Chapter 19 - Bulag

27 2 0
                                    

Pag kaakyat namin sa top floor ay kitang kita ang lakas ng ulan pero tama nga si Noah at merong bubong dito. Salamin nga lang ang mga pader kaya kitang kita ang patak ng mga ulan.

Pinili namin umupo ni Noah sa may malapit na bar counter. Meron din palang mga inumin dito. Kaya pala hindi masyado madami ang dinala ni Noah na pagkain.

Pagkalagay ko ng gamit ko sa upuan ay hinuban ko na ang sarong na suot ko. Itim na one piece ang suot ko ngayon. Hindi ko sinuot ang two piece ko kasi maulan tsaka akala ko outdoor dito.

Lumusong na ako sa tubig pagkatapos. Ang lamig ng tubig pero yung masarap sa pakiramdam. Wala din masyadong tao dito. Siguro mga tatlong couple lang ang nandito plus kami ni Noah. Pero where not couple. I just hope. Hayss.

Sumunod na din si Noah sakin sa pool habang naka trunks na lang. Ulalam... 😶😶😶

Dahil sa impact ng ginawa niya sa tubig ay hindi ko siya nakita nung humupa ang tubig. Asan na yun..

Nang biglang may humawak sa paa ko sa ilalim ng tubig. Dahil sa gulat ko ay bigla akong nagsisigaw dito at lahat ng mga tao ay nag sitinginan sakin na parang nagtataka. Nahiya naman tuloy ako.

Umahon si Noah na tawa ng tawa. Langya siya lang pala. Binatukan ko na nga. Bwisit.

"Bwisit ka. Pano kung inatake ako sa puso", sigaw ko sa mukha niya.

Pero ang loko ay nakatawa pa din.

"Hahaha. Hindi ka naman aatakihin babu kasi wala ka namang sakit sa puso", natatawa niyang sagot.

"Kahit na. Pano nga kung ganun", pagpipilit ko sa kanya.

"Hindi nga magyayari yun baby", sabi niya at pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko.

"Sorry na baby", sabi niya ng makita niyang seryoso pa din ako.

Tinanggal ko ang mga braso niya sakin at lumangoy na lang palayo sa kanya. Hindi ako makapagrelax pag nandyan siya. Tsk

"Umahon ka na lang baby pag nagutom ka ah", sigaw niya kasi nakalayo na ako sa kanya. "Punta lang ako sa  bar counter"

Hindi ko na siya sinagot pa at nakita ko na siya papuntang bar counter.

"Ang sweet naman ng boyfriend mo", biglang sabi ng babae sa may gilid ko.

"Huh? Ah... hindi ko yun boyfriend eh", pagtatama ko sa kanya.

"Weh.. Impossible naman. Iba ang nakikita ko sa mga mata ninyo kumpara sa sinasabi mo sakin ngayon", sagot niya sakin.

"Pero hindi po talaga", pagpipilit ko.

"Hmmm. Hindi pa?? Dahil pareho pa kayong bulag sa katotohanan. Ang ma ipapayo ko lamang sayo iha ay buksan niyo ng dalawa ang mga mata niyo bago mahuli at mawala ang lahat", saad niya sakin. Umalis na ako dun kasi nakakatakot na siya.

"Huwag kang matakot buksan ang puso mo", sigaw niya. "Naranasan ko na ang naranasan mo at puro sakit ang naramdaman namin bago kami lumigaya sa isa't isa", habol niya pa.

Pag ahon ko sa pool ay humihingal akong umupo sa upuan. Lumapit naman si Noah at inalok ako ng maiinom.

Kinuha ko ito at agad nilagok hanggang maubos.

"What happen to you baby? Are you okay? She did something to you?", sunod sunod na tanong ni Noah sakin.

"Wala naman Noah. Balik na tayo sa unit. Napagod na ako"

"Okay baby"

Tahimik lamang kami pabalik sa unit niya. Hindi niya ako inusisa pa sa nangyari sa may pool.

Pagkapasok sa unit ay kanya kanya na kaming pumasok sa mga kuwarto namin para magbihis.

Hayss. Its creepy but there's something on what she said to me. I'm scared, what if she's right. Oh no....

Tinawagan ko si Chloe pagkabihis ko. Humingi ako sa kanya ng advise tungkol sa sinabi ng babae sakin.

Pero tulad ng sinabi ng babae eh kailangan ko ding ilabas ang nararamdaman ko kay Noah. Subalit natatakot ako. Hindi lang para sakin pati na din kay Noah. Pano pag nalaman ni kuya ito baka nang dahil sa nararamdaman ko eh masira ang pagkakaibigan nila. Hindi ko yun makakaya.

Kaya hindi ko na lamang inisip pa ito. Natulog na lamang ako para makalimutan ang mga sinabi ng babae sakin.

My Brother's BestfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin