KABANATA 21

139 8 1
                                    

Pumunta nga si Rhea para sa dinner. Tinawagan ko rin sila Tiyo at Tiya para dito na rin kumain kaso may plano na raw silang kumain sa labas kasama ang mga ka-church mate nila. Buti na lang pala dito kakain si Rhea kasi wala siyang kasama ngayon sa kanila.

"So, how's the chemo?" Kaswal na tanong niya, naka-direkta ang mga mata kay Daniel.

Ngumiti ako. "I'm getting better." Sagot ni Daniel.

"Mabuti naman." Tumango si Rhea at nilingon ako. "Pumunta na ba ang demo–I mean," Tumikhim siya. "Dumalaw na ba ang parents niya?" Tanong niya.

Nagkatinginan muna kami ni Georgia na nakaupo sa tabi niya, sa harap ko. "H–Hindi pa..." Sagot ko.

"Hindi pa? So, may plano kang imbitahan sila?" Diretsang tanong niya. "Kailan?"

I sighed. "Hindi ko pa alam. Maybe, someday?" Hindi rin ako sigurado. Depende nalang sa pagkakataon, at sa kalagayan ni Daniel.

"Great." Sagot niya bago nagpatuloy sa pagkain.

Napailing na lamang si Georgia. Ako naman ay piniling manahimik na rin at asikasuhin ang mag-ama ko.

"One cartoon show lang, huh?" Sabi ko kay Maxine nang buksan ko ang TV at nilagay sa cartoon channel.

"Yes, Momma!" Excited itong umupo sa maliit na sofa. Si Daniel naman ay umupo sa katabing sofa'ng inuupuan niya. "You like Dora, Daddy?" Tanong niya sa ama.

"Who's Dora?" Kunot noong tanong niya 'tsaka tumingin sa'kin. Nagkibit balikat lamang ako. "Who the heck is Dora?" Rinig kong bulong niya na ikinailing ko lamang.

"You don't know Dora?" Ngumuso si Maxine. Mukhang mas naging interesado pa siya sa Daddy niya. "Anong po bang pinapanood mong cartoons no'ng baby ka pa like me?" Curious na tanong niya.

"Sorry, baby." Ngumiwi siya. "I don't watch TV. I read books." Aniya.

"That's sad.." Mahinang komento ni Maxine bago tumingin sa TV. Nagsisimula na ang show ni Dora na gustong gusto niya rin.

Nagkatinginan kami ni Daniel. Ngumiti lang ako at akmang iiwan muna sila saglit nang mag-salita ulit si Maxine. "Maybe Maximo loves reading books too, Daddy." Malungkot siyang lumingon muli sa Ama. "He looks like you po kasi. Ako po, I look like momma and we both love watching TV." Binalik niya ulit ang paningin sa harap.

Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan kung paano unti unting nalulunod sa lungkot ang mga mata ng anak ko.

Maximo?

Baby, paano kaya kung buhay ka pa? Siguro mas masaya at hindi kami malungkot ngayon lalo na ang kambal mo. Sorry kung nagkulang si Momma. Hindi kita naligtas.

Nilingon ko si Daniel na tahimik lang at tulad ni Maxine ay malungkot na nakatutok sa TV. Hindi ko alam kung nanunuod ba talaga siya at naiintindihan ang palabas o paraan niya lamang 'yon para makatakas sa sakit. Alam ko na hanggang ngayon guilty pa rin siya sa mga nangyari noon.

I sighed heavily.

"Kapag pinapunta mo ang mga magulang niya dito. Sabihan mo 'ko para naman kahit papaano makaiwas ako." Sabi ni Rhea.

Nakaupo kaming tatlo ngayon sa high chair at umiinom ng wine. May dala kasi siyang dalawang bote ng wine, tinitikman lang namin.

"Umiwas talaga? Maliit lang ang mundo, 'no! Hindi habang buhay makakaiwas ka sa mga 'yon." Sabat ni Georgia. Tumango ako at tiningnan siya.

"Hanggat maaari ayoko na silang makita. Hindi ko makakalimutan kung paano nila sinira ang mga buhay natin noon."

Sumimsim muna ako sa hawak na wine glass bago nag-salita. "Naiintindihan kita, Rhea." Kasi 'yon rin naman ang nararamdaman ko. Kailangan ko nga lang isakripisyo ang galit ko para sa ikabubuti ni Daniel. "Hindi kita pipiliting makisama sa kanila ng maayos. Tama na sa'kin na unti unti mong natatanggap si Daniel."

"Kung hindi lang naman sa'yo, hindi ko naman susubukang makisama sa kaniya. Ginagawa ko 'to para sa inyo ni Maxine." Sabi niya.

Napangiti ako at nilingon siya. "Thank you..." Sincere kong sabi.

Mas lalo niyang pinadali ang lahat lahat. Mas pinagaan niya ang mga problema ko.

Inubos ko lang ang laman ng wine glass ko bago nagpaalam sa kanila. Oras na kasi ng pahinga at tulog ni Daniel.

"Ako na ang bahala kay Maxine." Sabi ni Georgia.

Tumango ako at ngumiti. "Thank you." Sabi ko sa kaniya. Nilingon ko naman si Rhea. "Thank you for coming." Paalam ko sa kaniya. Tumango lamang siya at ngumiti.

Tinalikuran ko na sila para balikan ang mag-ama ko sa sala. Patapos na ang isang show ng Dora the explorer nang lapitan ko sila. Nasa hita na ni Daniel si Maxine at nakasandal sa dibdib niya habang nanunuod.

"Maxine, sleep na kayo ni Daddy?" Putol ko sa pananahimik nila.

Sabay naman silang tumingin sa'kin. "Okay po, Momma. Malapit na pong matapos si Dora..." Sabi niya habang nasa TV ang mga mata.

Nag-angat naman ng tingin si Daniel sa'kin. Pabagsak na ang mga mata niya. "Tapos na kayo?" He asked.

Tumango ako at bumaba para pumantay kay Maxine. "Hey baby," Kuha ko sa atensiyon niya. "Magpapahinga na si Daddy. Okay lang ba na si Ninang Georgia nalang ang magbibihis sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

Mabilis naman siyang tumango. "Opo, Momma. You will take care of Daddy and I'll take care of myself." Sabi niya.

Napakurap ako. How smart. "Okay..." Hinalikan ko muna siya sa noo bago inalalayan pababa sa mga hita ni Daniel. "Goodnight, Maxine." Sabi ko sa kaniya.

"Good night, Momma." Humalik siya muna sa pisngi ko bago humarap sa Ama. "Goodnight, Daddy." Aniya saka humalik rin kay Daniel.

Napangiti na lamang ako. Malaki na nga talaga siya. Very brave.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Namumutla ka na naman." Tanong ko sa kaniya nang maiupo ko siya sa gilid ng kama.

Kinuha ko ang mga gamot niya sa drawer. "I'm fine. Magpapahinga lang ako." Sabi niya bago inabot ang binibigay kong gamot at baso ng tubig.

Tumango ako at inantay siyang matapos uminom. Nang iabot niya sakin ang baso ay kaagad ko naman 'yong binaba sa taas ng drawer 'tsaka siya inalalayang humiga. "Pahinga ka na. Kailangan mo rin ng lakas para bukas." Bukas na rin kasi ang ikatlong chemo session niya.

Tinitigan niya ako. "Hindi pa rin ako gusto ni Rhea. Galit pa rin siya sa'kin. Lalo na siguro sa Mommy't daddy ko."

I sighed. Kinumutan ko siya hanggang sa dibdib. "At least she's trying." Ngumiti ako. "Magiging maayos rin ang lahat. So, don't worry and just focus on your chemo."

He sighed heavily. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka, Asawa ko. Noong umalis ako, mas lalo akong nahirapan kasi pakiramdam ko mag-isa lang akong lumalaban. Kahit nando'n sila Mommy noon, pakiramdam ko wala pa rin akong pamilya. Ang hirap ng wala ka. Hindi ko alam noon kung saan ako pupunta o kung may uuwian pa ba ako k–kung sakali mang gumaling ako. I was lost in our memories. At hinayaan kong malunod na lamang ako sa mga masasayang alaala ko sa'yo noon. In that way, At least I can be at ease." I was lost in our memories, too. But now that he is here with me, I feel at ease. I found my peace.

Ngumiti ako at inabot ang pisngi niya. Masuyo ko 'yong hinaplos, at pinaramdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Mula noon hanggang sa oras na 'to, siya lamang ang lalaking minahal ko. "You don't have to live on our lost memories anymore, Daniel. You made it. You are with me now."

"You are home."

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now