KABANATA 27

119 4 1
                                    


"Nakapag-usap na kayo ni Mommy?"

Saglit akong natigilan sa tanong niya. Kaming dalawa lang ang nasa ospital ngayon, umuwi lang saglit ang parents niya. Sila Georgia at Maxine naman ay pinagpahinga ko muna.

"Bakit mo natanong?" Sabi ko habang inaayos ang pagkain niya.

"Nakakapag-usap na kasi kayo kahit papaano nang hindi nagsisigawan."

Tiningnan ko siya. "Wala naman akong choice, Daniel." Sagot ko 'tsaka tumalikod para kumuha ng tubig.

Saglit siyang natahimik. "G–Gusto mo bang sabihan ko silang huwag na munang pumunta rito?"

"Ayos lang, Daniel." Sabi ko at binaba ang baso ng tubig sa foldable bed table niya. "Huwag mo nang isipin ang mga ganyang bagay. Dapat ang pagpapagaling mo lang ang iniisip mo ngayon. Ako na ang bahala sa lahat, okay?" Malambing kong sabi.

He sighed. "Kayong dalawa lang ni Maxine ang gusto kong isipin." Mahinang sabi niya bago yumuko at sinimulang kumain.

Napakurap ako. Ito ang isa sa mga bihirang araw na medyo may lakas siyang mag-salita at igalaw ang katawan. Sa tuwing nakikita ko siyang ganito, mas nangingibabaw talaga sa'kin ang pag-asa. Umaasa ako na mali ang doktor. Na may mali sa mga resulta ng mga tests niya.

Umaasa ako na may matutulong pa ang chemotheraphy sa kaniya.

Nag-iwas ako nang tingin at pasimpleng nagpunas ng luhang nakatakas mula sa mga mata ko. Sa mga nangyayari ngayon, napapansin ko na naging mahina ako. Nagiging mahina na naman ako.

"I see that you're getting stronger, Daniel." Puri nang doktor pagkatapos niyang i-check si Daniel.

"Magaling kasing mag-alaga ang asawa ko, doc." Sagot niya. Ngumiti lang ako.

Nilingon naman ako ng doctor bago ito bumuntong hininga. "Good." Muli niyang binalingan si Daniel. "So, I guess you're ready for your next chemo? Naayos ko na ulit ang schedule mo tulad ng gusto ng asawa mo." Seryosong banggit niya sa talagang sadya niya rito.

Tinitigan ko si Daniel na ilang segundo munang natulala bago nag-salita ulit. "Is it still necessary, doc?" Halos pabulong na niyang tanong.

Napakurap ako. "O-Oo naman..." Ako na ang sumagot. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan. Mapait akong ngumiti. "Paano ka g-gagaling kung titigil natin ang chemo mo?"

"Wala namang magbabago. It's still useless."

Natigilan ako. "Don't say t-that." Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Binitawan ko ang kamay niya at tumayo ng tuwid. Humarap ako sa doktor.

"We are still going to do his chemo." Mariing bulalas ko sa kabila ng panginginig ng labi.

Akma pa siyang tututol nang unahan ko siya. "I don't wanna hear anything negative, Daniel." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "So please...kung wala kang magandang sasabihin just...shut..up."

Wala na kaming kibuan pagkatapos no'n hanggang sa makaalis ang doktor niya. Akala ko kaya hindi na siya nagsalita ay dahil nagtatampo siya o nagalit sa mga sinabi ko, iba pala ang dahilan. Inaantay niya lamang palang makaalis ang doktor niya.

Nang kaming dalawa na lang ay doon na siya nag-salita. He sighed heavily. "C–Can't I just go...home? G-Gusto ko na lang ngayon ay a-ang makasama kayo ni M-Maxine." Pakiusap niya.

"We have a lifetime for that. Makakasama mo rin kami at makakauwi ka lang kapag magaling ka na."

"But...I-I don't have a l-lifetime..." Nanginig ang boses niya. "I'm d-dying—"

"—Shut up!" Singhal ko sa kaniya. "Shut up! Shut up! Shut.up!" Sigaw ko. "I-I don't wanna hear a-anything about you d-dying...." I am devastated, scared and hurting, okay?! Hindi ko na kayang maging kalmado kung ganito ang usapan.

"C—Corraine..." Gulat niyang reaksiyon.

"Why, Daniel?" Nanghihinang bulalas ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "W–Why are you so...h-heartless? Huh?" Tanong ko. "B–Bakit mo 'ko pinapahirapan ng g-ganito? Bakit hanggang ngayon s-sinasaktan mo pa rin a-ako? Why a-are you so s-selfish?! Sarili mo lang ang iniisip mo! H-Hindi mo man l-lang naiisip na masasaktan ako...at s-si Maxine...kapag iniwan mo ulit k-kami!"

"I'm so, so s-sorry..." Yumuko siya. "B-But we need to face it...."

Nakagat ko ang ibabang labi at tumingala. I sighed. "A-Alam kong napapagod ka na. N-Nahihirapan ka na sa sakit mo...p-pero hindi lang naman ikaw ang napapagod at n-nahihirapan. A-Ako rin naman! D-Daniel, kasama m-mo 'ko! Dalawa tayo sa p-problema na 'to p-pero bakit parang ako l-lang ang lumalaban?!"

"B-Because I know...I..I f-feel it..." Tiningnan niya ako sa mga mata. "I-I am d-dying, Corraine. At g-gusto ko...kayo ni M-Maxine ang k-kasama ko sa mga huling s-sandali..."

Umiling ako at humagulhol. "N-No..." Umiling ako. Ayokong mawala ka. Ayokong maiwan ulit.

"I-I'm tired, really tired.." Hikbi niya. "Gusto ko na lang ngayon ay ang bumuo ng mga bagong alaala na pwede kong i-iwan sa inyo ni Maxine. Gusto kong maging masaya kasama kayo. Gusto kong maranasan ang normal at buong pamilya na hindi iniisip ang sakit ko."

"A-Anong gusto mong g-gawin ko?" Hikbi ko. "You w-want me to...watch you...d-die?!" Mariin ko siyang tiningnan. "I-I can't....do that!"

"I-I want you to be s-strong..." He tried to reach me pero lumalayo ako. "P-Please...I only have m-months...a-and I want it m-memorable. I-I want to go Home." He begged.

I can't. "I...I'm scared..." Napatakip ako ng mukha at humagulhol. "I am losing you a-again, right? Like before...but t-this time, I won't be a-able to see you again! And I-I can't let that to happen!"

"C-Corraine...this is my f-fate. Noong magising ako sa coma, inisip ko na pangalawang buhay ko na ito. Na b-baka kaya buhay pa ako ngayon ay p-para maitama ko ang mga m-maling desisyon ko noon. Umalis ako noon dahil akala ko, mas makakabuti 'yon sa inyo...b-but I was wrong. Sinayang ko ang ilang taong hindi kayo nakasama at hindi ko na ulit 'yon uulitin. Hindi ko na sasayangin ang bawat sandali ng buhay ko para lang sa ibang bagay na wala naman nang kasiguraduhan."

Umiling iling ako. "N–No...I c-can't..." Nagmamakaawa ko siyang tiningnan. "P-Please...ituloy natin ang c-chemo..." Hagulgol ko.

Umiling siya at pumikit. "It's too late, Asawa ko. P-Patawarin mo 'ko kung kailangan mong masaktan ng ganito. I love you so much that it hurts leaving you alone...again.." Sabi niya na tuluyang dumurog sa puso ko.

"D-Daniel....."

"I just want you and Maxine. N-Nothing matters to me now...I..j-just want to be with y-you. Is i-it too much to a-ask?"

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now