang dalawang nurse na nagche-check sa kalagayan ng Asawa ko. Nakaupo ang Mommy ni Daniel sa tabi ng kama niya at hawak ang kamay niya samantalang nakatayo naman sa Daddy niya, na nakikinig sa mga sinasabi ng doktor. Ganoong eksena agad ang naabutan ko.

"I w-will never be r-ready for t-this..." Nanginig muli ang mga labi ko at unti unting lumapit sa kaniya.

Lumayo naman sila sa kama at tumayo ang Mommy ni Daniel para bigyan ako ng space.

Nanginginig rin ang mga kamay kong inabot ang kamay niya. Hinaplos ko 'yon at tiningnan ang maputla pero gwapo pa rin niyang mukha. Mapait akong ngumiti. What should I do now, H-Huh?

"He's very weak. Bumagsak na rin ang katawan niya. Please, prepare yourselves for the worst. And as much as possible...stay with him." Malumanay na sabi ng doktor. Narinig ko naman ang hagulhol ng Mommy ni Daniel. Mariin akong pumikit at pigil na humikbi.

"I'm sorry..." Sabi pa ng doctor bago siya lumabas ng kwarto kasama ang mga nurses.

"We'll give you space, Corraine." Nanginginig ang boses na sabi ng Daddy ni Daniel.

Tumango lamang ako at hinintay silang makalabas. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Daniel. At nang kaming dalawa na lamang ang naiwan sa kwarto ay doon pa lang lumabas ang hagulhol ko. Iyong mga luha at iyak na pilit kong pinipigilan kanina ay pinakawalan ko na dahil wala nang ibang makakakita sa mga kahinaan ko kung hindi siya. At kung magising man siya sa ingay ko...hindi ko itatago ang sakit, takot at panghihinayang na nararamdaman ko.

"D-Daniel..." Iyak ko. "N-Naalala mo ba noong iwan mo a-ako? Takot na takot ako n-noon...kasi hindi k-ko na alam kung p-paano mabuhay nang w-wala ka...t-tapos dala dala ko pa a-ang mga a-anak natin. Takot na takot ako. H-Hindi ko alam kung paano ko pa sila m-mamahalin...kasi n-noong umalis ka...b-binitbit mo pati ang p-puso ko....d-durog na durog ako...at nang makita ko at mahawakan sila Maximo at Maxine mas lalo kong n-naramdaman na talagang w-wala ka n-na sa tabi k-ko. at sobrang sakit kasi h-habang n-nakatitig ako sa mga mata ng kambal natin, i-ikaw lang ang nakikita ko. They really look like you, Niyel. A-At that moment, n-naisip ko na hindi mo naman p-pala ako iniwang mag-isa...kasi binigay mo s-sila sa'kin. I-Iniwan mo s-sila sa'kin. And I love t-them as much as I love y-you. They became my hope and my strength. They save their momma from pain and misery. Sila ang nagsilbing ilaw ko habang w-wala ka...and I-I thank you for giving me such a wonderful angels."

"Nang mawala sa'kin si Maximo, para akong bumalik ulit sa simula kung paano mo ako iwan at kung paano mo dinurog ang puso ko. Sinisi kita at ang buong pamilya mo dahil tinalikuran ninyo ang anak ko! Hindi ninyo siya binigyan ng pagkakataong mabuhay! A-Ang bata bata niya pa....D-Daniel, Pinatay mo na naman ako....."

Nag-sinungaling ako sa sarili ko noong pa-ulit ulit kong sinasabi na, hinding hindi ko na siya babalikan! Ilang beses kong pinaniwala ang sarili ko na kahit anong gawin niya wala na siyang babalikan sa akin! But I was a fool! Inalagaan ko ang galit ko sa kaniya dahil natatakot ako at aminado na kapag bumalik siya tulad ng pangako niya.....walang pagdadawang isip na tatanggapin ko siya. Marupok pero ganoon naman talaga ang pagmamahal, hindi ba? Na kahit nasaktan ka ng paulit ulit...babalik at babalik ka pa rin sa kaniya....sa taong ilang beses ka mang saktan, mahal na mahal mo pa rin.

"I love you so much, Daniel. K-Kahit nasaktan ako n-noon....at k-kahit ikaw ang sinisi ko sa pagkawala ni Maximo...a-alam ko sa sarili ko na w-wala na akong ibang m-mamahalin pa tulad ng p-pagmamahal ko sa'yo." Hinalikan ko ang likod ng palad niya. "D-Daniel, alam ko lumalaban ka p-pa rin para sa'min. Alam ko pinipilit mo n-na lang..." Humagulhol ako. Parang pinipiraso-piraso ang puso ko habang nakatanaw sa halos wala nang buhay niyang mukha. Pumikit ako at mas lalong lumapit sa kaniya. Inabot ko ang pisngi niya at masuyong 'yong hinaplos. "P-Pagod ka na 'di ba? H-Hirap na hirap ka n-na...at p-pinipilit mo na lang kasi a-alam mong hindi k-ko pa kayang bumitaw. K-Kahit nahihirapan ka na...lumalaban k-ka pa rin k-kasi ayaw m-mong iwan u-ulit ako...N-Niyel, alam ko naman na g-gustong gusto mo na r-ring makasama si M-Maximo pero hindi mo m-magawa kasi....k-kasi pinipilit pa k-kitang lumaban kahit alam kong w-wala na talaga..." Huminga ako ng malalim. "Sorry k-kung naging makasarili ako. S-Sorry kung mas lalo k-kang nahihirapan d-dahil sa'kin. A-Ayokong mas lalo kang m-mahirapan...kaya sige..." Mas lalong rumagasa ang mga luha ko. "P-Pinapalaya na k-kita...masakit pero...ayokong mas l-lalo kang mahirapan...a-ayokong pilitin mo pa kahit...hirap na hirap k-ka na. Niyel, c-can you hear m-me? I-I am finally....s-setting you....free...." Hirap na hirap ako sa paghinga dahil sa sunod sunod na hikbi. "H-Hindi mo na kailangang i-isipin ako....h-hindi mo na kailangang kumapit kasi g-gusto ko. H-Hindi mo na...k-kailangang lumaban kung talagang g-gusto mo nang s-sumuko...h-hindi na kita pipigilan. H-Hindi na...."

"O-Okay lang ako...Y-You don't have to worry about me, about maxine...I'll take good care of our daughter...s-sa kaniya ko ibubuhos lahat ng pagmamahal ko n-nang sa ganoon hindi niya m-maramdaman na may kulang sa kaniya....S-She will understand that you have to leave her again. We will u-understand.

I l-love you so much, Daniel. A-And this is me loving you with pain and a b-broken heart."

"A-Asawa ko.."

Magkahalong gulat at sakit ang naramdaman ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. He's awake! Nilapat ko ang likod ng palad niya sa pisngi ko at humikbi. Napapikit ako.

"D-Daniel..." Suminghap ako at malumanay na ngumiti. "I love you..." Hikbi ko at masuyo siyang tinitigan.

Pumikit siya at ngumiti. Pati ang pag-ngiti niya parang mahirap na para sa kaniya. Nagpunas ako ng luha kahit tuloy tuloy pa rin ang buhos noon habang ang buong atensiyon ay sa kaniya lamang. Kinakabisado ang mukha niya at tinatatak sa puso't isipan ko ang oras na ito na kasama siya.......dahil baka...ito na rin ang huli.

"M-Mahal kita, A-Asawa ko..." Mahinang sabi niya. "S-Sorry..."

Humagulhol ako at umiling kahit hindi ako sigurado kung para saan ang sorry niya. Sorry dahil may sakit siya? Sorry dahil iiwan na naman niya ako? O sorry dahil hindi na niya talaga kayang lumaban pa? Hindi na 'yon mahalaga sa'kin dahil mas gusto kong maging maluwag ang puso niya sa kung ano man ang magiging kahihinatnan namin.

"I'm just t-tired..." Mahinang bulalas niya.

Tumango ako at lumunok. Hinaplos ko ang luhang dumaloy mula sa mga mata niya. "I-I know....I-I understand...a-and i'll be okay..." Nanginig lalo ang mga labi ko. Sobrang sakit habang sinasabihan ko siya ng ganoon. Mahirap pero kailangan kong maging matatag kahit alam kong durog na durog na ako.

Tinitigan niya ako. "Y-You will be....o-okay?" Habol na niya ang hininga at muling pumikit.

Tumango ako. Para sa'yo. "Y-Yes..." Gumaralgal ang boses ko.

"M–Maxine...."

Nakagat ko ang ibabang labi. "S-She will be...o-okay..." Please.

"T-Tired..." Naging sunod sunod ang paghinga niya.

Napatakip ako ng bibig at tumayo para yakapin siya. I cried. Tinatak ko sa puso at isipan ko ang pakiramdam na ito. Ang oras na kasama ko pa siya at nayayakap ng ganito.

"A-Ayos lang....w-we will be fine..."

"G-Gusto ko k-kayong makasama ni M-Maxine..."

Napapikit ako at tumango. Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Gagawin natin ng magkasama.

Bawat segundo, bawat minuto, bawat takbo ng oras, araw at buwan....

"K-Kasama mo k-kami, N-Niyel..."

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now