KABANATA 07

195 10 0
                                    

Beg

Hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho. Sinabi ko na lamang kay Sir Anton na dito na lamang ako magta-trabaho sa bahay. Buong magdamag akong gising! Namamaga ang mga mata ko at masakit ang ulo sa puyat kaya paniguradong hindi rin ako makakapag-trabaho ng maayos.

Thank goodness, mabait si Sir Anton at naiintindihan niya. Hindi rin naman kasi ako kailangang nasa opisina palagi. Design ko lang naman kasi ang kailangan doon at kahit sa email ko nalang ibigay pero gusto ko rin kasing magtrabaho kasama ang ibang tao.

"Hindi ko na siya nabalikan kagabi kasi nakatulog ako sa tabi ni Maxine. Mabuti nalang at nandiyan ka." Sabi ni Georgia habang nilalabag ang kape ko.

Napairap ako. "Yeah, at nagtampo si Jared dahil hindi ko siya sinipot kagabi." Sarkastikong sagot ko sabay higop sa kape.

"He'll understand, for sure." Aniya.

Hindi na lamang ako kumibo. Yeah right.

"Kamusta na pala siya? Hindi pa ba bumaba ang lagnat niya?" Tanong niya makalipas ng ilang minuto.

"Bumaba naman pero nanghihina pa rin siya. Ilang beses na sumakit ang ulo niya kagabi tapos dumudugo pa ang ilong niya. Are you really sure na normal lang 'yon?" Kuryosong tanong ko. Nakailang pain reliever na rin siya. Ayoko na nga sanang bigyan dahil hindi rin naman nakakabuti ang ganoong gamot kaya lang hindi ko naman matiis na namimilipit siya sa sakit.

"Normal lang 'yon, Corraine." Sabi niya sabay baba ng tray sa harapan ko. Nilagyan niya 'yon ng bowl na may lugaw at baso ng tubig. Dinagdagan niya pa ng kape, in case daw na gustong uminom ni Daniel. "Sige na, pakainin mo na 'yong pasyente mo." Seryosong utos niya.

Napasimangot ako. "Ikaw nalang kaya?" Buntong hininga ko. Mabuti na lang at nakapag-shower na ako at nakapag-bihis. Mukhang balak akong gawing nurse ni Georgia ngayong araw. Dapat yata pumasok nalang ako?

Napairap siya. "Magluluto pa ako at aasikasuhin si Maxine. Kaya mo na 'yan.."

Napahilamos na lamang ako ng mukha at wala nang nagawa kundi ang kunin ang tray. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na 'to?! Unang una, hindi ko ginustong tumira siya rito! At pangalawa hindi ko pinangarap na maging nurse niya, 'no!

Bakit kasi nagkaroon pa ako ng konsensiya at awa? At bakit hindi pa 'to binabalikan dito gayong may sakit naman pala! Hindi ako naniniwalang hahayaan ni Donya Esmeralda at ni Don Havier ang anak nila rito dahil lang sa may emergency sila! Dati rati kulang nalang putulin nila ang mga paa ni Daniel hindi lang makalapit sa akin. Tapos ngayon parang pinabayaan na talaga nila dito!

Napapikit ako sa sobrang inis. Kulang nalang ipukpok ko ang ulo sa pader lalo na nang maalala ko kung paano ako umaktong parang ulirang asawa buong magdamag sa kaniya. Isa kang malaking tanga at gaga, Corraine!

Tapos dumagdag pa ngayong umaga? Ala-singko na nang makalabas ako sa kwarto niya para makapag-shower at makapag-bihis. Akala ko pagkatapos non pwede na akong magpahinga at kutusan ang sarili buong araw pero ang bruhang Georgia mukhang gustong gustong i-torture ako!

Naabutan kong hindi masyadong nakasara ang pinto ng kwarto niya. Kumunot ang noo ko at inalala kung hindi ko ba 'yon nasara ng maayos kanina? Haist! Sumakit lang lalo ang ulo ko.

Tinulak ko na lamang 'yon gamit ang paa ko at dire-diretsong pumasok. Agad na lumipad ang mga mata ko sa kaniya.

What the....

Muntik ko nang mabitawan ang tray sa gulat nang makitang hindi siya nag-iisa. Gising na ang loko at prenteng naka-sandal sa headboard ng kama niya habang matamang pinagmamasdan si Maxine! Sa sobrang gulat ko ay hindi pa ako agad nakapag-react. Nahimasmasan lang ako nang marinig ang tawa ni Maxine sa gitna ng pagku-kwento niya.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now