EPILOGUE

188 12 2
                                    

Hi! Wow, umabot ka hanggang dito! 🤧 Thank you so much! Nakakataba ng puso ang mga comment ninyo and yes, nababasa ko ang iba hehe hindi ko lang po mareplyan kasi hindi ko alam kung anong ire-respond ko. I'll try my best to reply nalang po in a form of emojis ☺️

I love you! Here's the epilogue ❤️ Our finale 🙏


Pumikit ako at niyakap siya ng mas mahigpit. Naramdaman ko ang malakas na hampas ng hangin sa mukha ko at ang ingay ng mga alon sa dagat.

Papalubog na ang araw at nagdesisyon ako na isama siya. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata at mas hinigpitan ang yakap sa lalaking pinakamamahal ko.

Hindi biro ang mga pinagdaanan niya pero dahil sa'min....para sa'min...lumaban siya. Kahit hirap na hirap na siya, patuloy pa rin siyang lumalaban, para sa'min.

"You are home, Daniel. Finally." In my heart. Bulong ko sa nanginginig na boses. Humikbi ako.

Tumingin ako payapang dagat habang mahigpit pa rin ang yakap sa kaniya. Natuloy kami sa planong pupunta sa Isla ng pinsan niya, syempre kasama pa rin siya. Siya rin naman ang dahilan nito. Itinuloy namin ito para sa kaniya.

Maraming nagmamahal kay Daniel at lahat sila ipinakita at pinaramdam na tanggap kami ni Maxine. Malayo ito sa magulong pamilya na naiimagine ko para sa'ming mag-ina. Hindi ko akalain na iyong mga taong naging dahilan ng dusa ko noon ay siyang magiging lakas ko ngayon.

Umalis si Daniel noon pero bumalik naman siya para bigyan kami ng pamilya ni Maxine. Bumalik siya para siguraduhing magiging maayos kami at kung mawala siya, may magmamahal sa'min bukod sa kaniya.

"Momma!"

Nagpunas ako ng luha at nginitian si Maxine nang kawayan niya ako. Kasama niya ang mga pinsan niya at sinubukang makipaglaro sa mga ito. Minsan ay nakikipag-habulan sila sa mga matatanda at masayang tumatawa. Natutuwa ako na kahit papaano, sinusubukan rin ng anak kong maging masaya sa kabila ng mga nangyari.

"Lalaki siyang maganda, mabait at malakas na babae....tulad mo. Palalakihin ko siya sa paraang gusto mo. Aalagaan ko siya kung paano mo kami alagaan. At po-protektahan ko siya tulad ng pagpo-protekta mo sa kaniya. She will be love by many, Daniel. Dahil sa'yo.....hindi mag-iisa ang anak natin." Yumuko ako at humagulhol. Nawala na sa'kin ang atensiyon ni Maxine kaya naputol na ang pagpipigil ko. "Ito ang gusto mo 'di ba?" Bulong ko sa kaniya. Pumikit ako at mas lalo siyang kinulang sa bisig ko. "Gusto mo kasama namin sila. Gusto mong alagaan namin ang isa't isa. You see....we can do anything for you too. Dahil sa'yo nandito kami at magkasama. Para sa'yo....aalagaan namin ang isa't isa."

"Daniel, hinding hindi kita bibitawan. Kakapit ako tulad ng pagkapit mo. Hindi ako mawawala sa'yo at hindi ka mawawala sa'kin. Mahal na mahal kita at ang tanging hiling ko lang ay ang makasama ka."

"Someday, my love, we will meet again." Nagtaas ako ng tingin sa kalangitan. "But for now.....I have to let you go....just like how...I let our Maximo go and...rest."

I love you, both.

Pumikit ako.

"Till we meet again." Bulong ko at muling niyakap ng mahigpit ang URN kung na saan ang mga abo niya.

Nanginig lalo ang mga labi ko. Ang sakit isipin na ito na lamang ang tanging mayayakap ko. Hindi ko na mararamdaman ang init ng mga yakap niya at hindi ko na maririnig ang boses niya.

Pero unti unti....natatanggap ko rin. He needs to rest. He fought so hard...for so long and he suffered enough. Daniel sacrifice a lot for us. At ang tanging masusukli ko lamang sa kaniya ay pagtanggap ko at ang manatiling matatag para sa anak namin.

"I love you so much, Asawa ko."

Pumikit akong muli nang maramdaman ko ang malambing na haplos ng hangin. Para akong niyayakap nito. Parang pinaparamdam niya na kaisa niya ang hangin para sabihing magiging maayos din ang lahat. This is his way to comfort me kahit wala na siya.

I will remember everything. All about him. Ang mapupungay niyang mga mata na para bang maraming gustong sabihin sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa. At ang mga ngiti niya sa labi sa tuwing masaya siya.

Hindi ko makakalimutan lahat, Daniel. Hindi ko makakalimutan kung paano mo kami minahal. Kung paano mo ako minahal sa kung ano at meron ako. Ikaw lang ang tanging lalaking nagparamdam na espesyal ako, na pwede akong mahalin.

Habang yakap yakap ang URN niya. Tumingala ako sa kalangitan, kung saan alam kong nakadungaw silang dalawa ni Maximo.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa......"

Lagi ninyo kaming bantayan ni Maxine. Hindi ko kayang mag-isa ito. Natatakot ako na baka sa sobrang lungkot...makalimutan ko na kailangan ako ni Maxine. Nanikip lalo ang dibdib ko. "Pero...alam ko...parati kayong nandiyan. Tulungan ninyo akong malampasan ito...para..." Muli kong tinanaw si Maxine. "..sa kaniya..."

"Magiging mahirap ito para sa aming dalawa...pero para sa natitirang anghel ko...pipilitin kong mabuhay hanggang sa kailanganin niya ako..."

For now, I will keep all the good memories in my heart, and with that...I will never be lost in our memories again.

"Fly high, my love with our Maximo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now