KABANATA 34

122 8 4
                                    

Nanginginig akong umatras palayo sa kaniya nang nagsidatingan na ang mga nurses at doktor. Humagulhol na lamang ako at napatakip ng bibig habang pinapanuod silang pilit sinasalba ang buhay niya.

Napailing ako at pilit pinatatag ang sarili para hindi tuluyang bumigay.

Alam ko sa sarili ko na handa na ako...'yon din ang sinabi ko sa kaniya...pero habang nakikita ko kung paano siya unti unting nawawala sa'kin ay hindi ko pa rin mapigilan ang puso ko na unti unting nawawasak. Sobrang sakit pa rin!

Hindi ko pa rin pala kaya. 

"D-Daniel...." Umiling iling ako. Masakit pa rin, Niyel. Hindi ko ata kakayanin.

"C-Corraine..." Hinawakan ako ng Mommy niya sa magkabilang braso at dinala sa mga bisig nito. Parehas kaming umiiyak habang nagkakagulo sa loob ng kwarto.

"P-Pinalaya ko na siya....p-pero ang sakit pa r-rin po p-pala......."

Akala ko kaya ko na....pero hindi pa rin pala.

"M-Masakit but....he's in p-pain, Corraine...." Hikbi nito.

He is in pain. Ayoko na siyang masaktan. Ayoko nang mahirapan pa siya...kaya nga kahit masakit at mahirap...pinipilit ko ang sarili ko na magpakatatag.

Para sa kaniya. Para sa akin. At para sa anak namin.

"We did everything we could to save him but...." Nakagat ko ang ibabang labi at yumuko habang pinapakinggan ang doktor. Nakikisimpatya ang mga tingin nito sa'min at hindi ko gusto ang kahulugan nang mga emosyong pinapakita niya kaya todo ang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. "He's very weak. Bumigay na rin ang katawan niya. Though some parts of his brain are still responsive...hindi ko pa rin alam kung hanggang kailan niya kakayanin. And we need to put him on a coma in order to save his healthy organs that are still qualified to donate."

"But he can't stay like this. Mamamatay pati ang mga natitirang healthy organs niya kapag nagpatuloy ang pagre-relay niya sa mga makina. You have 48 hours to decide, Corraine. Dahil ikaw ang asawa, hawak mo ang desisyon. Susugal ka pa ba o palalayain mo na siya? To tell you frankly, he has 5% rate of survival. Think of how his organ can save—"

Nanginginig ang mga labi at puno ng luha ang mga ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "—A-Are you asking m-me to kill my h-husband?!" Hagulgol ko.

"He's already dead without those machines, Corraine. Sumuko na ang katawan niya at hinihintay na lang natin ang kusang pagbitiw niya." Malungkot siyang tumingin sa mga mata ko. "Ang dahilan lang kung bakit nandito pa siya at nahihirapan ay dahil kailangan nating maisalba ang ilang organs niya na inaasahang mai-donate sa mga may pag-asa pang madugtungan ang buhay."

"And no, Corraine. I am not asking you to kill him...I am asking you to set him free...finally..."

Mariin ang pumikit at humikbi. Wala akong pakialam kahit nandito ang kamag-anak ni Daniel kasama na ang mga pinsan niya. Nasasaktan din sila pero pare-parehas kaming walang magawa.

"I'll give you time. Kapag nakapag-desisyon ka na...just let me know."

Umalis na muna ang doktor kasama ilang nurses na kasama. Binibigyan kami nito ng oras na mapag-isa kasama si Daniel.

Humarap ako sa glass wall na naghihiwalay sa aming dalawa ng asawa ko. Pumikit ako at ramdam na ramdam ko ang hapdi at sugat sa puso ko habang nakatitig sa kaniya. Alam kong hirap na siya. Nakikita ko palang ang mga nakadikit na aparattus sa kaniya...unti unti na rin akong namamatay.

"D-Daniel...." Nanghihinang bulalas ako.

Muntik na akong matumba sa panglalambot nang may tumabi sa'kin at inalalayan ako. Saglit kong sinulyapan kung sino ito bago ko muling binalik ang atensiyon kay Daniel na nag-iisa sa loob ng ICU. Hindi ko pa ata kayang pumasok.

"P-Paano ko sasabihin sa a-anak ko...na...." Humikbi ako at nasapo ang buong mukha. "P-Patrick...paano k-ko ipapainti kay M-Maxine...na...iiwan na n-naman siya ng P-Papa niya...." Paano ko sasabihin sa kaniya na hindi na babalik si Daniel! Paano ko sasabihin sa anak ko....saglit pa lang silang nagsasama, eh. At hanggang ngayon sabik pa rin ang anak namin sa kaniya...kaya paano?! Paano ko ipapaliwanag sa anak ko nang hindi nagb-break down sa harapan niya?

"N-Natatakot ako...baka sa pagkakataong ito h-hindi ko na talaga k-kayanin..."

"Maxine n-needs you...." Sabi niya.

Mas lalong nadurog ang puso ko. Humagulhul ako. Ang hirap magpakatatag! Kailangan ako ng anak ko at kahit anong pilit ko sa sarili na maging matibay at tanggapin ang sitwasyon na ito...napakahirap pa rin!

Inalala ko ang mga panahong kasama namin siya. Masaya dahil buo kami at alam kong masaya si Maxine. Matagal siyang nasabik sa ama at nang makasama namin si Daniel...nakita ko kung gaano siya kasaya at kuntento sa buhay na meron kami. Paano ko tatanggalin ang kaligayahang 'yon sa kaniya?

"S-Sorry, Maxine..." Hikbi ko habang mahigpit ang yakap sa kaniya.

Tumawag si Georgia sa'kin kanina dahil hindi raw siya humihinto sa pag-iyak. Gusto niyang makita si Daniel. Nag-aalala at natatakot ito para sa Ama.

Nang kausapin ko siya ay halos magmakaawa na ito sa'kin. Gusto niyang makita si Daniel at ayokong ipagdamot sa kaniya ang pagkakataong makasama ang Papa niya kaya pinayagaan ko itong pumunta rito.

Pumayag naman ang Doctor na pumasok siya sa ICU kasama ko, basta sumunod lamang daw kami sa protocols tulad ng pagsusuot ng ppt at limitadong oras ng pananatili ni Maxine sa loob.

"W-We will be alright, M-Momma. P-Daddy will stay on M-Maxine and Momma's h-heart...f-forever..."

Suminghap ako at nilingon siya. Hinarap niya naman ako at dahil nakaupo lang ako para mapantayan ang tangkad niya, madali niya lamang nasapo ang magkabilang pisngi ko. Halos hindi ako makahinga ng maayos habang nakatingin sa kaawa-awang mukha ng anak ko.

"S-Sabihin ko raw p-po 'yon sa'yo kapag....marami nang m-machine ang nakakabit sa body niya M-Momma..." Humikbi siya. "And S-Sorry daw kasi he can't stay with u-us because M-Maximo needs h-him....p-pupunta na ba sa h-heaven si D-Daddy, Momma?"

Umawang ang labi ko kasabay ng mga sunod sunod na luhang dumaloy pababa sa pisngi ko. Niyakap ko siya at hinaplos sa buhok. "W-Will you let D-Daddy g-go...And be with M-Maximo?" Will you be okay, baby?

Humagulhol siya at yumakap ng mahigpit sa'kin. Hindi niya ako nasagot at tingin ko'y hindi niya na rin kayang magsalita pa sa sobrang iyak niya.

"Shhh...H-Hindi man siya p-pwedeng manatili sa tabi natin...at least in our h-hearts he lives."

Tumango siya at iyak ng iyak lamang sa balikat ko. Ilang minuto rin siyang nanatili sa yakap ko bago siya unti unting kumalas. Ngumiti ako kahit alam kong parehas kaming nahihirapan ngayon. Gusto ko lang ipakita sa kaniya na pwede niya akong sandalan at nandito lang ako na pilit na nagpapakatatag para sa kaniya.

"W-We will be okay...j-just like what D-Daddy said.." Durog na durog ang boses na sinabi ko.

Namula lalo ang mga mata niya at hinarap muli si Daniel. Hinayaan ko lamang siya. She knew. Alam niya na pagkatapos nito...hindi na niya muling makikita ang Daddy niya. How cruel the world is. Napaka-bata pa nang anak ko para maranasan ito. Napakabata niya pa para pilit intindihin ang mga bagay na ito.

Pinagmasdan ko siya nang abutin niya ang kamay ni Daniel. "D-Daddy...I-I love you....p-please tell Maximo that Momma and I love him too..." Hikbi niya.

Niyakap ko na lamang ulit siya.


Malapit na po tayo matapos 🤧

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now