KABANATA 06

237 11 0
                                    

Endure

"I'm really sorry, Corraine."

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa paanan ng kama. Nanatili lang akong nakahiga at pinakikiramdaman siya.

"Hindi ko lang kasi mapigilang tulungan siya lalo na noong malaman ko ang sakit niya. Pakiramdam ko kasi may magagawa akong paraan para matulungan ang mama ko. Nababawasan iyong guilt ko sa tuwing nakakatulong ako sa mga may brain tumor, alam mo naman 'yon 'di ba? Sana huwag mong isipin na tinatalikuran ko kayo ni Maxine." Paliwanag niya sa mahinang boses.

Napapikit ako at bumuntong hininga. Umayos ako ng upo at tinitigan siya. "Sorry. Nakalimutan ko na brain tumor pala ang ikinamatay ni tita." Malungkot kong simula. "Naging selfish ako at self-centered. Sariling problema ko lang ang iniisip ko at nakalimutan ko 'yong sa'yo."

"Ganoon din naman ako, Corraine." Inabot niya ang kamay ko. "Sorry kung hindi ko naisip ang nararamdaman mo noong dinala ko siya rito. Nakikita ko kasi sa kaniya si mama," Bumuntong hininga siya. "Ganoon din kasi siya noon. Nagmamakaawa na patawarin ko siya hanggang sa tuluyan nang sumuko ang katawan niya. Naging huli na sa amin ang lahat, Corraine. At natatakot ako na baka maramdaman mo rin itong nararamdaman ko." Tumulo ang luha ko. Mabilis ko naman itong pinunasan.

"A-Anong gusto mong gawin ko?" Garalgal ang boses kong tanong.

Malungkot siyang ngumiti. "Noon, galit na galit ako sa kaniya at sa pamilya niya. Hindi ako makapaniwalang may mga taong kayang gawin iyon sa inyo. Kinamuhian ko na rin sila tulad ng pagkamuhi ko sa mama ko." Namula ang mga mata niya kasabay ng pangingilid ng mga luha. "Hindi pala maganda ang sobra sobrang galit, Corraine. Noong mamatay si mama, na-realize ko na hindi ko man lang inalam kung bakit niya ako iniwan noon. Sarili ko lamang ang pinapakinggan ko hanggang sa huli na ang lahat para sa aming dalawa. May magandang rason siya, Corraine. At dahil sa magandang rason na 'yon, nakilala ko kayo at naging maayos ang buhay ko. Inalagaan ko ang galit ko sa kaniya. Hindi ko naisip na nahirapan din siya tulad ko. Sobra sobra akong nagsisisi...." Naiyak na siya sa harapan ko. "A-Ayokong maramdaman mo itong naramdaman ko. N-Natatakot ako na baka m-matulad ka sa akin. Corraine," Seryoso at naluluhang pinagmasdan niya. "Try to give him a chance. Just...try," Hindi na ako nakapag-salita dahil tuluyan na nga siyang nag-break down.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaang mailabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Naalala ko na pinaalalahanan pala ako ng psychiatrist niya na, manatili sa tabi niya at damayan siya sa panahong nagkakaroon siya ng matinding break down, tulad ngayon.

Parati akong nasa tabi niya kahit hindi sabihin ng doctor. Kaming dalawa lang ni georgia ang nakakaintindi sa isa't isa. Kadamay namin ang isa't isa sa lahat ng problema. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan kaya hindi ko rin siya pababayaan.

I called Karen. Sinabihan ko ito na sumabay na lamang sa school bus dahil hindi ko sila masusundo ngayon. Alam kong magtatampo si Maxine kaya tumawag ako ulit sa kanila noong oras na ng dismissal. Kinausap ko siya ng maayos at tiniyak na maiintindihan niya.

Hindi ko sinabi ang mga bagay na hindi dapat malaman ng bata. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ng Ninang Georgia niya at kailangan kong alagaan. Naintindihan niya naman na valid ang reason ko kaya hindi ko siya masusundo.

"Oh shit!" Nilapitan ko si Georgia nang magising ito at sapo agad ang ulo.

"Are you okay?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang baso ng tubig sa bedside table. Nandoon din ang gamot na iniinom niya. "Inom ka muna ng gamot." Malumanay kong sambit.

Sinunod naman niya agad ako. "Anong nangyari?" Tanong niya pagkatapos ininom ang gamot.

Kinuha ko ang baso sa kamay niya at binaba iyon sa table. "You fainted." Ngumiti ako. "Okay kana ba?"

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now