KABANATA 17

174 10 2
                                    

Friday came.

Naging maayos naman ang naging byahe namin pauwi ng Manila. Sa Airport ay may sumundo sa'min. Si Kuya Mike, Personal driver raw ito ni Daniel.

"Are we gonna visit Maximo today, Momma?" Excited na tanong ni Maxine habang nakadungaw sa bintana. Nasa backseat kaming tatlo, samantalang umupo naman sa tabi ng driver si Georgia.

Ngumiti ako. "Yes, baby." Nilingon ko  si Daniel na tulog pa rin, epekto ng gamot. Sumakit na naman kasi ang ulo niya kanina kaya pinainom ko ng pain killer. "May gusto rin akong ipakilala sa inyong dalawa." Ang Papa ninyo.

"What, Momma?" Muli ko siyang nilingon.

Umiling ako. "Wala, baby." Hinaplos ko ang buhok niya. "Huwag ka munang maingay, ha? Kailangan ni Daniel ng Pahinga." Sabi ko.

Masaya naman siyang tumango. "Okay, Momma."

Malapad na lamang akong ngumiti at hinayaan siyang tumingin tingin sa labas ng bintana. Mula ng umalis kami at tumira sa Cebu ay hindi na ulit kami bumalik rito kaya siguro namamangha pa siya.

I sighed. Ngayon ay rito na ulit kami titira...kasama ang papa niya.

By the way, hindi nga pala sumama si Karen sa'min dahil hindi niya kayang iwan ang nanay at tatay niya. Naiintindihan ko naman kaya binigyan ko na lamang siya ng pera para pampatayo ng negosyo o sari sari store sa kanila nang sa ganon ay may mapagkukunan siya ng pang-gastos sa araw araw. Siya na rin ang pinagbabantay ko ng bahay para kahit papaano ay may kinikita pa siya buwan buwan.

Sila leo at ang mga kasama ko sa runway ay dumalaw naman sa amin kahapon para magpaalam. Hindi pa rin sila makapaniwalang aalis na talaga kami. Pinaliwanag ko na lang na kailangan naming lumuwas para sa chemo ni Daniel. Sinabi ko na sa kanila ang totoo.

Si Jared naman at Sir Anton ay parehong naiintindihan ang desisyon ko. Suportado rin nila ako sa planong ito kaya kahit papaano ay nabawasan ang mga pangamba ko.

Inaalala ko na lamang ngayon ay ang mag-ama ko. Kailangan ko munang hanapan ng skwelahan si Maxine na pwede niyang pasukan bago magsimula ang chemo ni Daniel. Kapag kasi nagsimula na ang gamutan niya ay siguradong magiging abala kami sa hospital. Panatag naman akong nandiyan si Georgia para asikasuhin si Maxine kapag wala kami.

"Una na kami?" Tanong ni Georgia. Hawak niya ang isang kamay ni Maxine na kanina pa excited na puntahan ang kakambal.

Tumango ako. "Oo. Sunod kami paggising niya." Sabi ko.

"Sige." Sagot niya sabay baling kay Maxine. "Tara na, Maxine. Huwag ka masyadong makulit doon kasi baka bumangon ang mga patay." Pananakot niya sa bata.

"Ohmy....okay ninang.." As usual, naniwala na naman ang anak ko.

Naiiling ko na lamang silang sinundan ng tingin. Basta talaga kalokohan, bagay silang magsama.

Pinasama ko na rin si Kuya Mike sa kanila para tumulong sa nagdala ng mga bulaklak. Ako naman ay pinagmasdan si Daniel. Maya maya lang rin ay magigising na ito.

Akmang hahawiin ko ang buhok niya nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko 'yong kinuha sa bag at sinagot. Nilingon ko muna ulit si Daniel.

"Hello..." Sagot ko. Binuksan ko muna ang pinto at lumabas ng kotse para hindi ko siya magising.

"Corraine!" Si Rhea, pinsan ko. Anak siya ng kapatid ni Mama. Nakatira sila sa tabi ng bahay namin. No'ng nakaraan pa 'to excited sa pag-uwi namin, eh. "Ano na? Pumuti na ang buhok ko, wala pa rin kayo! Bilis bilisan ni'yo naman at sabik na rin kaming makita ulit si Maxine!"

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now