KABANATA 19

136 5 1
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nang bahagyang gumalaw ang kama. Nakusot ko nalang ang mga mata bago nilingon si Maxine sa tabi ko, mahimbing naman ang tulog niya. Sunod ko namang hinanap si Daniel na nasa kabilang dulo ng kama, pinagitnaan namin si Maxine.

Dahan dahan akong bumangon nang makitang wala doon ang asawa ko pero bukas ang ilaw sa banyo. Alas dos pa lang ng madaling araw ayon sa alarm clock sa gilid ng kama.

"Daniel?" Mahinang tawag ko sa kaniya. Bukas ang pinto ng banyo kaya pumasok nalang ako pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses. Hindi naman kasi siya sumasagot.

Bumungad sa akin ang malaking salamin at mga gamit namin. Wala siya doon kaya pumunta ako sa shower at binuksan ang curtain. "Daniel?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko nga siya roon. Kinakabahang nilapitan ko siya.

Nakaupo siya sa sahig, basa ng pawis at nakayuko. Habol niya pa ang hininga at para bang may iniinda siya. "H–Hey...." Inangat ko ang mukha niya. Namumutla siya at nanghihina na. "W-What's wrong? May m–masakit ba sa'yo? Tell me. G–Gusto mo bang tawagan ko ang doktor mo? O k–kaya pumunta nalang tayo ng o–ospital?" Natatarantang tanong ko.

Umiling siya at binagsak ang ulo sa leeg ko. Mabilis ko naman siyang niyapos. "A–Are you o–okay?" Wala sa sariling tanong ko. Ofcourse he's not! Siguradong sumumpong na naman ang sakit niya kanina!

"M–Masakit pero mas m–masakit isipin na pwede ko na n–naman kayong iwan.....and this t–time hindi na t–talaga ako makakabalik.." Garalgal at mahinang boses na sabi niya.

Nangilid ang mga luha ko. Masakit sa pakiramdam ang biglang pag-iinit ng mga mata ko. "D–Don't say that! L-Lalaban tayo 'di ba? N–Nangako ka. Hindi mo na ulit k–kami iiwan." Nanginig ang boses ko. "K–Kailangan mong gumaling. Kailangan ka namin ni M–Maxine."

"Mahal na Mahal ko kayo, Asawa ko." Bulong niya bago nawalan ng malay. Marahil ay sa sobrang panghihina niya. Hindi rin kasi biro ang nararamdaman niya sa tuwing sumasakit ang ulo niya. Kulang nalang ipukpok niya ito at basagin. Pagkatapos ay manghihina siya.

Parang nararamdaman ko tuloy ang sakit na nararamdaman niya.

"Uminom ka muna ng gamot." Sabi ko pagkatapos ko siyang balikan dala ang mga gamot niya. Nanatili kami sa loob ng CR, baka raw kasi magising si Maxine. "Sa susunod na sumakit ang ulo mo, gisingin mo 'ko. Paano kung mag-collapse ka? Mas delikado, Daniel."

"Huwag ka nang mag-alala. Normal lang ito. Sanay na ako, Asawa ko." Ngiti niya.

Ngumuso ako. "Kahit kailan ka talaga." Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pawis sa mukha niya. "Asawa mo 'ko kaya dapat alam ko lahat ng nararamdaman mo para madamayan kita. Kung masakit ang ulo mo, sabihin mo sa'kin. Magkasama tayong lalaban 'di ba?" Sabi ko 'tsaka hinubad na rin ang shirt niya. Basang basa na rin kasi ng pawis niya. "Hindi mo na kailangang sarilinin lahat kasi nandito na ako, Daniel."

"Asawa ko," Hinuli niya ang dalawang kamay ko kaya natigilan ako sa pagpupunas sa kaniya. "Salamat....alam ko h–hindi mo pa nakakalimutan ang mga nangyari noon at n–nararamdaman ko na may kaunting galit pa rin diyan sa puso mo p–pero mas pinili mong manatili sa tabi k–ko. Maraming salamat, Asawa ko. W–Wala na akong m–mahihiling pa. S–Sapat na sa'kin na nandito kayo ni Maxine sa tabi ko."

Nanginig ang labi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa niya makita ang pamamasa ng mga mata ko. "M–Magbihis ka na..." Malamig kong utas bago siya iniwan doon.

Nanghihina akong umupo sa kama at tinitigan si Maxine. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang mga hikbi ko.

Tama si Daniel, may kaunting galit at kirot pa rin sa puso ko pero hindi na sa kaniya kung hindi sa mga magulang niya. Napo-poot pa rin ako sa kanila. At hindi ko alam kung kailan ko sila mapapatawad o kung mapapatawad ko pa ba sila.

Nang tuluyan nang nagpakita ang haring araw ay bumaba na rin ako para tulungan si Georgia na maghanda ng almusal. Mahimbing pa ang tulog ng mag-ama nang iwan ko. Mabuti nalang nga't nakatulog ulit si Daniel.

"Good morning!" Bati ko sa kaniya nang maabutan ko siyang gumagawa ng kape.

"Good morning!" Bati niya pabalik.

Ngumisi ako at lumapit sa ref. "Anong almusal natin today?" Tanong ko habang tinitingnan kung kumpleto ba kami sa lahat. Mukhang nabili naman nila Tita ang mga pinasuyo ko.

"Egg, hotdog, sinangag and our favorite tuyo!" Masayang bulalas niya.

Pinabayaan ko na ang ref nang matapos kong tingnan ang mga laman no'n 'tsaka natatawang hinarap si Georgia. "Ang sigla natin ngayon, uh?"

"Of course. Balik bahay na tayo kaya masaya talaga ang unang umaga ko dito!"

"Sabagay," Nagkibit balikat ako at lumapit sa kaniya. Kinuha ko naman ang kapeng ginawa niya para sa'kin. "By the way, bakit hindi ka mag-apply sa school na papasukan ni Maxine? Para naman malapit ka lang sa kaniya at nang magamit mo naman na sa fields ang natapos mo." Education kasi ang course na natapos niya at mula ng grumaduate siya, puros online teaching nalang ang nagiging trabaho niya.

"Pinag-iisipan ko rin 'yan. Tutal hindi ko naman na kailangang mapuyat at hindi na ako masyadong abala dahil wala ka naman nang gig and modeling. I might give it a try."

Ngumiti ako at tinitigan siya. "And mag-asawa ka na rin."

Muntik na niyang maluwa ang iniinom na kape sa sinabi ko. "Corraine!" Asik niya.

Pa-inosente akong tumawa. "What?" Hanggang ngayon hindi niya pa rin gusto ang mga ganitong usapan. Hindi na rin naman kasi siya bumabata, 'no! Syempre gusto ko makitang masaya siya. Gusto kong magmahal na rin siya.

"Ayoko nang usapan na ganiyan." Iling niya bago nagsimulang ilabas ang mga lulutuin.

Ngumuso ako at pinagmasdan siya. "You know what? Ngayon ko lang naisip na kaya baka wala kang lovelife ngayon ay dahil sa'min ni Maxine. Halos ibigay mo na kasi ang buhay mo sa'min. Hindi mo na inisip ang sarili mo."

Bumuntong hininga siya at tiningnan ako. "Huwag ka ngang mag-salita na para bang napag-iiwanan na ako ng panahon. Kung may darating man, edi thank you. Kung wala naman, edi thank you pa rin. Ang importante hindi ako mag-iisa sa pagtanda dahil kasama ko kayo ni Maxine. Hindi ni'yo naman ako iiwan 'di ba?"

"Oo naman..." Lumapit ako at niyakap siya. "Nasanay na kaya akong kasama ka. Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin 'no!"

"Asuuuuus!" Tudyo niya. "Gusto mo lang pala akong yakapin, Nag-drama ka pa riyan!"

Napangiti ako. "Pagbigyan mo na ako. Kailangan ko nang yakap ngayon."

"Osiya. Yumakap ka lang hanggang kailan mo gusto. Ease you worry."

"Thank you, George." Pigil ang tawang bulalas ko.

Tumalim naman ang mga mata niya sa'kin. "Georgia!" At tuluyan na nga akong natawa.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now