Chapter 38 - Move on

24 2 0
                                    

"Wow. Ang ganda naman dito sa inyo Avery", Rachel na merong mangha sa mga mata habang nakatanaw sa dagat.

Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Ang lugar na ito ay tinatawag na Pa'Seawall ng kabaryo namin.

Gumanda ang lugar namin makalipas ang mga taon. Luminis ang paligid ng dalampasigan at kumikinang naman ang dagat sa pagiging bughaw nito. Ang itim na itim na buhangin ay mas nakakahalinang pagmasdan.

Kaya marami ang umaangkat ng buhangin dito samin mula sa iba't ibang bansa dahil sa ganda ng buhangin namin.

Marami na din ang mga turista na dumadayo dito samin. Mapa local o ibang bansa man ito. Marami din ang mga paninda sa may bandang taas ng seawall. Ang mga bulaklak sa gilid ng daan ay bumukadkad ng napakaganda.

Kau sarap manirahan dito. Hindi man ganun ka sibilisado kaya ng sa Legazpi pero angat parin dahil sa natural na ganda nito. Sa parteng gilid naman ng daan ay ang mga palay na kumikinang na parang ginto dahil sa hitik nitong bungga.

Tuwang tuwa naman ang mga kasama ko. At nag enjoy sila sa pag swimming sa dagat. Buti na lang at high tide ngayong oras kaya mas masarap maligo sa dagat.

Para naman kaming mga bata sa paglalaro. Nang mapagod eh pumunta na muna kami sa kubo para kumain ng mga dala naming pagkain.

Busog na busog kaming lahat at nagpapahinga na muna bago maligo ulit sa dagat. Walang sawa ang mga kaibigan ko paglalangoy kaya hindi maawat kahit namumula na ang mga katawan dahil sa pagbibilad sa araw.

Natapos ang araw namin na may ngiti lahat sa mga labi. Nagpahinga muna silang lahat sa bahay bago umuwi sa Legazpi. Kami lang kasi ni Chloe ang taga dito kaya halos lahat sila ay uuwi. Sinabihan nga din sila ni kuya na dun na lang matulog ngayong gabi at bukas na lang umuwi. Subalit meron naman daw si Marcus na dalang driver kaya okay lang. Malaki kasi ang van nila Marcus at kasya silang lahat ng hindi nagsisiksikan.

Wala naman na kaming magawa ni kuya kaya hinayaan na lang namin sila. Niyakap na lang namin sila isa isa ni Chloe at nagpaalam  na.

Nang umalis ay nagstay muna si Chloe sa bahay para dun na mag hapunan. Nagluto kasi si ate Shiela ng tinola kaya hindi pinalampas ni Chloe ito. Adik kasi sa tinola ang bruha haha.

Tawa naman kami ng tawa ni Chloe sa harap ng salamin dahil pareho na kaming namumula dahil sa pagliligo maghapon sa dagat.

Kumuha naman kami ng picture at pinost sa Instagram ito. Madami naman ang naglike ng picture namin ni Chloe at isa na dun si Noah.

Nag comment pa nga siya ng tumbs up. Psh! Talagang yun lang ang masasabi niya? Siguro pinagtatawanan ako nito dahil ang itim itim ko na.

Pagkatapos naming maghapunan ay umuwi na si Chloe sa kanila. Sinundo na kasi siya ni Lance. Kasama naman namin siya kanina umuwi nga lang saglit dahil may kailangang gawin.

Nakahiga ako sa kama habang nag Facebook. Tinignan ko yung mga kuha naming pictures kanina. Tawang tawa naman ako kasi lahat kami ay namula talaga. Para kaming mga dugyot hahaha.

Bigla naman na may tumawag sa messenger ko habang natatawa pa din dahil sa itsura namin.

"Noah is calling you...."

Oh shit. At bakit tumatawag to. Muka nung umalis siya ni minsan hindi niya ako tinawagan kahit iwan ng mensahe sa messenger. Anong kababalaghan at tumatawag ito ngayon?

Bago pa bumaha ang tanong sa isip ko ay sinagot ko na ang tawag niya. Sasagot na sana ako ng makita kong nagrequest siya ng video call. Hayss... okay na sana ang tawag lang eh. Pero yung video call? Ibang usapan na yun. Kinakabahan ako.

"Hooh", sabay hingang malalim at pinindot ang accept. Lumitaw naman ang mapangasar na ngiti ni Noah nung makita ko siya.

"You look awful Ave hahahaha", tawa niyang nang iinsulto. Loko to ah. Tinawagan niya ako para lang insultuhin? Humanda kang kurimaw ka.

"Yun lang ba ang itinawag mo sakin Noah matapos nang walang pagtawag tawag nung nakaraan?", pagtataray kong saad sa kanya.

Ngumiwi naman siya dahil sa naging sagot ko sa kanya. "Of course not Ave. I call you to congratulates you from your board exam"

"Psh.. Thanks", pagtataray ko pa din sa kanya.

"Hmmm..", pinagmasdan niya muna ako bago sagutin. Nailang naman ako at inalis ang tingin sa kanya. "I miss you"

Napabaling naman ako sa kanya ng sabihin niya yun sakin. Wala naman akong masabi.

"Don't you missed me huh?", dagdag pa nito. Hindi na naman ako makatingin sa kanya. Naiilang ako. "Hayysss. Anyways, you look good wearing that necklace"

Napatingin naman ako sa kuwintas at angat ng tingin sa kanya. Nakangiti naman siyang nakatingin sa kuwintas ko.

"Thanks Noah", ikling sabi ko. Wala talaga akong masabi. Umuurong ang dila ko dahil sa  kanya. Nawawala ang pagiging mataray ko.

"Your always welcome Ave", ngiti pa rin niyang turan sakin. Ave.

Ave.... asan na yung baby? Wala na din ba. Nalungkot ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Nginitian ko din siya pabalik.

Madami pa kaming napagkuwentuhan ni Noah nung gabing iyon. Medyo gumaan ang loob ko dahil dun.

Uuwi daw siya one day bago ang kasal ni Kuya at ate Shiela. Nagbabakasyon daw muna kasi siya. Masyado daw kasing toxic yung training niya kaya ng unwind daw muna siya bago ihandle ang hotel nila sa pag uwi niya.

Nagkuwento din ako sa kanya pero hindi lahat. Pinili ko lang ang mga sinabi ko sa kanya. Ayaw kong malaman niya ang nararamdaman ko para sa  kanya. Sapat na sakin ang makita siyang nakamove on na sakin.

Siguro susubukan ko na ding mag move on sa kanya.

Author's Note:

I just want to clarify things regarding to my story. Ginamit ko yung mga lugar dito samin sa Bicol pero yung layo ng mga lugar ay iniba ko. Like yung Legazpi to Malilipot and Malilipot to Tabaco ay hindi talaga ganun kalalayo. Exagge ko lang para majustify yung story ko. Yung mga pangalan ng mga establishments, schools, and so on ay iba din. Meron din namang iba na nag eexist talaga dito sa lugar namin. Meron din naman na mga bar dito pero hindi ganun siguro kadami. Hindi ko lang sure kasi hindi naman ako naggagala dito. Isang beses pa lang naman akong nakapasok sa bar at sa Naga pa iyon. Yung Pa'Seawall naman dito samin ay totoo po. Medyo inayos ko yung itsura haha. Pero totoo pong black sand dito samin at madami po talaga ang umaangkat nito dahil nga sa maganda itong pang build ng mga houses or whats so ever. Baka kasi may magbasa na taga bicol din at mashock sa mga pangalan hehe. Yun lamang po thank you.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now