KABANATA 31

146 5 4
                                    

Limang araw pagkatapos ng pagbisita ni Patrick ay mas nakita ko ang unti unting pagbabago ni Daniel. Pumayat siya at mas naging maputla ang balat at mga labi. Hindi na rin niya kayang tumayo mag-isa kaya nakasanayan na naming nakaupo siya sa wheelchair. Minsan pinipilit niyang makipaglaro kay Maxine pero sandali lang dahil hindi na niya kayang makipag-sabayan sa energy nito. Sa pagkain naman ay parati siyang nawawalan ng gana, pinipilit ko na lang na kumain siya kahit ilang subo para magkalaman naman ang tiyan niya.

Sa loob ng ilang araw na mahinang mahina siya, nahihirapan na rin akong magpahinga at matulog. Oras oras kasi ay chine-check ko kung okay ba siya. Kung may masakit ba sa kaniya o kung h-humihinga pa ba siya. Ang hirap. Hindi ko lang pinapakitang nahihirapan rin ako dahil ayokong dumagdag pa sa hirap niya.

I know he's fighting. Lumalaban siya pero hanggang kailan kakayanin ng katawan niya?

"Asawa ko..."

Mabilis akong nagpunas ng luha nang marinig ko ang tawag niya. Nasa banyo kasi siya, nagbibihis. Gusto ko sana siyang tulungan pero ayaw niya. Kaya niya naman daw kaya hinayaan ko na lang.

"B-Bakit?" Suminghap ako.

"Uh m-may envelope akong nilagay s-sa drawer, pwede m-mo bang dalhin para sa'kin?" Sabi niya. Pupunta kasi kami ngayon sa hospital. Hindi niya gustong pabalik balik kami doon pero dahil hiniling ko wala na siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako.

I sighed heavily at kinuha ang sinabi niya. "A-Ano ba 'to?" Nakita ko 'yon kaagad dahil nag-iisa lang naman 'yon. Umupo ako sa kama at binuksan ang hawak na envelope.

"I-Ibibigay ko 'yan sa doktor mamaya, Asawa ko. 'Yan ang napag-usapan n-namin ni Daniel no'ng isang araw na d-dumalaw siya."

Tumango ako at nilabas ang laman no'n. Mabilis kong tiningnan ang nakasulat roon. "Agreement for o-organ donation?" Nanginig ang kamay at labi ko. Ano 'to?

"A-Asawa ko..." Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng CR sakay ang wheelchair niya.

Wala sa sariling nilingon ko siya. "B-Bakit may ganito ka? You're donating your o-organ?"

Tumango siya. "W—Why?" Nangilid ang mga luha ko.

"Dahil gusto k-kong bigyan ng c-chance 'yong mga t-taong may pagkakataon pang m-mabuhay..."

Tumayo ako at nilapitan siya. "What a-about you....." Nanghihina akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya. "...kailan m-mo bibigyan ng chance ang sarili mo para m-mabuhay?" Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.

"Asawa ko," Pinunasan niya ang mga luha ko. "Huli na ang lahat para sa'kin. Tanggap ko na ang kapalaran ko." Ako hindi pa. Hindi kailanman!

Umiling ako. "Hindi mo kailangang gawin ito, D-Daniel." Pakiusap ko.

"Kailangan ko." Malungkot siyang ngumiti. "Maybe, this is my purpose. Baka kaya binigyan ako ulit ng chance noon na mabuhay ay para bigyan rin ang iba ng chance na magkaroon ng pag-asang mabuhay."

Umiling lamang ako. Why is it so unfair?! Ha?

"Hi, Corraine. How are you?" Tanong ng Mommy ni Daniel nang dumalaw sila ulit. Nasa tabi nilang mag-asawa si Maxine at Daniel kaya ngumiti ako.

"I'm fine. Uhm sa kusina lang po muna ako." Magalang kong paalam sa kanila. Bago pa man sila makasagot at tumalikod na ako.

Naabutan kong naghahanda na ng pagkain si Georgia nang pumasok ako. "Oh? Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Tutulong ako." Sabi ko at kumuha na ng plato at kutsara.

"Nandoon ang mga biyenan mo, ah? Bakit hindi ka makipag-usap muna." Aniya.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now