SIMULA

713 17 1
                                    

Hello😍
Isang kwento na naman ang ihahandog sa inyo ng pamilyang laxamana.

AKALA ko kapag sabay kaming lumaban ay kakayanin namin. Akala ko sapat na ang pagmamahal niya para manatili sa tabi ko, but i was wrong. Nasa kalagitnaan palang kami ng pagsubok ay sumuko na siya, at ang mas masakit pa rito ay nag-iwan siya ng isang di malilimutan at napakasakit na alaala.

Napapikit na lamang ako nang muling nanariwa sa aking memorya ang huling alaala ko sa kaniya.

"Iiwan mo kami...dahil hindi mo na kaya?" Tanong ko habang matamang nakatingin sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy sa pageempake. "Hinahanap nila tayo at lahat ng ginagawa natin para mabuhay ay hinahadlangan nila. Ayokong pare-parehas tayong mamamatay dito sa gutom. Iniisip ko lang kayo ng anak natin. Kapag bumalik ako doon ay pwede pa akong makapag-padala ng pera sa inyo." Katwiran niya na kahit ang makitid na utak ay hindi maiintindihan.

"A-Akala ko ba k-kakayanin nating dalawa basta m-magkasama tayo? Bakit ka nang-iiwan ngayon?" Nanginginig ang mga labi ko.

"Intindihin mo naman lahat ng sinasabi ko! Hindi lang naman ito para sa 'kin eh! Para din 'to sa inyo!" Sabi niya na para bang ako na lamang ang nagpapahirap sa buhay niya.

Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa kaniya. Sapo sapo ko ang mabigat at malaki ko nang tiyan. "Hindi kasi kita maintindihan niyel! Isang taon na tayong magkasama rito pero nakakaya naman natin, 'di ba?! Nabuhay nga tayong dalawa ng isang taon dito ngayon ka pa susuko?! Ngayon pa kung kailan magkakaanak na tayo?!" Asik ko. "Ngayon mo pa ako iiwan kung kailan kailangan na kailangan kita?!"

Pagod ang mga mata niyang tiningnan ako. Tuluyan na niyang sinara ang zipper ng maleta niya. "You know what? I'm tired of you! Napaka-demanding mo at napaka-clingy! Tapos ngayon binubungangaan mo pa ako! Can't you just let me go! Hindi naman kita tatakbuan. Susustentuhan ko naman kayo ng anak natin kaya hayaan mo na ako. Wala akong pakialam kung----" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Sinampal ko siya. Malakas iyon dahilan para bumaling pa ang mukha niya sa kabilang side.

Napatiim bagang siya. "Tangina mo daniel!" Tumulo ng tuloy tuloy ang mga luha ko. "Ang gago mo! Pagkatapos mo akong itanan at pangakuan ng kung ano ano basta mo na lang ako itatapon?! Hindi ako laruan na kapag nagsawa kana ay basta basta mo nalang itatapon! Asawa mo ako tangina mo hindi mo ako puta!" Sigaw ko. Dinuro ko siya. "Ano?! Aalis ka?! Ha?! Sige umalis ka! Hindi mo hawak ang buhay ko kaya kakayanin kong mabuhay nang wala ka! Hindi kita kailangan!"

Natulala lamang siya sa akin. Kumuyom ang kamao niya at umisang hakbang. Ramdam kong gusto niya akong lapitan pero may pumipigil sa kaniya, at wala na akong balak na alamin pa iyon.

"Umalis ka na!" Asik ko pa. "Ito ang tatandaan mo...kapag lumabas ka ng kwartong 'to ay wala ka nang pamilyang babalikan pa!" Hinihingal kong sigaw.

Nagpunas ako ng mga luha at buong tapang na tumalikod sa kaniya. Ayokong makita ang pag-alis niya. Gusto kong magpakatatag para sa anak ko. Ayokong babaan ang sarili ko at magmakaawa sa kaniya. Tama na ang pagiging tanga ko.

"I-I'm sorry," Rinig kong bulong niya. "Pangako babalikan kita....." kahit wag na.

"Kung sakaling magkita kayo ulit, mapapatawad mo pa ba siya?" Tanong niya.

Napakurap ako. Hindi matatalo nang ingay ng videoke ang pag-ngawa ng puso. Ang lakas ng iyak nito at ramdam na ramdam ko na naman kung gaano kasakit ang naranasan ko noon.

"Hindi na." Inubos ko ang redhorse sa baso ko atsaka inabot sa kaniya. Akala ko ba nakakalimot ng problema ang alak? Bakit hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip ko lahat ng problema?!

"Matagal na 'yon, Corraine. You have to move on." Sabi niya pa.

Tiningnan ko siya. Pakiramdam ko maya maya lang ay iiyak na naman ako. Umiinit na rin ang mga mata ko. "Matagal na....pero nasa puso ko pa rin lahat ng sakit at pagsisisi. Paano ako makakalimot kung habang buhay nang nakatanim sa puso ko ang lahat ng mga nawala sa akin dahil sa kaniya?"

"Siguro may rason din siya para gawin niya 'yon.."

Umiling ako. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko kasabay nang muling pagkabasag ng puso ko.

"Nawalan ako dahil sa kaniya. Ang daming nawala sa akin dahil lang sa minahal ko siya. Hindi ko siya mapapatawad."

 Lost in MemoriesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu