KABANATA 20

140 7 1
                                    

MABILIS tumakbo ang oras mula nang unang araw ng chemo ni Daniel. Mula no'n ay nag-simula na siyang manghina, na expected naman namin dahil nabalaan na kami ng doktor noon. Hindi ko nga lang maiwasan minsan ang maawa sa kaniya. Nakikita ko kasing hirap na siya. Pinipilit niya lang talaga ang sarili niya para sa'min.

"Magluluto na ako ng lunch natin, may gusto ka ba?" Tanong ko sa kaniya nang alalayan ko siya paupo sa isang high chair sa kitchen. May malaking sandalan 'yon para mas maging kumportable siya.

"Kahit ano na lang, asawa ko." Mahinang sagot niya habang sinusuklay ang buhok gamit ang isang kamay, natitigilan pa siya kapag may ilang hiblang nalalagas sa kaniya.

Bumuntong hininga ako at pinigilan siya sa ginagawa. "Huwag mong pansinin 'yan. Hindi ka pa naman naka-kalbo." Malumanay kong sabi. "Alam mo ba sabi ng doktor, malaki daw ang tyansa nating manalo sa sakit mo. Basta tuloy tuloy lang daw tayo sa treatment. Nakikita ko namang effective ang chemo mo kaya hindi magtatagal gagaling ka na rin." Ngumiti ako at lumapit sa ref para kumuha ng karne at ilang gulay roon. "Kaya dapat wala tayong palalampasin sa mga chemo session mo kasi—"

"—Don't hope too much..." Putol niya sa mga sinasabi ko.

Ilang saglit akong natigilan at natulala sa kung anong laman ng ref. Ni hindi ko na nga alintana ang lamig na binubuga nito. Nakagat ko ang ibabang labi bago huminga ng malalim.

Pinilit kong ngumiti bago humarap sa kaniya. "Why? 'Yon nalang nga ang meron tayo, aalisin mo pa?"

"Ayokong mas masaktan pa kayo sa magiging resulta nito...."

"Handa naman kami..." Sabi ko 'tsaka siya tinalikuran. Nag-init ang mga mata ko pero hindi ko na hinayaang may tumulo na namang luha sa'kin. Mahirap pero kinakaya ko naman. "Ano man ang maging resulta ng lahat ng ito ay matatanggap ko, Daniel. Ang mahalaga lumaban ako....kaya sana ikaw rin. Just fight and stay with us. That's all I ask."

"ANONG ginagawa mo dito, Corraine?" Tanong niya nang lapitan ako.

Pumunta ako sa hospital na pinagta-trabahuan niya at hinintay ang break niya. Ilang araw na niya akong iniiwasan kaya naisipan kong personal siyang puntahan sa trabaho.

"Galit ka pa rin? Hanggang kailan mo ba ako titiisin?" Tanong ko sa kaniya.

Tinitigan niya muna ako bago bumuntong hininga. "Hindi na ako galit." Umupo siya sa tabi ko. Nandito  pala kami sa garden ng hospital. "Nagtatampo nalang kasi parang wala kang pakealam sa nararamdaman ko." Aniya.

"Hindi naman sa gano'n." Nilingon ko siya. "Naisip rin naman kita...kayo nila Tita at Tito...pero kailangan kasi ako ni Daniel. He's very sick, Rhea. Please understand...."

Ilang segundo siyang hindi kumibo kaya gano'n din ang ginawa ko. "How sick?" Mahinang tanong niya.

"S—Stage 4..." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. "Brain c–cancer.." Napayuko ako.

"He's paying big time, Huh?" Mahinang sabi niya. Really big time. Nangilid ang mga luha ko.

"H-He suffered too....." Gumaralgal ang boses ko. Nahirapan rin naman siya...at naging mag-isa.

"I see......"

Mariin akong pumikit para itulak ang mga nagbabadyang luha ko pero may nakatakas pa rin. Mabilis ko 'yong pinunasan.

Ilang minuto rin kaming nanatili roon at kapwa tahimik. Pinapanuod nalang namin ang mga pasyente at nurse na naglalakad lakad. Nakikiramdam sa paligid at siguro maging sa isa isa na rin.

Naging payapa ang pakiramdam ko. Mas gumaan na kesa noong hindi kami nakakapag-usap ng ganito kahinahon.

"Patapos na break ko..." Maya maya'y putol niya sa katahimikan.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang tumayo na siya at naghahandang umalis. "Sorry hindi ka nakapag-pahinga dahil sa'kin." Sabi ko.

Nagkibit balikat lang siya. "Anong ulam ninyo mamaya?"

"H–Ha?" No'ng una ay hindi ko pa agad na-gets pero kalaunan ay napangiti na lamang ako. "Magluluto kami ng sinigang na hipon mamaya. Anong oras out mo?"

Tumango siya. "Bago dinner nasa bahay mo na ako." Siguradong sabi niya. Tumingin siya sa relong pambisig. "Osige na. Kailangan ko nang bumalik." Aniya bago ako tinalikuran.

Napuno ng galak ang puso ko. Tumayo ako at pinanood siya. "Rhea!" Tawag ko sa kaniya. Tumigil naman siya at tiningnan ako. "Thank you..." I mouthed.

Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Ako naman ay muling naupo, magaan na ang pakiramdam at masaya. Naluha ako sa galak.

"Kamusta?" Tanong ni Georgia pag-uwi ko. "Galit pa rin ba sa universe?"

Ngumiti ako at umiling. "Okay na kami. Dito nga siya kakain ng dinner mamaya, eh." Masayang balita ko.

Ngumisi naman si Georgia. "Mabuti naman. Siya nga pala, tumawag sila Sandy kanina, nangangamusta."

Umupo ako sa maliit na sofa. "Oo nga pala. Nagsabi nga pala akong makikipagkita sa kanila dito sa Manila."

"Gusto raw sana nilang pumunta kaso baka hindi ka kumportable kaya inaantay nila tawag mo. Sinabihan ko naman na pwede silang dumalaw sa ospital habang nasa chemo si Daniel." Aniya.

Tumango ako. "Nakalimutan ko rin silang tawagan. Tatawagan ko nalang si Sandy mamaya."

Tinitigan ako ni Georgia. "Kaya mo na ba silang harapin lahat? Lalo na ang parents ni Daniel?" Alalang tanong niya.

I sighed heavily. "Sa totoo lang, Georgia. Ayoko naman na sanang magkaroon ng koneksiyon sa kanila...pero kailangan sila ni Daniel. Lalo na ngayon." Sumandal ako sa sofa at pumikit. "I can endure, Georgia. Kaya kong pakitunguhan ng maayos at magaan ang mga pinsan ni Daniel dahil wala naman talaga silang kasalanan sa'kin, nadamay lang sila sa galit ko noon." I can face them without hurting or remembering the past. "Ang hindi ko lang sigurado ngayon ay kung paano ko haharapin ang Mommy't Daddy niya ng hindi ako nagliliyab sa galit." I gritted my teeth. "Just by thinking of them, my heart roar like a tiger." Nagagalit pa rin ako. Sila na lamang ang nagpapaalala sa'kin na nawala ng sabay ang mama ko at si Maximo!

"Kung hindi mo pa kaya....pwede mo namang sabihin kay sandy para hindi sila magpakita sa inyo."

Umiling ako. "No, Georgia. I can't." Malungkot ko siyang tinitigan. "Hindi ko na pwedeng isipin lang ang sarili ko. Kailangan sila ni Daniel. At ayokong ipagkait sa Anak ko na makilala kung saan nagmula ang Papa niya. Gagawin ko 'to para sa mag-ama ko." Mapait akong ngumiti.

Nangako ako noon na hindi na ako ulit magkakaroon ng koneksiyon sa pamilya nila at hindi ko sila mapapatawad, lalo na si Daniel. Nilayo ko ang anak ko sa kanila para protektahan siya. Ginawa ko ang lahat para makalimot. Ginawa ko ang lahat para hindi na maranasan ang sakit na naranasan ko noon...pero iba na ngayon. Nag-iba na ang mga plano ko. Mas kailangan kong isipin si Daniel. Kailangan kong isantabi ang totoong nararamdaman ko para mabuhay siya.

Lahat gagawin ko, mabuhay lang siya.

Kahit ano.

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon