KABANATA 30

131 3 4
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong bumangon siya. Dahan dahan naman akong umupo at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya ng banyo.

I sighed heavily at nilingon ang alarm clock sa gilid para tingnan ang oras. 3 am. Dalawang linggo na rin kaming ganito. Kapag pumapatak ang alas-tres, nagigising siya at ilang minutong magkukulong sa banyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya doon dahil ayaw niyang makita ko pero naririnig ko siya. Naririnig ko ang pagsusuka niya at ang madalas na pag-inda niya sa sakit na nararamdaman tulad na lamang ngayon.

Gusto ko siyang puntahan at damayan pero alam kong hindi niya magugustuhan na nasa tabi ako kapag ganitong nahihirapan siya. Ayaw niyang nakikita kong nasasaktan siya at nahihirapan. Ayaw niya raw na nakikita ang hirap at takot sa mga mata ko. Mas lalo lang daw siyang nahihirapan, so I stayed in bed always.

I sighed heavily again. Sumandal ako sa headboard ng kama at pumikit habang nag-aantay sa kaniya. These were also one of the moment when I can't do anything for him. I can't help him take away all his pain. And I feel useless. Hindi ko siya matulungang alisin 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon dahil maski ang mga gamot na iniinom niya ay hindi na rin umeepekto sa kaniya. Hindi na siya natutulungan ng mga gamot. 'Yong mga painkillers at mga nireseta ng doctor ay hindi na tumatalab sa kaniya. And I know it's really getting worsts.

"H-Hey..." Nagmulat ako ng mata nang umupo siya sa tabi ko. He smiled at me at inabot ang ilang takas ng buhok ko at inipit sa likod ng tainga. "Did I w-wake you up a-again?" Malambing niyang tanong.

Tinitigan ko siya. I see no pain in his eyes. Pagod na lang ang nakikita ko sa mga mata niya. He's getting weaker. Pumapayat na rin siya dahil madalas wala na siyang ganang kumain.

"Asawa ko, y-you okay?" Tanong niya nang hindi ako sumagot. Naamoy ko ang pamilyar na shampoo na gamit niya at medyo basa rin ang buhok niya. He looks fresh. Parang hindi siya nagising sa iniindang sakit ng ulo.

Napakurap ako at tumango. "I'm fine." Matipid akong ngumiti at lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang maliit na towel na nasa leeg niya at marahan siyang pinunasan sa buhok. "Dalawang linggo ka nang nagigising ng ganito..."

"You don't have to worry about it. Saglit lang naman pagkatapos ay maayos na rin ako." Aniya.

I worry a lot. "Let's visit your doctor later, okay?" Sabi ko na lang. I really can't help but to worry about him, always.

"O-Okay...." Sagot niya.

Ngumiti ako at natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Binaba niya 'yon at kinuha ang towel sa kamay ko. Tinabi niya na 'yon. "Why? Hindi pa ako tapos..."

"I have s-something for you. Wait," kumunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin nang abutin niya ang bed side table. Binuksan niya ang maliit na kabinet roon at may nilabas na itim na box, hindi ko alam na may ganoong box doon.

"Ano 'yan?" Takang tanong ko.

Ngumiti siya at bumalik sa harapan ko. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos sa ring finger. Nagbaba ako ng tingin doon nang maramdaman kong may sinusuot siya sa daliri ko. Napalunok ako at namasa ang mga mata.

"B-Bakit...." Nanginig ang labi ko habang nakatitig sa singsing na sinuot niya sa'min.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya. Hinalikan niya ang singsing. "M-Matagal na kitang gustong bigyan ng singsing. Noong kinasal tayo, simpleng singsing lang ang nabigay ko. P-Pakiramdam ko hindi sapat na simpleng singsing lang ang ibigay ko sa kabila ng mga ginawa mo para sa pamilya n-natin. Gusto ko ibigay sa'yo lahat hanggat kaya ko pa. You deserve this ring, Asawa ko. I want to give you everything...""

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon