KABANATA 23

132 8 2
                                    

Pinatay ko ang makina nang kotse pagkatapos kong mag-park ng maayos sa garahe. Tanghali na kaming nakauwi ni Daniel kasi pinatingnan ko muna siya sa doktor. Gusto ko lang makasigurado na pwede ko na talaga siyang iuwi. Nag-aalala lang ako kasi hindi na bumuti ang pakiramdam niya. Ang sabi naman ng doktor, dahil raw sa chemo niya.

Doon ko na rin pala siya ginupitan sa hospital. Ayaw niya kasing gawin dito sa bahay.

"Nakauwi na ba tayo?" Mahinang tanong niya. Half open ang mga mata at parang pagod na pagod.

Nilingon ko siya at nginitian. "Yes, Daniel. We're home." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya. "Kaya mo ba talagang maglakad mag-isa?" Tanong ko. Ayaw niya kasing alalayan ko siya hanggang sa bahay. Hindi niya gustong makita ni Maxine na mahina siya. Gusto niyang manatiling malakas at positibo sa mata ng bata. Hindi na rin ako umaangal kung 'yon ang gusto niya.

"I'm fine. I can do it for my girl."

Nag-init ang gilid ng mga mata ko at huminga na lamang ng malalim bago lumabas ng kotse. Ilang segundo rin akong tumayo sa labas at pinilit na pinatatag ang puso ko. I can also do this.

Huminga muna ulit ako nang malalim bago siya pinagbuksan ng pinto. Ngumiti ako at hindi pinakitang nag-aalala pa rin sa kaniya.

"Mauna ka nang maglakad, Asawa ko. Gusto kong nakikitang hinihintay mo 'ko." Aniya.

Lumunok ako at tumango. Parati naman akong nag-aantay sa'yo. Kahit sabay pa tayo, aantayin pa rin kita.

Nasa pinto si Maxine, nag-aabang sa'min ng buksan ko ang screen door. "Momma!" Kaagad niya akong dinamba ng yakap. Masaya siyang nag-angat ng tingin sa'kin. "Wala po kaming pasok today kasi may event sila teacher." Sabi niya.

Tumango ako at sinapo ang pisngi niya. Nasabi na ni Georgia na wala silang pasok ngayon at nasa bahay lang sila ni Maxine. "Kumain ka na ba, baby?" Tanong ko.

Umiling siya at ngumuso. "Hindi pa po, Momma. Hinihintay ko po kasi kayo ni Daddy." Aniya. Nagliwanag muli ang mukha niya. "Where's Daddy?" Masayang tanong niya.

Ngumiti ako at nilingon si Daniel sa likod. Umusog ako para tuluyan siyang makapasok. Humiwalay kaagad sa'kin si Maxine. "Daddy—" Unti unti namang nawala ang sigla at mga ngiti niya nang masilayang maigi si Daniel. Umurong rin ang tangkang pagsalubong niya sa Ama.

Diretso lang siyang nakatitig kay Daniel at hindi na gumagalaw. Pinilit kong ngumiti. "Maxine, why? Hindi mo ba yayakapin si Daddy?" Tanong ko.

"B–But....Why are you bald, Daddy?" Nagtataka niyang tanong.

Ngumiti naman si Daniel at siya na mismo ang lumapit sa Anak. "Because I don't like my hair before. Hindi ba bagay ni Daddy? Ang sabi ni Momma mo, gwapo pa rin daw ako." Nginisian niya ako. Ngumiti ako dahil alam kong dinadaan niya lang sa biro ang lahat para kay Maxine.

Humagikhik si Maxine. "It's fine, Daddy. You are still handsome." Masayang sabi niya bago niyakap ang Ama. "Welcome home po....."

He sighed heavily. "Thank you, baby." Niyakap niya rin ng mahigpit si Maxine. "I love you so much..."

"How's the chemo?" Tanong ni Georgia nang tulungan ko siyang magligpit sa kusina.

"Ayun...its making him weak." Sagot ko. Sumandal ako sa gilid ng lababo habang pinapanood siyang maghugas. "Sa tuwing nasa chemo siya, nakakaramdam ako ng takot. What if hindi umobra ang mga ginagawa namin? Dumaan na rin siya sa chemo dati and he's been in Coma pero hindi pa rin nawala ang sakit niya. Mas lalong lang lumala."

"How about surgery? Subukan mo kayang kausapin ang parents niya? For sure may alam silang mahusay na surgical doctor?" Suhestiyon niya.

Mariin akong pumikit. "Naisip ko rin 'yan. Hinahanda ko lang ang sarili kong lunukin ang pride ko."

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon