Chapter 1 -Shopping

139 2 0
                                    

"Kuya Vance aalis kami ni Chloe mamayang gabi ah", paalam ko kay kuya Vance.

Nandito kami sa sala. Nagseselphone habang si kuya naman at si Noah ay naglalaro ng X-box. Kami na lamang ang magkasama ni kuya sa bahay sapagkat wala na ang mga magulang namin, limang taon na ang nakalipas. 13 years old ako nun at si kuya Vance naman ay 18 years old na kaya sa kanya ako nagpapaalam kung saan ako pupunta o kung ano ang mga ginagawa ko. Si Noah naman. Wala lang yan. Salot lamang dito sa bahay namin dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay pinepeste niya ako. Ang sarap ngang isprayan ng Baygon.

Wala kaming problema sa financial aspects sapagkat merong iniwan sa aming pera ang aming mga magulang bago sila mamatay. Nag-aambag din si Noah sa ibang expenses namin.

"Saan kayo pupunta?", matigas na tanong sa akin ni kuya. Inihinto ang paglalaro saka ako tinignan ng mariin. Masyadong mahigpit sakin si kuya. Siguro dahil kami na lamang dalawa sa buhay. Pero hindi na ako bata para paghigpitan niya pa. Napasimangot na lamang ako dahil sa pagiging mahigpit niya sakin. Psh!

"Siguro bro magpaparty na naman yan si Ave and Chloe sa Sweet Dreams Club", patuyang sagot naman ni kuya Noah. Ayan nga at nagsisimula na naman sa pang pepeste sakin si Noah.

"Hindi noh!. Magsho-shopping lang kami ni Chloe para sa pasukan next week. Ang pakialamero mo tlga Noah", bulyaw na sagot ko kay Noah. Palagi niya na lang akong pinepeste. Kaya tuloy palagi akong pinapagalitan ni kuya Vance dahil sa kanya. Kahit wala naman akong ginagawa eh isusumbong niya ako dito para pagalitan tapos siya ayun sa isang tabi pinagtatawanan ako na walang tunog. Ayaw ipakita kay kuya ang kalokohan niya.

Kumukulo talaga palagi ang dugo ko pag nandiyan siya. Wala nang katahimikan ang araw ko kaya masaya ako kapag umuuwi siya sa Legazpi. Inirapan ko na lamang ito nung makita kong nagpipigil na naman ito ng tawa.

"Watch your mouth Avery", pagalit na balik sa akin ni kuya Vance. "Ilang ulit ko nang sinabi sayo na wag mong sasagutin ang kuya Noah mo ng ganyan. At nasaan ang manners mo ha, Avery. Mas matanda sayo si Noah kaya matuto kang gumalang sa kanya."

Siya kaya nauna. Psh!. Sagot ko sa isip ko. Walang planong isatinig dahil mas mapapagalitan lang ako nito.

"Ok lng Vance. Alam ko naman na nagbibiro lang itong si Ave eh. Tsaka pinikon ko naman kasi siya," pagtatangol sa akin ni kuya Noah. Inirapan ko na lang siya sa ka echosan niya. Nakakabwisit, pagood shot pa siya eh masahol pa siya sa akin.

"Kahit na", sagot ni kuya. "Dapat matuto syang rumespeto. So because of what you said, you are not allowed to go with Chloe today", kuya Vance sa matigas na english. Kapag ng english na si kuya habang pinapagalitan ako ay hindi mo na mababali pa ang desisyon niya.

What?!!. Bwisit talaga. Kapag ako hindi nakabili ng mga kailangan ko, malilintikan talaga sakin ang lalaking to. Nakakapanggigil. Nang dahil sa Noah na yan eh hindi ako pinayagan ni kuya. Kakainis.

"Sorry kuya Vance and kuya Noah," malungkot sabi ko sabay akyat sa hagdan papuntang kuwarto. Labas sa ilong na pagsabi ng kuya sa Noah'ng yan. Psh!

Hay naku naman kasing asongot na Noah yan eh. Bakit pa ba kasi dito yan tumatambay. At ang mas masaklap pa, dito pa sa amin nakikitira eh meron naman siyang sariling condo sa may Legazpi. Iyan tuloy kahit saan ako pumunta dito sa bahay namin eh nakikita ko ang pangit niyang pagmumukha.

Buti na lang off limits siya dito sa kuwarto ko kung hindi ay baka bugahan na ako ng apoy ni kuya Vance. Ang sungit pa naman nun ngayon kasi kakabreak lang nila ni ate Shiela. Haysss!! 😯😯😯

Bago ko masarhan ang pinto nang aking kuwarto ay narinig ko pa ang sinabi ni kuya Noah kay kuya Vance.

"Hayaan mo na si Ave, bro. Inienjoy niya lang ang summer. Pasukan na next week nila di ba. Tsaka, bata pa yun. Wag ka naman harsh sa kapatid mo".

"Plastic mo men", bulong ko sa sarili at sinarhan na ang pinto ng kuwarto ko.

Concern kunwari eh siya naman ang nagsisimula kaya ako napapagalitan ni kuya. Napakaewan niya talaga. Sarap ipatapon sa imbornal.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now