KABANATA 14

164 10 2
                                    

"Explain, Georgia." Mariing tanong ko.

Nakatulog na ulit si Maxine nang magising ako sa malapad na sofa. Si Daniel naman ay tulog pa rin at nanghihina pa.

"I'm sorry, Corraine." Mabigat na bumuntong hininga si Georgia. "Ayaw na kasi sanang ipaalam ni Daniel ang tungkol sa—"

"—Why?! Magugulat na lang b–ba ako na isang araw p—patay na siya? So, bakit pa siya bumalik? Para mas gawing m–miserable ang buhay ko?Georgia, N–Ni hindi ko pa nga siya n–napapatawad!" Nangilid ang mga luha ko. "A–Akala ko...gagaling pa siya...h–hindi ko naman alam na g-ganito na pala...."

"S–Sorry talaga, Corraine." Suminghap siya. "Gusto niya lang naman kayo makasama. Gusto niyang bumawi sa ginawa niya noon. And," Inabot niya ang nanginginig kong kamay. "Your forgiveness is his only—death wish."

Umawang lang ang labi ko. Akala ko wala nang mas sasakit sa pag-iwan niya sa'min noon. May mas malala pa pala.

Tuloy tuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Naninikip na naman ang dibdib ko. Kailangan ko pang kagatin ang gilid ng kamay ko para hindi makalikha ng ingay ang mga hagulgol ko. Diyos ko po...ni hindi ko pa nga nasasabi kay Maxine na si Daniel ang daddy niya.

"S–Sorry talaga, Corraine. P–Pinatuloy ko lang siya sa b–buhay natin ngayon dahil a–ayokong may p–pagsisihan ka sa h–huli. G–Gusto kong maging m–masaya kayo at...buo."

Hindi na ako nakapag-salita. Iyak lang ako ng iyak at halos hindi na rin makahinga. Sobrang bigat ng puso ko. Ni hindi pa nga ako nakakahinga sa nangyari noon, may isa pang mabigat na problemang dumagan.

Nilingon ko si Daniel. Huwag mo kaming iiwan ngayon. Hindi pa kita napapatawad sa pagtalikod mo noon. This is your last chance. Kapag nawala ka pa, hindi na talaga kita mapapatawad.

Please...lumaban ka pa.

"W–Wala na po ba t–talagang paraan?" Pagmamakaawa ko sa doktor. Nasa opisina niya ako ngayon at kanina pa pinapakinggan ang mga paliwanag niya. Maayos naman ang paliwanag niya pero wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon. Ang gulo gulo pa ng isipan ko.

"Misis, I told you. Only miracle can save him. 'Yong mga cancer cells niya ay unti unti nang kumakalat. Its getting worse and even medicines can't prevent the spreading of the cancer cells. Also, the tumor was–"

Pinalo ko ang mesa niya. "—Bullsht! Doktor ka 'di ba?! You must save him! You must give us hope! Sino ba kayo para bigyan ng taning ang isang tao?!"

"Calm down, Misis. We're just doing our job. Sinasabi lang namin kung ano ang resulta ng mga tests."

Nagtaas baba ang dibdib ko. "I–I can't believe this..." Napahilamos ako ng mukha sa sobrang frustration. "Malakas si Daniel. Mabubuhay pa siya kung hahayaan ninyo. Hindi siya pwedeng mamatay, doc." Umiling iling ako at inis na nagpunas ng luha.

"I am—" Naputol ang sasabihin niya nang may isang beses na kumatok, kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto.

Sabay kaming bumaling kay Georgia nang lampasan nito ang nurse na nagbukas ng pinto. Mabilis siyang lumapit sa'kin.

"Nandito ang parents ni Daniel!"

Mas lalo akong nanlumo. Hindi pa nga ako nakakahinga sa mga nalaman ko, sumabay pa 'to. Mariin akong pumikit.

"Nasa loob po ang anak ko. Kung gusto ninyong makita si Daniel, ilalabas na lang namin siya. But, maybe, not now. Nanghihina pa siya." Seryosong sabi ko.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa. "Papasok muna ako." Bulong ni Georgia. Tumango lang ako at hinayaan siyang gawin ang sinabi.

"No need, Iha. Nakausap na namin siya sa telepono no'ng isang araw. And  he's very angry....uh, gusto lang namin sana siyang kamustahin sayo? And Maxine? H–How is she?" Tanong ng Mommy ni Daniel.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now