KABANATA 15

185 8 4
                                    

"Are you mad?" Tanong niya matapos ko siyang alalayang humiga sa kama. "S–Sinabi ni Georgia na...alam mo nang...." Napalunok siya.

"We'll talk later. Patutulugin ko lang ang anak mo." Mahinang sabi ko 'tsaka ko siya kinumutan.

Sinulyapan niya naman muna si Maxine bago tumango. "O–Okay..." Malungkot niyang saad.

Tinitigan ko siya. "Rest f–first..." Gumaralgal ang boses ko. Hindi ko naiwasan ang hindi maluha habang nakatitig sa kaniya. Suminghot ako.

"I'm s—sorry..." Inabot niya ang pisngi ko at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha doon. "A—Am I hurting y–you again?" He asked, nababasag na din ang boses niya.

Pigil ang boses kong humagulgol. You're killing me again. Hindi ka pa nga nakakabawi sa nagawa mong pang-iwan noon, tapos may ganito pa. I can't breath. Ang hirap hirap huminga lalo na't napupuno ng takot ang puso ko na baka iwan mo na naman kami—this time, baka hindi ka na bumalik.

Hindi nalang ako sumagot. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at pumikit. Dinama ko ang lambot at gaan no'n na matagal ko na ring hindi nararamdaman. Akala ko hindi ko na mararanasan ang pakiramdam na 'to. 'Yong masaya pero malungkot rin? 'Yong kahit masakit mas pipiliin ko pa ring makasama siya? Parang tulad lang ng dati, his touch, it makes me feel at peace. At the same time, it makes me weak.

"Momma?" Nagmulat lang ako ng mata nang marinig ko ang tawag ni Maxine. Mabilis akong umayos ng tayo at pasimpleng nagpunas ng luha.

"E–Excuse me." Sabi ko kay Daniel bago nilapitan si Maxine.

"Momma, I'm sleepy." Sabi niya.

Tumango ako at nilapitan siya para yakapin. "Yes, baby." Umupo ako sa gilid niya at inalalayan siyang humiga. "Sleep ka na...." Inabot ko ang buhok niya at hinaplos 'yon.

"I love you, Momma." Sabi niya kasabay ng hikab at pagpikit ng mga mata.

Ngumiti ako. "I love you—"

Natigilan ako nang may binulong pa siya. "—I love you, Papa daniel."

Kaagad kong nilingon si Daniel na mukhang narinig rin 'yon. Tumango siya at ngumiti. May iilang butil pa nang luha ang pumatak sa mga mata niya bago siya dumiretsong tumingin sa kisame.

Muling nangilid ang mga luha ko. Am I too selfish? Masyado ko na bang kinukulong ang sarili ko sa nakaraan? Ako na ba mismo ang nagtatanggal ng karapatan ni Maxine na makilala at makasama ang Papa niya?

I'm sorry, baby. Momma's just feel lost. Lost in memories. I feel like...I'm in cage. Cage of past. And still, drowning from the painful memories. I'm sorry for being selfish, baby. I promise, you'll know him soon...as your dad. Just give me time.

"Are you okay?" Tanong ni Georgia pagkatapos kong patulugin si Maxine. Nakatulog na rin si Daniel.

"I'm not, Georgia. I'm confuse, hurt and in deep pain. I don't know what to do...."

"Alam mo kung ano ang dapat mong gawin, Corraine. Alisin mo na ang mga galit mo para malinawan ka na rin." Payo niya. "May mga nagbago ba sa mga desisyon mo? You think...mapapatawad mo na ba siya?" Tanong niya.

I sighed heavily. "Natatakot lang ako, Georgia."

"Anong kinakatakot mo? Nandito na siya, Corraine. Lumalaban siya para sa inyo."

Nag-init ang mga mata ko. "P–Paano kung iwan n–niya ulit k–kami? Georgia, paano kapag sinabi kong m–mahal ko pa s-siya? Paano k–kung baliw na baliw na naman ako sa k–kaniya tapos bigla na naman siyang m—mawala?" Nanginig ang labi ko.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now