KABANATA 11

176 10 2
                                    

I can't

"This way, Ma'am.."
May isang waiter ang lumapit para ituro ang naka-reserve na table para sa amin.

"Thank you," Sabi ko rito pagkatapos niya kaming mahatid sa tamang lamesa namin.

"Welcome, Ma'am." Nakangiting sabi niya bago umalis.

May ibang waiter naman ang lumapit para kunin ang order namin. "Good evening." Bati nito sa table namin.

Binigyan niya kami ng tig-isang Menu. Binaba ko lang sa lamesa ang sa 'kin at hinayaang sila Georgia na lamang ang mag-order. Tahimik naman si Maxine at aliw na nakadungaw sa harapan, kung nasaan ang grupo ng isang banda. Nagsi-set up palang sila kaya wala pa ang mga makukulay na ilaw at medyo maliwanag pa.

Ngumiti ako at inabot ang buhok niya para haplusin. "Gusto mo bang mag-request ng song mamaya?" Malambing kong tanong.

Masaya naman siyang tumango. "Opo momma!"

"Alright, baby..."

Nag-angat ako nang tingin sa taong katabi niya. Kumalabog na naman ang puso ko nang mahuli ko ang mga mata niyang nakatingin din pala sa'min. Para itong manghang mangha na nakatingin sa'min.

"B-Bakit?" Kinunot ko ang noo.

Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Naisip ko lang na andami ko palang namiss..."

Sumimangot ako. "Kasalanan mo." Irap ko sabay ayos ng upo.

Mabilis namang dumating ang mga pagkain namin. Saktong sakto nga dahil lumitaw na ang mga makukulay na ilaw. Medyo madilim na kaya sinindahan na rin ng waiter ang malaking kandila sa gitna ng table namin bago ito umalis.

"I miss this!" Komento ni Georgia.

"Ako rin. Remember the last time we went here? Sobra kang nalasing at nasukahan mo si Jared!" Natawa ako.

Napangiwi naman siya. "Ayoko nang maalala 'yan! Isang buwan niya akong hindi kinibo!"

Humagikhik ako. Akmang bibigyan ko na ng pagkain si Maxine nang maunahan na ako ni Daniel. Napatingin ako sa kaniya. Seryosong seryoso siya sa pag-aasikaso sa bata. Malungkot akong lumingon kay Georgia na nakamasid lang din sa 'min.

Kung iba lang siguro ang sitwasyon ngayon. At kung mababalik lang ang mga nawala sa'kin...baka madali para sa'kin ang tanggapin ka ulit.

Tahimik na lamang akong kumain habang pasulyap-sulyap sa mag-ama na mukhang parehong nag-eenjoy sa pagkain at sa banda. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Maxine. Sa sandaling panahon ay naging malapit na siya kay Daniel, ni hindi niya pa nga alam na ito ang Papa niya. Napabuntong hininga ako at nagbaba ng tingin sa plato. Maximo, iniiwasan ko lang na masaktan ang kambal mo. Ayoko lang na pati siya'y mawala sa'kin. Natatakot lang ako, baby. At nahihirapan din na sa tuwing nakikita ko ang Papa mo, naaalala ko lang na isa siya sa dahilan kung bakit ka nawala sa'kin.

"Excuse me, Ma'am. Wine for the VIP's po." Tiningnan ko ang waiter na lumapit sa table namin. May bitbit itong bote ng wine na nasa loob ng Ice bucket at tatlong wineglass. Meron ding Special avocado shake para kay Maxine. Paborito ito ni Maxine kaya tuwang tuwa ang baby ko nang iabot 'yon sa kaniya.

"Thank you." Ngiti ko sa waiter pagkatapos nitong salinan ang mga wineglass namin.

Tumango lamang ito at ngumiti. Tumutugtog na ang banda sa harap at tumatanggap ng mga song request kaya kahit intimate ang tema ng lugar, hindi pa rin maiwasan ang hiyawan at tawanan ng mga nage-enjoy na customer.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now